Copyright © 2013 by shinkumi

                                                    ALL RIGHTS RESERVED

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the author's consent, except where permitted by law.

                                                      September 21, 2013

***

Bakla + Tomboy = ?

"Masama bang maging bakla?"

"Masama bang maging tomboy?"

"Sabi nila bagay kami...."

"Pero hindi kami talo! Pusong lalake ako..."

"Pusong babae ako..."

"Mas gusto kong magbasketball kesa maging cheerleader..."

"Mas bet kong maging cheerleader kesa magbasketball..."

"Ayokong magsuot ng mga palda at fit na damit. Ang sagwa! Mas gusto kong nakashort at maluwang na t-shirt..."

"Gusto ko sanang magpalda at magfit na damit...kaso hindi alam ni fatherlu ko na dalaga ang anak niya...hindi binata..."

"Hindi ako attracted sa babae...pero feel ko mas gusto kong maging lalake..."

"Nagagwapuhan ako sa mga Papa sa paligid pero wiz naman dumadating sa point na nagkakaboyfriend ako"

"Bestfriend ko bading..."

"Bestfriend ko tomboy..."

"Palagi kaming magkasama kahit na nagbubugbugan na kami minsan..."

"Palagi kaming nag-aaway pero at the end of the day...kami pa rin ang magkasama"

"Pero dumating ang araw na....nahalikan ko siya dahil sa isang MALAKING emergency..."

"Nakakadiri! Nagkiss kami ni bestfriend! Imbyerna ang beauty ko!"

"Nakakapangilabot! Nahalikan ko yung BFF kong beki!"

"What to do?! What to do?! Everything is getting weirder and weirder!"

"Arggh! Nababading na ba ako sa bestfriend ko?! Eh tomboy nga ako eh!"

"Natotomboy ba ang bading?! Oh my gulaaaay. This can't be happening!!!"

Bakla siya. Tomboy naman yung isa. Magbestfriend sila. Nakakatawa di ba? Opposite attracts nga ba? Hanggang kailan nila ikukulong ang sarili nila sa kasariang hindi naman dapat kanila? Magiging I fell inlove with my bestfriend ba ang drama nila?

Ikaw ba? Kaya mo bang sagutan ang equation na ito?:

Bakla + Tomboy?

Isa nga ba itong equation na dapat nilang sagutan? 

O tadhana na lang ang gagawa ng paraan?

Ang storya ng tomboy na nabading at ang bading na natomboy...

***

Lei/shinkumi's Note: Kamusta ang prologue? XD Romance, Humor, Teen Fiction ang genre ng story na ito. Hindi talaga pwedeng mawalan ng Humor ang story ko. Ngayon pa lang sinasabi ko na, puro kalokohan ang nilalaman ng story na ito. Haha! Salamat sa pagtatry sa pagbasa! Sana nagustuhan niyo ang prologue. Hindi talaga akong magaling sa umpisa pero sa mismong body ng story doon ako nabawi. :) I need your feedbacks!

Dedicated to thisluxygirl! \\(^O^)// Plug ko yung story niya entitled "Love in Disguise". ^O^

Bakla + Tomboy (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!