Chapter Twenty nine

134K 4.3K 1K
                                    


29: The truth
-

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa amin ang grupo ni Jin. Hindi ko naman gugustuhing mapagitna na naman sa isang gulo kaya mabuti na lang ay marunong silang makaramdam.

“Liam. Salamat ah.” sabi ko nang umalis ako sa likuran niya. Tulad ng dati, ginulo lang niya ang buhok ko at nag ngitian.

“Hey hey.” tawag ni Thunder nang akbayan niya si Liam na akala mo’y close silang dalawa. Wow. Kailan pa siya naging fc?

“So totoo nga. Kayo na.” sabi pa ni Liam nang alisin niya ang braso ni Thunder sa balikat niya habang nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako, paano niya nalaman? Bati na ba sila ni Ayesha?

“May nakapost sa bulletin.” nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niyang iyon, magaling pa rin siyang bumasa base sa ekspresyon. Hindi na ako nagtanong pa at dali daling tumakbo papunta sa pinakamalapit na bulletin board.

Insolent’s Thunder Cross and Keen’s Rain Celvero. Confirmed to be dating.”

Napahawak na lang ako sa ulo ko nang mabasa iyon. Ang lakas makashowbiz at saan naman nila nakuha ang picture na idinikit nila?

“So totoo nga.” naramdaman ko na lang ang pagtayo ng balahibo ko ng marinig ko ang nakakairitang boses iyon. “Nawala lang ako saglit, nagayuma mo na si Thunder?”

Taas kilay na nakatingin sa akin si Emerald, pinili kong wag na siya bigyan ng pansin at tanggali. na lang ang nakalagay sa bulletin pero hinila niya ang braso ko kaya naman napaharap ako sa kanya.

“Oh Emerald. Nakabalik ka na pala galing amerika.” boses ni Jasper. Agad naman akong binitawan ni Emerald at parang naging maamo bigla ang mukha niya. Wow.

“Oh hi Thunder, kino-congratulate ko lang si Rain. Hindi mo nabanggit sa’kin na mababa na pala ang standard mo sa babae.” nainsulto ako sa sinabi niyang iyon pero dahil may pinagaralan ako, mananahimik na lang ako at hindi na siya papatulan. Wag lang niya akong pupunuin dahil masamang magalit ang mga taong mapagtimpi na tulad ko.

“No. Narealize ko lang na mas masarap gawin yung bagay na never ko pang ginawa sa’yo.” sabi ni Thunder kaya napalingon ako sa kanya.

“Ano yun?” naguguluhang tanong ni Emerald.

“Ang magseryoso.” nakangising sagot ni Thunder at saka niya hinawakan ang kamay ko para lumayo. Hindi naman na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa classroom. Ewan ko ba, kinikilig ba ako?

“Celvero. The dean wants to see you at his office.” bungad sa akin ni Sir pagkapasok na pagkapasok namin ng classroom.

“Samahan na kita.” presinga ni Thunder pero agad akong umiling.

“Kaya ko na ‘to. Gawin mo na lang yung bagay na never mo pang ginawa.” bulong ko at kumunot naman ang noo niya.

“Ano?”

“Ang makinig sa prof. Sige na bye.” ngumiti ako ng malawak at saka dali daling tumakbo papunta sa dean’s office. Tungkol saan naman kaya ito? Sa kaso ni Devon? Or sa Keen’s org?

“Ms. Celvero.” nakangiting bati sa akin ng dean nang maupo ako sa harapan niya. “I just want to say thank you. Hindi ko alam na may anumalya na palang nangyayari sa academy, but thanks to you dahil nakakulong na ang dalawang nagpasimuno ng illegal na bagay na iyon, but we still have a problem..”

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon