C16- NIGHT CHANGES (JSEN'S CHANGES)

3.4K 83 8
                                    

Paolline'S P.O.V


"WAAAAAAAAAAAAA~! CJ! PLEASE COME BACK TO THE OLD YOU! MISS KA NA NAMIN!"

"CJ! CJ! CJ!" 

"PART.TIME.LOVE! L-O-V-E PART.TIME.LOVE!"

"KYAAAAAAAAAAAA~! WE LOVE YOU PART TIME LOOOVE!"

Nabibingi na ako. Sira na naman nga ata ang eardrums ko e. Paano ba naman hindi ba nila kayang magpaawat sa kakasigaw?. Hindi ba sila napapaos?!. Grabe naman kasi kung makasigaw kala mo naman wala ng bukas.Tsk.  Kanina pa akong rinding-rindi sa mga ito. Kung sabagay, hindi pa ba ako masasanay? 

Habang naglalakad kami papunta sa kotse na sasakyan namin ay hindi naman matigil ang mga fans nila sa paligid namin na pilit na lumalapit kala Jadden, Jd, at Jp para mahawakan, magpa-picture, magpa-autograph at iba pang hiling ng mga fans. Nasa gitna nila akong tatlo baka daw kasi madali ako ng mga fans nila. 

Base sa sinabi nila Jp at Jd sa'kin, obvious na obvious na sanay na sanay na sila sa ganitong eksena. Marami na ngang guards ang humaharang sa mga fans nila pero hindi pa rin sila mailayo kala Jd. Nagsisiksikan na kami habang patuloy lang kami sa paglalakad. Nasa likod ko si Jadden habang kasabay ko si Jd. Nasa unahan ko naman si Jp.

Nakangiti lang sila Jd at Jp sa fans ngunit hindi nila ito mga hinahawakan o pinapansin, matatagalan pa kasi kami sa lugar kapag ginawa pa nila. Si Jadden naman ay naka-sumbrelo at naka-earphone. Ayaw daw niyang nakukuhanan ng litrato kaya nakayuko lang siya at nabibingi daw siya sa mga tao. 

Nakarating na naman kami sa van. Binuksan ng isang guard ang pintuan kaya pumasok na kami. Nahuling pumasok si Jadden kaya nakita ko kung paano magkagulo ang mga fans sa labas ng sasakyan. Katabi ko si Jd sa pinaka-likod na upuan, sa unahan namin si Jp at sa unahan nito ay si Jadden. Sinara na ng guard 'yung pintuan kaya umandar na ang van. 

Nakakapagtaka nga dahil ang tahimik ata ng dalawa ngayon. Si Jp ay nagse-cellphone lang, si Jd naman ay naka-earphone din at nakatingin lang sa bintana ng sasakyan. May problema kaya 'tong mga ito?. Siguro napagod lang talaga sila ngayon.

Habang nasa byahe kami ay naalimpungatan ako. Napa-ayos ako ng upo dahil nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat ni Jd na tulog rin pala. Tinignan ko sila Jadden at Jp , gano'n din, tulog din sila dahil sa pagod. 

Bigla nalang tumigil ang van sa gilid, tumabi ang van namin sa gilid ng kalsada. Tumingin ako sa labas at gabing-gabi pa rin. 

Napahikab ako dahil inaantok pa ako,  " Manong, ano po'ng gagawin natin dito?" Tanong ko kay manong driver.

"Ah Ma'am kasi nand'yan po ngayon si Sir Jsen, nasa likod po natin ang sasakyan niya ngayon. Pinatigil niya po kasi ako" sagot ni manong. Napakunot naman ang noo ko. 

'Si Ian nandito ngayon? Tapos na ang concert a?' . At dahil naalala ko na naman ang hindi pagsupot ni Ian sa concert nila ay nakaramdam na naman ako ng inis sa kaniya.

"Manong, paano naman makakapunta dito si Ian e busy nga siya diba?. Tyaka hindi nga siya naka---AY KABAYO!" naputol ang sasabihin ko nang magbukas 'yong pintuan ng van at napasigaw nalang ako sa gulat. Nanlaki naman ang mga ko nang makita ko si Ian na nakatayo sa labas ng van na nagbukas ng pintuan, nakahawak pa ang magkabilang kamay niya sa gilid niya.

"Mukha ba akong kabayo para sa'yo?" poker face ang mukha ni Ian ngayon at mukhang na-offend ko pa siya dahil sa naisigaw ko sa gulat. 

'Ginulat mo ako e!' napahawak pa ako sa dibdib ko.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon