Chapter 37 ♥

Magsimula sa umpisa

Haha, sama ng loob ko 'no. bakit pag si Adrian, ang sweet sweet. Di ko tuloy alam kung sincere tong si Kyle eh. Confession na ba yun o nadulas lang siya? Gusto nya kaya ako?

Kasi kung tutuusin..

Kahit walang modo yan at mahilig manigaw, NAPAKA-SWERTE ko na kung magugustuhan ako nyang si Kyle. Pero parang hindi naman kasi isa lang akong NOBODY sa kaniya. How come magkakagusto yan sakin?

Ewan ko sa kaniya. Kakalimutan ko nalang ang narinig ko. Hmmp! Ayoko ding mag-assume masyado. Tama na ang kilig. Psh.

Natapos kaming kumain ng walang nagsasalita samin kaya binasag ko na ang katahimikan. "May iuutos ka pa kamahalan?” kalmadong tanong ko. Nawala na yung kabog kabog sa dibdib ko eh.

I like you..

I like you..

I like you..

I like you..

Ay putek! Sinabing ayoko na maalala yun! Psh. Wala yan. WALA!

“Linisin mo 'tong kwarto ko.” Seryosong sabi ni Kamahalan na tumayo na at humarap sa desktop niya asuxual.

Tiningnan ko ang paligid. “Kamahalan, wala pong kalat. Malinis na malinis ang kwarto niyo.” Sabi ko. Eh malinis naman kasi talaga.

“Ah, nobody..”

“Oh?”

“Ah, ah..”

Ayan na naman siya.

“Kailangan nating mag-take ng picture na magkasama.”

“Para saan naman Kyle?” tanong ko. Bakit naman kailangan namin magpicture?

Oh, Chelsea wag assuming.

“Di ba absent kayo ni Adrian kanina?” sabi nya. Oo nga pala, lagot ako.

“Sabi ng prof lahat ng mga partner nung isang araw, kailangan may picture together tapos ipapasa kay Ma’am.” Sabi niya.

Ah yun pala. Pero worry naman ako kasi napa-absent ako kanina. Hanla.

“Problema mo?” tanong ni Kyle.

“Kasi absent ako kanina, baka maapektuhan yung grades ko.”

“Don’t worry, excuse kayo.” Sabi nya.

"TALAGA?”

“Oo nga. Ano tara picture na tayo.” Sabi nya.

“Eh okay.” I smiled at him. Mukhang kalmado din si Kyle. Hehe. Lumapit ako sa kaniya. “Paanong pose ba?”

“Dito ka sa tabi ko. Tapos picture tayo. Pose tayo ng japan, japan!”

Hanla, japan japan? Marunong si Kyle? HAHA. Na-excite ako bigla. “Okay.”

Tumabi nako sa kaniya then harap kami sa iphone niya nakafront camera.

1

2

3

Japan, japan!

CLICK!

“Okay na?” tanong ko.

He smiled. “Yeah.”

Si Kyle ngumiti. Ngumiti sya promise! Promise talaga!

“K-Kyle..”

“Hmm?” sabi nya habang nakaharap na sa desktop. Parang inaayos pic namin. Napansin ko naka-connect na yung iphone niya sa CPU nung pc eh. Baka ipapasa niya kay Ma'am via email.

“E-Eh, wala. Wala! Pwede na ako umuwi?” sabi ko nalang.

Hindi na ako komportable kay Kyle. May something na sa kaniya. Kyaaa. Ano bang nangyayari.

Kakaiba ang araw na ‘to promise.

“Sige.” tumingin siya sakin the smiled. “Don’t forget to check your facebook later. You should go online, I will chat you. Okay?” sabi niya sa kalmadong boses.

Si Kyle ba ‘tong kaharap ko? Seriously, bakit, bakit bigla siyang nag-transform? Nagumingiti na sya sakin.

At ang bait niya.

Di siya naninigaw.

Naguguluhan nako talaga. Kailangan ko na talagang umuwi at itulog muna ‘to. Hindi na kinakaya ng brain cells ko ang nasasagap ko ngayong araw na ‘to.

Dali-dali akong umalis ng kwarto ni Kyle.

Grabe talaga. First, liligawan daw ako ni Adrian at second, gusto daw ako ni Kyle tapos ngini-ngitian na niya ako.

EARTH, what’s really happening on you?

 

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!