Caela / Avrice Jazze.

"Takaw mo!" narinig kong asar ni Audrey kay Ian habang pinagmamasdan nito ang bawat pagsubo ng pagkain ng binata.

Nandito kami sa cafeteria ngayon at sigurado akong nakakaagaw-pansin na kami sa sobrang kaingayan ng mga kaibigan ko.

"Gwapo naman!" Mayabang na naging sagot ni Ian.

Inismiran siya ni Audrey dahil sa narinig na sagot. Mga aso't-pusa talaga kahit kailan. Hindi pa aminin na gusto nila ang isa't-isa.

Nakita ko namang sabay na binato nina Marcus at Ivan si Ian ng ilang pirasong fries.

That's fries! Bakit nila sinasayang 'yun? Huhu.

"Kapal mo, Ian. San banda?" Sagot naman ni Beatrice. Natatawa na lang ako sa mga kakulitan nila. Pare-parehong mga isip-bata.

"Araw-araw na lang nagbabangayan kayo, pero iisa lang naman ang mga pang-asar niyo sa isa't-isa." Natatawang sabat ni Peter sa kanila. I agree with you Peter.

"Busog na ako Dash, tama na 'to!" Nakita kong dinagdagan na naman niya ang pagkain sa plato ko. Habang tinatawanan ko yung mga kaibigan ko, todo lagay naman pala siya ng pagkain. Plano yata talagang patabain ako.

"You only ate one slice of pizza, then you'll told to me that you're already full? Niloloko mo ba ako, love? Eat all of these." Striktong sabi niya sa akin habang patuloy pa rin na dinadagdagan ang laman ng plato ko.

Nagmamakaawa namang tiningnan ko siya. Ayoko na talaga! Isang slice nga lang ng pizza kinain ko, pero malaki naman 'yung inorder niya. Sino ba naman ang hindi agad mabubusog 'don?

Tsup.

He planted a kiss on my lips and my cheeks heated up automatically. "Don't give me that look, baby. Kainin mo 'yan. No puppy eyes, love. It won't work. Just use it next time. Hmm?" Sabi pa niyang muli habang nakatitig sa mga mata ko. I'm melting! Huhuhu.

"Ehemmmm!" Sabay-sabay na ubo ng mga kaibigan namin. Namumulang napalingon naman ako sa kanila. And then, I saw all of them grinning at us. Nakakahiya!

"Lakas maka-PDA ng dalawang 'to. Respeto naman sa aming mga single, oy!" Natatawang asar ni Harper sa amin.

"Shut up, Johnsen." Sabi ng masungit na katabi ko.

Napangisi na lang ako ng biglang tumigil sa pagtawa si Harper at tuloy-tuloy na sinubo 'yung pagkain niya. Takot talaga sila kay Dash.

"HAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay na bumunghalit ng tawa ang mga kapwa niya Superiors. Suportadong-suportado talaga siya ng mga kaibigan namin.

"Excuse me." Mahinhing saad ng isang tinig.

Automatic naman na nagsitahimik kaming lahat. Sabay-sabay pa kaming nagbaling ng tingin sa pinanggalingan ng boses. And there we saw the two transferees holding their snacks.

"You all look so happy." Nakangiti pang dugtong ni Jenice.

"C-can we join you guys?" Nahihiya namang ani ni Jen Alvis.

Isa-isa naman silang tumingin sa akin. Hala?

"Ask, Princess Jazze." Seryosong sagot ni Kent bago nag-umpisa na muling kumain. Tapos isa-isang bumalik na rin yung mga kaibigan namin sa pagkain nila. Magaling!

"So, Princess Jazze, can we join you for snack?" Jenice said while giving me a sweet smile. Mabuti hindi siya naaalibadbaran.

Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot. Ayokong makipag-usap sa kanila. Rude na kung rude!

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!