Chapter 2

1.4K 35 7
                                        





Chapter 2:

Why are you still here?!


First term ko na sa school at sobrang kinakabahan ako. Good thing ay nakita ko kaagad si Ally habang papasok ako. Ibang-iba siya sa past school ko dahil sobrang ganda at sobrang lawak nito. Mula sa sa gate ay matatanaw mo agad ang field nila at tatlong building na magkakatabi.

"Arissa, since transfer student ka need mong pumunta sa faculty dahil iintroduce ka ng magiging homeroom teacher mo sa klase."

"Bakit may ganun pa?" takang tanong ko.

"Ganun talaga dito. Alam mo naman, private. Saka Arise, ingat ka sa mga bully ha? Usually kasi pag transfer student eh binubully. Pakita mo lang kung sino ka para maging kaibigan mo sila." Aniya habang nakangiti ako.

Ngingiti-ngiti din ako sa kanya. "Saka trust no one, except me. Got it?" Tumango ako.

"Sya, bilisan na nating pumunta sa faculty dahil magtatime na."

Hinatid niya ako sa faculty which is nasa second floor lang. Iniwan niya ako dito at dumeretso sa room niya. Hiyang-hiya ako dahil feeling ko out-casted ako sa school na 'to. But just like what Allyssa told me. I need to act the way I am. I calm myself.

"So Miss Alcantara, just introduce yourself to them with a big smile." Ani ng magiging home room teacher ko. Tumango naman ako habang sinusundan siya kung saan ang magiging kwarto ko.

"Dyan ka muna, I'll greet them first." Hindi na ako sumagot at nag-antay na lamang sa kanyang hudyat.

Damn, this is it Kisa Alcantara!

Don't be shy. Kapalan ang mukha!

"Class so you have a new classmate for today."

Halos bulungan ng mga estudyante sa kwartong papasukan ko ang naririnig ko. Kung maganda daw ba ako, friendly at kung anu-ano pa. Baka hindi ko mapantayan ang expectation nila sa akin but I will do my best.

"You may now enter Miss Alcantara." Bago ko pa man buksan ang pintuan ay agad na binuksan ito ng isang binata. What the hell.

"Alcantara daw!"

"Baka kambal ni Kiro yan."

"Eh, Sir si Kiro Alcantara naman yan eh!"

"Bat si Kiro ang pumasok?"

"Mister Alcantara, you're late for your first day." Tumingin lang ito ng deretso at agad na pumunta sa upuan niya. "Pasok ka na Miss Alcantara at ipakilala mo ang sarili mo." Pumasok na ako at tumayo sa platform.

Kalma, kalma lang.

"Hi, I'm Kisa Arissa Alcantara. Just call me Arissa. Please take care of me." Sabay bow ko.

"Kaanu-ano mo si Kiro?"

"Bakit pareho kayo ng mga initials?"

"Kambal mo ba sya?"

"Tama na ang tanong, magkaklase na tayo. Miss Alcantara you may sit down in the vacant sit beside Mister Alcantara at the back." Tumango ako at pumunta sa likod. Tiningnan ko lang sya dahil hindi ako makapaniwala. It's so impossible.

How Did We End Like This?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora