Chapter 12

46.5K 1.7K 1.4K

Play This I Promise You by N-Sync while reading this chapter :)

**************

Chapter 12

Muli na namang napasimangot si Bea habang nag ti-take down ng mga suggested topics ko sa kanya. Kanina pa siya napapasimangot nang dahil kay Shaun. Nagpipigil lang talaga siya nang inis.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para sana mag-usap tungkol sa term paper na gagawin namin na kaming dalawa ang partner. We are talking about our topics pero for some reason, hindi kami makapag-usap nang maayos dahil kinukulit ako ni Shaun. Kung anu-ano ang ginagawa sa akin.

Tumingin ulit sa akin si Bea pagkatapos niyang magsulat.

"How about we tackle addiction in internet, Chin?" tanong niya.

"Pwede," pag-agree ko "Pero ang dami na kasing—Shaun, ano ba? Akin na nga 'yan! Mainit!"

Napahinto ako sa sinasabi ko nang tanggalin ni Shaun ang tali sa buhok ko. Nainitan tuloy ako lalo kahit na ang ikli lang ng buhok ko. Wala kasing masyadong aircon dito sa cafeteria.

"Huwag na!" pagtanggi niya "Mas bagay sa'yo kapag nakalugay lang ang buhok mo!"

"Naiinitan nga ako!" naiinis kong sagot.

"Edi papaypayan kita. Problema ba 'yun?"

Kinuha niya ang folder na nasa table namin saka niya ako pinaypayan.

"Anong number ba gusto mo? Number 1?" tanong niya "O, number 2?" tanong niya ulit tapos medyo nilaksan niya ang pagpapaypay sa akin "O, number 3?" mas lalo niyang nilaksan.

Sa sobrang lakas nang pagpaypay niya, nagliparan tuloy ang mga papel na nasa table. Sumama ang tingin ni Bea kay Shaun saka niya padabog na pinagdadampot ang mga papel.

"Pwede ba, Shaun? Manahimik ka nga muna? Hindi kami matapos-tapos sa ginagawa namin!" gigil na saad ni Bea kay Shaun.

Parang gusto na niyang itusok ang hawak niyang ballpen sa mata ni Shaun.

"Inaano ba kita? Wala naman akong ginagawa sa'yo," sagot ni Shaun saka niya hinawakan ang buhok ko at inamoy-amoy "You smells so good, Chin. Parehas lang naman tayo nang ginagamit na shampoo pero bakit mas nababanguhan ako sa buhok mo kaysa sa akin?" tanong niya sa akin.

Bea rolled her eyes. Unting-unti nalang talaga at sasabog na siya sa inis.

"Hindi ko sinabing may ginagawa ka sa akin. Pero kasi si Chinnie ang kinukulit mo. Hindi tuloy kami makapag-usap nang maayos. My God, Shaun. Grow up! Para kang tanga!"

"Para akong tanga?" tugon naman ni Shaun "Ano bang ginagawa ko? Girlfriend ko naman 'tong kinukulit ko. Saka, oo. My God talaga. I'm God. God ng kagwapuhan."

Bigla akong namula nang banggitin ni Shaun na girlfriend niya ako. Kahit isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging official kaming dalawa at nakaalis na ako sa best friend zoned, hindi pa rin ako sanay sa tuwing sa bibig niya mismo lumalabas na girlfriend niya ako.

It felt really surreal. Parang hindi totoo at parang nananaginip pa rin ako. Isang klase ng panaginip na hindi ko na nanaisin na magising pa. Kung panaginip lang ang lahat na ito, mas gusto kong hindi na gumising pa. Dahil sa panaginip na ito, mahal niya rin ako. At pag-aari ko na siya ng buong-buo.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi ni Bea.

"Ano? God ka ng kagwapuhan? Mukha mo! Baka God ka ng kapunyetahan! God ng nakakabwisit!"

Everyday, Every YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!