CHAPTER TWENTY ONE: Kiss

5.1K 163 4
                                    

"Hang-over? Pero di-", kaagad kong naalala ang mga kaganapan kagabi. "Right. Anyways, what are you doing in my bed shirtless?"

"Ako ang nag-alaga sayo kagabi, cannot you remember?", pilit kong inalala yun pero wala. Umiling na lang ako. "Your mom won't let me drive kaya inalagaan na lang kita. Ako ang naghatid sayo, nagpahiga sayo dito and I even changed your clothes."

Tinignan ko ang suot ko. I'm just wearing my white sando and boxer's short. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman yun. Tinignan ko siya at bigla siyang natawa. "But still, why are you in my bed?"

"Your mom told me so" agad kong naalala si Mommy. Paniguradong dadakdakan na naman niya ako. If there's only one thing that I cannot bear, it's her nagging. Tagos to the bones ang bawat salita niyang sasambitin. Napalunok ako. "Yeah, and she checked on you a while ago."

"What?! Pumasok siya ng kuwarto and nadatnan niya tayo sa ganung position?",

ang pagpapanic ko. Tumango siya. "I'm so dead!!!!!!!"

"Binilin niya na tawagan mo raw siya pagkagising mo", ang habol pa niya. Kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mommy. Heto ang disadvantage ng postpaid, hindi ako makapagrason kay Mommy. After a few ring, sinagot niya ang tawag.

"Hello, Mommy?" ang pasimula ko, sobrang kinakabahan ako.

"Robi Sakamoto Ramirez, you do have a lot of explaining to do!", ang kaagad niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. "Bakit ka nagpakalasing eh di mo naman pala kaya?!"

"Sorry Mommy, I was just carried away"

"Utang na loob, anak naman. Pinipigilan ka na ng mga kaibigan mo, hindi ka pa rin nagpapigil"

"Sorry po, hindi na po mauulit"

"Alam mo bang hinatid ka pa nila Nica, Rex at Mira? They explained what you did but still I need to talk to you. Pati si Renzo, naaabala mo pa."

"Kilala mo siya?"

"Paanong hindi? Eh, siya ang nag-alaga sa'yo kagabi; mahiya ka naman Robi. Pinatulog mo na nga siya sa bahay ng wala sa oras, ginawa mo pang teddy bear. Magsorry ka sa kanya."

"I will, Mom-"

"NOW! I want to hear it!"

Tumingin ako kay Renzo, nakatitig siya sa akin. Sinigaw ko ang

"Komenasai Renzo-chan!"

"Itigil mo yang kaNinihonggo mo, buti naman kung naiintindahan ka nyan!"

Tinignan ko si Renzo muli. Pinipilit niyang huwag tumawa. Napabuntong-hininga ako at muling sumigaw. "Sorry, Renzo! Patawad! Merci? Por favor!"

Hindi niya na napigilang tumawa pati si Mommy ay natawa sa mga pilosopo kong paghingi ng tawad. "O, siya. Ibigay mo kay Renzo ang telepono"

Inabot ko ang cellphone ko kay Renzo at kina-usap si Mommy. "Opo, Tita. Wala po yun... Hindi naman po ako naaabala... Okay po Tita I will..... Your welcome po. Bye po."

Pinatay niya ang cellphone at inabot sa akin. Linapag ko naman yun sa side table ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Naramdaman ko ang muling pagkirot ng ulo ko, napahawak ako doon.

"Halika, itulog mo na muna ulit yan", ang paanyaya ni Renzo. Muli akong humiga sa kama, pumwesto ako papalikod sa kanya. Kaagad naman niya akong yinakap. I could feel his bare skin against my back. Humarap ako sa kanya. I looked at his eyes.

"Nakakatawa ka pala kapag lasing", ang sabi niya. Tinanong ko siya kung bakit. "Tawa ka ng tawa kahit walang dahilan; you even called your friends "three idiots! and Nica was pissed off"

"Lagot na naman ako kay Lieutenant Nica Sanchez", ang biro ko. Sabay kaming tumawa nang bigla niya akong halikan sa labi. I was caught off guard so he freely invaded mine. I felt nothing. No burning. My mind was not clouded. I still breathe normally. Kumalas siya at tinitigan ako.

"How does it feel?" ang tanong niya. "Good or bad?"

"Ikaw talaga. Tulog na nga lang tayo. Lasing ka pa ata", ang pag-iwas ko sa tanong niya. Ngumiti lang siya at lalo pang ginulo ang buhok ko.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon