Chapter 12

//

" Lapitan natin? " sabi ni Chris. Lapitan daw naming si Daniel? Aba! (-___-“ )

" W-Wag. Pumunta na lang tayo sa Rialto. Bilisan mo. " sagot ko sa kaniya tsaka ko siya hinila para pumila.

Sumilip ako mula sa likod ni Chris para tignan si Daniel. Pumila din sila nung babae. Ano ba yan? 

" Alisha. Hindi mo ba namumukhaan yung babaeng kasama ni Daniel? “ tanong ni Chris habang nakatingin padin ako kay Daniel.

" Ha? " sabay tinignan ko nang mabuti yung babae.

Biglang napaisip tuloy ako. Napaisip ako kung sino yung babaeng kasama ng bestfriend ko. Wait. Sino ba kasi yung babaeng yun?

" Siya yung girl na sumugod sayo sa mall nung nagcutting tayo? " sabi ko kay Chris. Oo, siya nga ata yun.

“ Oo, tama ka. Siya nga yon. “ -Chris

"Pero bakit sila magkasama ni Daniel? “ tanong ko. 

" Si Alyssa. Kababata siya ni Daniel noong sa America pa nakatira si Daniel." paliwanag niya 

Allysa? Parang wala pang nakwekwento sakin si Daniel tungkol sa kaniya. Never pa niyang sinabi na may kababata siya. Wala talaga siyang nakwekwento.. Pero bakit? Bakit hindi niya sinabi sakin? 

 

“ Bakit mo kilala si Alyssa? “ nagtataka kong tanong kay Chris. 

 

" Pinakilala siya sakin ni Daniel, medyo matagal na rin kaming magkakilala kaya niligawan ko siya. Pero nagsawa ako kakahintay. Pero alam mo siya lang ang babaeng sineryoso kong ligawan.  "

Tumingin ulit ako kay Daniel at kay Alyssa.Nakakainis eh. Kung makakapit naman tong babae kay Daniel parang Linta. Umuusok tuloy yung tenga ko sa inis sa kaniya eh.

**

Daniel's POV 

Sinabi ko na kasing ayoko pumunta ditto sa EK. Mapilit kasi. Bwiset.

" Bestfriend mo yun diba? " tanong niya. 

Napatingin naman agad ako sa direksyon na tinuro ni Alyssa. 

 

>____< Pagkatingin na pagkatingin ko, uminit na agad yung ulo ko. Guess what? Andito si Chris at ang nakakainis pa dun ay kasama ni si Alisha. Kasama niya yung bestfriend ko.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!