Chapter 47: I give up.

Começar do início
                                        

Napatitig lang ako sa mukha nya habang nakahawak yung dalawa kong kamay sa magkabila nyang pisngi. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo nya. Siguro eto lang ang kaya kong gawin sa kanya.  

"Sorry." mahinang sambit ko at muli ko syang niyakap ng mahigpit. Siguro eto na ang huling beses na mayayakap ko syang muli. 

***

GAIL'S POV

"Salamat Tom ha?" sabi ko kay Tom habang naglalakad na kami papunta sa mga kasama namin. Baka kase nagtataka na sila kase wala pa kami.

"Bakit naman? Wala naman akong ginawa ah." 

"Kahit na. Sinamahan mo ako. Nalilito kase ako eh. Wala dito yung utak ko." sabi ko.

"Halata naman eh. Ano nga ba kase ang iniisip mo? Ayaw pa kase sasabihin eh. Pinag-iisip pa ako nito." napakamot sya sa batok nya. 

"Wala. Basta. Isang walang kwentang bagay lang siguro. Basta." sabi ko. 

"Ahhh... okay. Labo mo talaga. Isa lang pala na walang kwentang bagay ang iniisip mo eh bakit mo pa iniisip? Akala ko naman kung ano na eh. Alam mo Gail.....blah blah blah." napahinto ako sa paglalakad ng may mahagip ang mga mata ko. Hindi ko nga naiintidihan kung ano na yung pinagsasabi ni Tom sa akin. Nakatuon lang ang paningin ko sa kanilang dalawa.

"Uyy... napakawirdong babae mo talaga ngayong araw na 'to. Akala ko may kausap pa ako yun pala wala na. Para akong tanga na nagsasalita habang naglalakad yun pala nawala ka na." hindi ko iniintindi ang mga sinasabi ni TOm. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. 

Bakit ganito na naman yung nararamdaman ko? 

Hindi naman ito yung first time ko na makita sila na magkahalikan di ba? Hindi naman magkadampi yung labi nila pero ewan ko ba sa sarili ko parang ganun na rin yung naiisip ko. Mas masakit pa ata yung nakita ko ngayon kesa sa nakita ko noon. Si Sander.... hinalikan nya yung noo ni Ryza. 

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko talaga mapigilan ang napakabilis na pagtibok ng puso ko. Parang gustong magwala at sumabog na lang bigla. Bakit ganito?

"Uyyy... G-gail. Napano ka? Uyyyy... wag ka naman umiyak oh. Gail..." humarang si Tom sa harapan ko. Hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa noong dalawa. Buti na lang humarang si Tom kase hindi ko na alam ang mangyayare sa akin kapag nakita ko pa ulit silang dalawa. Yumakap na lang ako bigla kay Tom. Ewan ko ba sa sarili ko. Basta humagulhol na lang ako ng iyak kay Tom.

Nakakainis ka Sander. Bakit ang sakit?

RICA'S POV

Akalain nyo itong mga kasama namin iniwan na lang kami bigla. Para namang mga ano ang mga yun. Sila nagyaya tapos bigla bigla nawawala. Ano 'to? Lokohan? 

"Ate Rica ano? Hanga ka na sa akin? Perstaym ko lang magbowling. Galing ko no? Taob lahat." pagmamayabang sa akin ni Lucas.

"And so? Ano gusto mo palakpakan pa kita dyan at bigyan ng trophy?" sabi ko sa kanya.

"Why not coconut Ate Rica? Hahahahaha! Pede bang kiss na lang? Ahahahaha." sabi nya sa akin habang nakanguso pa.

"Ayoko nga. Lumayo ka nga sa akin." pagtulak ko sa kanya.

"Eh di wag. Haha! Takot ko lang na masapak ng seloso mong bestfriend." sabi nya.  Bestfriend?

"Tara na nga lang. Hanapin na lang natin sila. Iniwanan na ata tayo ng mga yun. Nagyayakag tapos bigla bigla mawawala." sabi ko habang hinihila hila itong si Lucas. Kulang na lang maglupasay sya sa sahig kase ayaw pa nya umalis. Enjoy pa daw sya sa pagbobowling. Bano eh.

"Ate Rica naman. Panira ka ng moment. Ansarap sarap na ng paglalaro ko dun tapos bigla bigla mo na lang ako hihilahin." pagmamaktol ni Lucas habang sakay kami sa escalator pababa sa ground floor. 

"Para ka namang sano. Pede pa naman tayong bumalik doon sa susunod eh. Hanapin muna kase natin sila. Baka iniwan na tayo ng tuluyan ng mga yun." 

"Eh bakit naman tayo iiwan ng mga yun? Eh di sana sinabi nila sa atin di ba? Baka naman gusto mo lang hanapin si ano...." napatingin ako sa kanya. Ayun nakangiti sya ng nakakaloko. Tiningnan ko lang sya ng masama. 

"Ahahahaha! Ate Rica oh. Jinojoke lang naman. Ang bilis mag-react. Ahahahaha! Baka naman meron kang ano sa kanya ha. Uyyyy."  hindi talaga ako titigilan ng lalakeng 'to. Pinalo palo ko nga sa balikat nya. Sari sari nalalaman oh.

"Uyyy... ka dyan. Sari sari laman ng utak mo ha." sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paghampas sa balikat nya. 

"Aray ko naman. Masyado mo naman sineseryoso ang sinasabi ko Ahahaha! Uyyyy... Si Ate Rica may hidden pagtingin kay ano. Ahahahaha! Aray!" ayaw talaga nya ako tantanan. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin dito sa escalator. Bubugbugin ko talaga 'to ng bonggang bongga.

Bigla akong napatigil sa pagpalo palo ko kay Lucas ng may mahagip ang mga mata ko.

Si Tom at Gail na magkayakap. 

"Oh.... anyare?" sabi nya sa akin habang iwinawagayway pa yung kamay nya sa harapan ko. 

"Ha? Ahhhh... eh. W-wala. May nakita kase akong bata na nadapa. Ahahahaha!" sabi ko at hinampas pa yung braso nya. "Ang shunga nung bata. Ayan tuloy nasaktan sya."

"Ahhhh.. oo nga. Ang shunga noong bata. Kawawang bata." napahinto ako bigla sa pagtawa ko. Kase ang seryoso ng sinabi  nya eh. B-bakit naman? Eh wala naman talagang batang nadapa ah.

"Iiyak na yan. Iiyak na yan. Iiyak na yan. Iiyak na ang bata kase nakita nya na may kayakap yung bata. Iiyak na yan." nagulat ako sa sinabi nyang iyon. Pano nya nalaman? Umiwas langa ko ng tingin sa kanya. Hindi ako iiyak no. Alam ko na naman talaga na wala ng pag-asa. Bakit ako iiyak? 

Atsaka sa lalakeng yun? Aaksayahin ko lang luha ko doon. Ayaw ko na sa kanya no. Bahala sya sa buhay nya. Hindi ako ang nawalan kundi sya. Naks! Ang bitter. Haha! Alangan naman maglupasay ako dito di ba? Atsaka di ba nga kailangan na ng move on. Kaya ayan sinisimulan ko na kahit papaano.

Nagulat na lang ako ng bigla akong akbayan ni Lucas.

"Halika na nga Ate. Wag ka iiyak ha. Jinojoke lang kita. Baka mamaya umatungal ka na dyan. Hindi dapat iyakan ang mga walang kwentang bagay." sabi nya sa akin ng makababa na kami ng escalator. (Ang haba ng escalator ngayon lang kase sila nakababa eh. wahahaha!)

"Tss... bakit ako iiyak? May dapat ba akong iyakan ha? Ang lawak ng imagination ng batang 'to. Ilibre mo na lang ako ng pizza dali. Nagugu--- I'm hungry na." sabi ko sa kanya habang nakangiti pa ng malapad.

"Sige ba. Kahit ilan pa gusto mo. Taralets." 

Hindi ko naman tinatalikuran ang pagiging magbestfriend namin ni Tom eh. Iginigive up ko lang yung nararamdaman ko sa kanya. I give up. Hindi ko na kaya eh. Masyado nang masakit pag magtatagal pa di ba. Masyadong happy ang life para magmukmok pa ako. Happy happy lang. Just go with the flow.

:)))))

Masaya na naman ako na ganito kami eh. 

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Onde histórias criam vida. Descubra agora