Chapter Thirty one

120K 4.1K 1.1K
                                    


31: The deal
-

“Beb, okay ka lang ba talaga?” Tanong ni Ayesha. Nandito na ako sa kwarto namin at hindi na rin ako nag abalang magsorry pa kay Thunder regarding sa nangyari sa rooftop. Nawala lang siya kanina, may kahalikan na siyang iba? Aba’y gago pala siya eh, kaya pala ang tagal bumalik.

“Oo beb, okay lang ako... Nga pala, magkaaway pa rin ba kayo ni Liam?” napangiti siya ng malawak sa tanong kong iyon at saka ako tinabihan sa kama.

“Umamin na siya sa akin, beb. Omg talaga!” tuwang tuwa siya kaya automatic na nahampas niya ako sa braso ko. Ito na naman siya, nagiging mapanakit pag kinikilig.

“I can’t believe it, all this time pala ay may gusto rin siya sa’kin pero nag usap na kami kanina, pananatilihin namin ang friendship namin. Maybe 2 years from now, pwede na kaming pumasok sa serious relationship.” kwento niya at ngumiti ako naman ako.

“Masaya ako para sa inyo.” niyakap niya ako at saka sabay na nahiga. Mas pinili niyang dito manatili sa kama ko kaya naman magkatabi kaming natulog.

Kinabukasan, P.E namin. Nandito kami sa gym.. Ang strange lang sa feeling na parang hindi magkakakilala ang dark. I mean, hindi kasi sila nagpapansinan. Tanging si Axel at Jasper lang din ang nakakausap ko.

“Magkaaway ba kayo ni Thunder?” Tanong ni Axel.

“Hindi ba obvious?” Tanong ni Jasper. Para na naman siyang may regla. Ang init ng ulo.

“Let’s talk.” Napatingala ako nang lapitan ako ni Thunder. Walang sabi-sabi, agad na umalis ang dalawa para mabigyan kami ng privacy.

“Anong pag uusapan?” Bored kong tanong.

“Bakit ikaw pa yung galit ngayon? Ako na nga itong tinaboy mo kahapon. Mas kinampihan mo pa talaga si Jiro, bakit? Nagustuhan mo ba yung haliㅡ” hindi na niya naituloy pa ang masakit na salitang lalabas sa bibig niya. Alam ko naman kung anong itatanong niya kaya ipinakita ko sa mismong mukha niya yung picture na nakapost sa bulletin kahapon.

“Now tell me, Thunder. Nasarapan ka ba sa halik niya kaya ang tagal mong bumalik kahapon?” pilit komg kinontrol ang pag mlabas ng luha sa mga mata ko. Ayokong gumawa ng eksena lalo pa at narito ang mga kaklase namin. Ayokong isipin na tama yung sinasabi nila na isa lang ako sa laruan ni Thunder.

“Where did you get that?” kinuha niya iyon sa akin at hindi na ako nag abalang sumagot pa. Nabigla na lang din ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at hatakin palabas ng gym. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila Axel, Jiro, Matthew at Jasper.

“Thunder! Anong ginagawa mo?!” Boses ni Jiro mula sa likuran.

“Saan mo ko dadalhin?” Tanong ko hanggang sa huminto kami sa isa pang gym kung saan nagpapractice ang mga cheerleader. Nanlaki na lang ang mata ko nang itapon ni Thunder ang lukot na picture kay Emerald, dahil doon ay napuno ng bulungan buong gym.

“Thunder! Respeto naman. Babae pa rin ‘yan kahit hindi halata.” pagsingit ni Jasper.

“Ano Emerald?! Masaya ka bang naset-up mo ko?” tanong ni Thunder pero mukhang nagseryoso na si Jasper dahil bigla niyang itinago si Emerald sa likuran niya.

“Umalis ka nga!” Sigaw ni Emerald nang itulak niya si Jasper. “So ano ‘to Thunder? Pagtapos mo kong landiin noon, ganun-ganun mo na lang ako itatapon ngayon?!”

Napapikit ako ng mariin at ginulo ang buhok sa sobrang frustration. Naririndi na ako, halos araw-araw, oras oras akong nakakarinig at nakakakita ng away. Nakakapagod.

“Pwede huminahon?!” Sigaw ko pero bigla na lang ako sinugod ni Emerald, mabilis namang nakaharang si Thunder at balak na sanang patulan si Emerald ngunit nabigla na lang ako nang suntukin ni Jasper si Thunder. Halos lahat ay natahimik.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon