TAL. 15 -- Give Him Some Break

"About the baby thing." pinipigilan kong manginig ang kamay ko na nakahawak sa kanya dahil nagsisimula na namang bumalik ang takot ko. Honestly, makakaya ko talaga ang galit ng ibang tao 'wag lang ang kay Daryl. I cannot bear his anger, really.

Bumakas ang tuwa at gulat sa mukha nya kaya naman halos maiyak na ako sa pagkakaupo ko. He misunderstood me. Oh, goodness!

Mabilis na lumipat ng upuan si Daryl at tinabihan ako. Hinawakan nya ang palad ko at matamang tumingin sa akin. "What about the baby, Cass? Are we going to have a baby? Is that the reason why you prepared this dinner?" hopeful ang itsura nya kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. This will be a heart break for him. Ngayon pa lang nagso-sorry na ako sa kanya.

Pumikit ako ng mariin at ako na ang humawak sa kamay nya. "I'm sorry." Bulong ko sa basag na tono. Sabay ng pumatak sa magkabilang pisngi ko ang mga luha na hindi ko na napigilan. Kulang ang salitang namatay ang puso ko sa sasabihin ko sa kanya. My poor husband. Hindi talaga sya deserving sa katulad ko. He should have chosen someone who is greater than me, someone not mean as I am to him.

"Sorry? Para saan? Look at me, Cass." He held my chin and lifted it up upang magkatitigan kami.  Puno ng pag-aalala ang mukha nya. "Bakit ka umiiyak? Ano ba ang nangyayari? Tell me."

"Daryl.. I.. I.." muling bumalong ang masaganang luha sa mga mata ko. Napahawak ako sa kamay nyang nakahawak pa rin sa chin ko. Humawak ako sa kanya ng mahigpit na parang nais kong sa kanya din mismo makakuha ng lakas ng loob. "H-hindi tayo magkaka-anak. Hindi ko maibibigay ang hiling mong magka-baby tayo."

Napatunganga sya sa akin at parang naguluhan sa sinabi ko. "What do you mean by that? Are you like your foster mom?" napakunot noo sya. "Baog ka rin?"

Umiling-iling ako. "No, yam." lumunok ako dahil tila may napakalaking bara sa lalamunan ko. I touched his face and looked straight in to his eyes. "I cannot give you what you want because I dont want to."

Hindi sya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya nagpatuloy lang ako. "Alam mo ang fear ko na mabigyan ka ng anak. You know all my fears, my sentiments, my problems, all of them alam mo." mahinang paliwanag ko sa kanya. Nagbaba na din ako ng tingin at sa dibdib na lang nya napatitig. "Mahal kita, alam mo 'yan. But hindi talaga pwede eh. Takot ako."

Kumalas sya sa pagkakahawak ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagpalakad-lakad sya sa harapan ko habang sapo ng isang palad ang buhok nya. "Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko para maalis ang mga takot mo, Cass? Anong ginagawa mo para hindi ka mabuntis?" tumingin sya sa akin ng may panunumbat ang mga mata.

Hindi ko matagalan ang tingin nya at muling nag-iwas ng tingin sa kanya. "I'm on pills." Pinagdaop ko ang mga kamay ko at halos hindi lumabas sa labi ko ang mga katagang binitawan ko.

"Pills?" mapait na ulit nya. "All this time umaasa ako na makakabuo tayo. Everytime after our intercourse, hindi mo lang alam pero nagdarasal talaga ako na sana ito na 'yun, sana nakabuo tayo ng mga oras na 'yon." hindi maikakaila ang malaking disappointment at sakit sa boses nya ngayon. I felt like I am breaking apart.

"I-i'm sorry.." napahagulgol na ako sa mga palad ko sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko.

"I feel like someone cheated on me. My own wife let me look like a total fool, Cassandra. You just don't know how hurt I am right of this moment."

Mabilis na akong tumayo at lumapit sa kanya ng hindi na alintana kung puno man ng luha ang mga mata ko at kung halos hindi na ako makahinga sa tindi ng sipon sa ilong ko. "Daryl, please, understand me. Natatakot ako." sinubukan ko ang yakapin sya ngunit lumayo sya sa akin ng isang hakbang.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!