Chapter 35: The Difference Between You and I

Van’s POV

“Nasaan si Kisha?” tanong ko kay Lolo G pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanya kasi sobrang himbing ng tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Hindi rin ako nakatawag at nakapagtext dahil nawala ang cellphone ko, nagpatak siguro nung na-iimbestiga kami tungkol sa mga Fiend. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan nanggaling ang mga nilalang na ‘yun...

“Hindi ba nagtext o kaya tumawag sayo? Ang sabi niya kasi makikipagkita lang daw siya sa kaibigan niya” sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa magazine na binabasa niya. Wag na kayong magtanong kung anong klaseng magazine kasi alam naman nating lahat kung ano ‘yun.

“Nawala ko kasi ang cellphone ko eh...” sino naman kayang kaibigan ang pupuntahan niya? Nag-aalala ako, hindi siya pwedeng basta na lamang lumabas dahil masyadong delikado. Lalo na ngayong madami ng nakakaalam ng kaugnayan niya sakin. Ayokong mapahamak siya ng dahil lang sakin. Hindi ko yun papayagan...

Umupo muna ako sa couch, baka naman dumating na din siya mamaya....

Pero nakalipas ang sampung minuto ay tumayo na agad ako. Hindi ko na kayang mag-intay pa ng ilang minuto o kaya ng oras sa pagdating niya. Sabihin niyo ng overreacting pero masyado talagang delikado para sa kanya. Lumakad na ako palabas ng pinto at hindi pinansin ang pagtawag sakin ni Lolo G. Kailangan kong hanapin si Kisha...

Pagkalabas ko ng pinto ay hindi pa ako nakakailang hakbang ay nakita ko ang pagparada ng isang kotse na hindi ko pa nakikita noon. Sino naman kaya ‘to?

Nilapitan ko ito at nagulat ako ng lumabas si Ivan Crone. Anong ginagawa ng isang Vampire Hunter na katulad niya sa lungga ko? Hindi ba niya alam ang pinapasok niya? Sa ginagawa niyang ‘to parang pinapakita niya sakin na kayang-kaya niyang tumungtong sa teritoryo ko ng ganun na lang kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang kwelyo...

“Anong ginagawa mo dito Ivan Crone?” nagtataka siguro kayo kung bakit ko siya kilala, nakita ko na siya noon na kasama ni Cross sa may council kaya tanda ko pa ang pagmumukha niya...

“Tss. Hindi ito ang oras para angasan mo ko Van Walker, kasama ko si Kisha at baka gusto mong malaman kung anong nangyari sa kanya...” agad ko siyang binitawan at umikot sa kabilang bahagi ng kotse niya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kisha na nakaupo sa may passenger seat habang walang malay. Binuhat ko siya at dinala sa loob ng mansyon. Nakasunod sakin si Ivan at kahit ayaw ko siyang papasukin sa loob ay wala na akong nagawa dahil mas mahalaga na malaman ko kung anong nangyari kay Kisha. Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh, ang mapahamak siya…

Dinala ko siya sa kwarto namin at inihiga ko siya sa kama. Hinarap ko naman si Ivan na nakasandal sa may amba ng pintuan...

“Anong nangyari sa kanya?” kalmadong tanong ko sa kanya kahit na gusto ko na siyang paalisin sa pamamahay ko...

“Dadalhin ko sana siya kay Cross at doon kami sa may park magkikita pero habang naglalakad siya ay inatake siya ng mga Fiend, mabuti na lamang at naisipan kong salubungin siya sa daan. Nakita ko na lang na sinusundan siya ng mga Fiend...”

Naiyukom ko na lang ang aking kamao at tumingin sa natutulog na si Kisha. May sugat siya sa kanyang tuhod at may kalmot siya sa kanyang pisngi... “Bakit siya sinusundan?”

Namayani ang katahimikan at kahit hindi siya magsalita ay alam ko na ang sagot... “Ikaw ang dahilan Van Walker. Gusto ka nilang patayin at ang mga taong importante sayo, lalong-lalo na si Kisha. Hindi mo ba naisip na masyado ng delikado ang lahat para sa kanya?”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!