50

70.3K 2.6K 155

Caela.

"Long time no see, Caela." Nakangising salubong ni Jannah sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, still remember her? Siya 'yung isa sa mga malditang nambubully sa akin dito sa Southwood University.

Nandito na ulit ako sa mundo ng mga mortal. O sadyang nandito naman talaga ako dahil ang totoo, wala namang El Mystique world?

Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin. Kung totoo ba talaga sila o hindi. Nagpasya akong ituloy ang pag-aaral ko kahit na ang totoo gulong-gulo na ako.

Dire-diretso lang akong pumunta sa upuan ko dahil ayokong pagtuunan sila ng pansin. Masyadong mahirap paniwalaan ang mga pangyayari. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Naiiyak ako! Sana kung panaginip man ito, gustong-gusto ko ng magising.

I missed Papa and Mama.

I missed Mich and the Superiors.

I missed the academy.

And I missed my Dashiell.

"It's nice to see you again Ms. Asuncion. After one week, naisipan mo ring pumasok. Sa bagay hindi ka naman kawalan dito sa university, kahit na ilang buwan o taon ka pang hindi pumasok, ayos lang. Pabor pa nga sa amin iyon." Bungad sa akin ng adviser namin.

What kind of teacher is she? Dapat sa mga katulad niya, hindi binibigyan ng lisensya sa pagtuturo. Tsk. Nasasayang lang ang perang pinapasweldo sa kaniya. Ano ang matututunan sa kaniya ng mga estudyante niya, kagarapalan ng ugali?

I just looked at her boredly. Hindi na ako nasasaktan sa mga masasakit na salitang ibinabato nila sa akin, mas masakit tanggapin ang katotohanang hindi naman pala totoo ang mga nangyari sa akin sa El Mystique.

Nakakatakot harapin ang bukas na hindi ko na sila kasama. I'm used to their presence. Nasanay na ako sa kaingayan nila, sa mga kalokohan nila, sa pagiging isip-bata. 

Hindi ko namamalayang unti-unti na namang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Walang kapaguran, kahapon magdamag lang din naman akong umiyak. Hanggang ngayon din ba naman?

"Aww. She's so pathetic, Ma'am. Stop bullying her na. She will cry na." Natatawang ani ni Hannah.

Isa-isa nila akong binibigyan ng mapanuyang tingin. Napapailing na lang ako habang nagpupunas ng luha. Baka isipin pa nila, na sila ang dahilan ng pag-iyak ko. Tama na ang mga luhang iniiyak ko sa kanila dati. All the people in front of me now doesn't deserve any single tear from me.

Naaawa ako sa sarili ko hindi dahil nabubully na naman ako, kundi dahil napaniwala akong totoo lahat ang mga nangyari sa akin. Hindi ko na alam kung ano ba ang realidad sa panaginip.

"Still ugly. Akala ko pa naman kaya ka hindi pumasok ng isang linggo e, dahil nagpaganda ka. Wala naman palang pinagbago! Basura ka pa rin." Tugon ng isa kong babaeng kaklase, pagkatapos noon ay sinabayan pa ng malalakas na tawa ng mga kapwa ko estudyante.

Naiiling naman na natatawa ang professor namin, talagang inihinto pa niya ang pagtuturo para lang dito. Hindi ko akalaing may mga ganitong klase pala talaga ng tao no? Sorry to say this but, wala namang kwenta ang professor namin. Sa halip na sawayin ang mga estudyante niya, nakikisali pa siya. So immature!

I ignored all of them, hangga't kaya ko pang magtimpi, magtitimpi ako. Napapailing na lang ako sa kagaspangan ng mga ugali nilang lahat. Kaya nga sila pinag-aaral ng magulang nila para may matutunan, pero mukhang hindi naman iyon ang ipinasok nila. Bakit nakapasa ang mga 'to sa GMRC?

All of the hurtful words they were saying don't hurt me anymore. I'm used to it. Sanay na akong mabully kaya siguro hindi na ako nasasaktan. But I pity those who gave up from this battle. I can't imagine the pain and struggles they're going through just to get a hold of themselves.  

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!