"Hindi naman kasi kailangan pang ikwento yun. Hindi kami nagdate. Ano ba kayo? Nagusap lang kami." Mukhang hindi pa din sila nakumbinsi sa sinabi ko.

"Ano pinagusapan niyo? Sabi na e. Dapat talaga hindi ka namin iniwan ni Ash. Duda talaga ako dyan sa lalaking yan!" Nagbuntong hininga pa si Ayi. Naiintindihan ko siya kung bat ganun siya ka-protective sa akin. Napangiti na lang ako kasi alam kong nag-ke-care siya sa akin kaya ganun ang reaction niya.

"Madami kaming napagusapan. Napagusapan din namin yung nangyari noon. Alam ko ng hindi niya anak yung dinadala ni Vika." Napaayos ng upo si Coreen sa sinabi ko. Kahit medyo nahihirapan siya dahil nga sa laki ng tyan niya ay pinilit niya pa ding tumuwid ng upo.

"So anong na-feel mo?" Curious na tanong ni Coreen.

"Wala? Ewan! Basta alam ko na. Tsaka nakaraan na yun." Bahagyang hinila ni Ayi ang buhok ko. Dinaing ko naman ang gulat at sakit ng pagkakahatak niya dito.

"Gaga ka! Sige magpahulog ka ulit dyan. Ewan ko na lang!" Inis na sabi ni Ayi.

"Sobra ka naman Ayi. Okay lang naman yun. Sabi nga nila love is sweeter the second time around." Umiling lang ng sobra si Ayi sa sinabi ni Coreen. Tinawanan lang siya ni buntis.

"Ah basta. No to Charles muna ako. Anti ako!" Sigaw pa ni Ayi. Hindi pa din maawat si Coreen sa kakatawa dahil sa kinikilos ni Ayi.

"Anyways, ano yung mga napagusapan niyo? Gusto na ba niyang makipagbalikan? Kasi just so you know, hindi na nagkagirlfriend yan after mo. Kaya sure akong hindi pa nakakamove on yan." May bigla na namang pumitik na kuryente sa katawan ko na parang dumaloy sa buong sistema ko. Ayan na naman ang epekto niya sa akin.

"Ikaw din never ka pang nagkaboyfriend after niya." Paglilinaw ni Coreen sa katotohanan. Alam ko na kubg saan papunta ang usapan namin na ito.

"Ikaw talaga Coreen ang hilig mong manggatong!" Suway ni Ayi kay Coreen. Tumawa na lang ito at hindi na umimik pa sa sinabi ni Ayi. Sumandal na ito muli at hinarap na lang ang malaki niyang tyan.

"May sinabi siya na nagpagulo sa isip ko." Napabaling sa akin ang dalawa ng sinabi ko ito. Si Coreen na kasasandal lang ay pinipilit na namang bumangon habang si Ayi ay napainom pa nb juice bago siryosong humarap sa akin.

"Ano?" Siryosong tanong ni Ayi. Nakakunot pa ang noo niya na tila naguguluhan sa sinabi ko.

"Nakalimutan ko na yung sinabi ko e, basta non-verbatim, sabi ko wag na nating balikan tutal it's over. Parang ganun ata sinabi ko tapos sagot niya, is it?" Tumili si Coreen ng mahina na parang naglalabor na di mo maintindihan. Namumula siya dahil pinipigilan niyang sumigaw ng malakas. Si Ayi naman ay napahilit ng sentido.

"Girl! I told you! He's still into you! Halata masyado!" Tumili na naman ng impit si Coreen dahil sa sinabi niya. Si Ayi naman ay napainom na lang ng juice. Nagsalin pa ng panibago dahil naubos na niya ang laman ng baso niya.

"Tapos ano? After mo ma-fall lolokohin ka na naman. Sus Shaira! Kung hindi ka pa natututo sige ipagpatuloy mo. Basta pag nasaktan ka ewan ko na lang." Pagsisigurado ni Ayi. Umiling si Coreen at sinuway si Ayi.

"Hay Ayi. Sa isang relasyon naman mararanasan mong masaktan. Nun bang sinabi mo kay Jack na hanggang friends lang kayo, hindi mo ba siya nasaktan?" Baling ni Coreen kay Ayi. Sa akin talaga si Coreen ang marunong tumungin sa iba't ibang perspective. Si Ayi naman firm sa mga paniniwala niya.

"Coreen, iba yun. Walang kami ni Jack kaya hindi dapat siya masaktan." Sagot ni Ayi.

"Exactly! Ayan kasi ang perception mo sa love sis. Takot kang masaktan kaya ang iniisip mo kapag walang label walang masasaktan. Kaya hanggang ngayon ayaw mong lagyan ng label ang namamagitan sa inyo ni Ash. Bakit? Kasi natatakot kang masaktan, natatakot ka na baka pag nakita mong may iba siyang kasamang babae masaktan ka lang. Kaya mas pinili mong wag i-NTR, kasi less complication. Though in my opinion, mas complicated naman."

Hindi ko napigilang hindi pumalakpak. Kung tatakbo tong si Coreen, iboboto ko talaga. Tumawa si Coreen sa reaction ko, si Ayi naman natulala ng sandali bago muling mabalik sa wisyo.

"Basta sa akin walang label, mas maganda. Tsaka bakit napunta sa akin? Di ba si Shaira pinaguusapan natin?!" Tumawa na lang kami dahil kung saan saan na kami napupunta.

"Listen Shaira, follow your heart. Kasi ang true happiness nararamdaman dito sa puso hindi sa utak. Kung pipigilan mo ang puso mo, mas mahihirapan ka. If you still love him, tell him before it's too late." Nakailang buntong hininga na si Ayi. Halatang ayaw niya sa ipinapayo ni Coreen.

"Kung gusto ka pa rin niya, please, please lang, wag na siyang magkakamaling saktan ka. Ayoko ng makita yung Shaira na kahit nakangiti malungkot pa rin ang mga mata. Ayoko ng maulit yung eksenang nagpapaalam ka sa amin para magpakalayo. Basta kung handa ka ng magtake risk to give him another chance, wag mong kakalimutan na kahit anong mangyari nandito lang ako. Nandito lang kami." Tumango ako. Gusto ko sanang yumawa dahil sa layo na ng narating ng usapan namin. Nagumpisa lang sa tanong ni Charles na 'Is it?' Natuloy dito sa pagmomoment ni Ayi.

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now