TAL. 14 -- This Is It

They say the coward's way out from something you're afraid to face is to just neglect it, forget about it, and well... Move on.

But how can I move on if in every day of my life, halos kinakain na ako ng konsensya ko? Kung araw-araw when I woke up and stare at him while he is still in slumber, gusto kong maiyak dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanya?

Pinagtatawanan ko na nga lang ang sarili ko kung minsan. This is so not me. Ang fragile ko simula ng natuto akong magmahal. I easily cry over things that involves him. I know I am a tough woman. Tears for me before was just a waste of emotion and a waste of water in my body. Madalas ko pa ngang sabihin noong natuto na akong maging matatag na ang tubig sa katawan ko ay masasayang lamang kung magiging luha, mas mabuti pa na lumabas ang tubig na 'yan as sweat instead of as tears.

At diba, si Cassandra walang kinakatakutan? Natuto na akong harapin ang buhay ko ng walang halong takot. Lahat kaya kong harapin at resolbahin kahit hanggang sa puntong ikamatay ko pa. But now? I am weak. Masyado na akong mahina ngayon dahil mas nauuna na ang emosyon ko kaysa sa isip ko. Bakit nga ba ganun? Talaga bang kapag nagmahal, mas nananig ang emosyon kaysa sa isip? Kasi ngayon......

Parang gusto ko ng ibigay ang munting hiling ni Daryl. Gusto ko na syang pagbigyan na magkaanak na kami. Pero ganun ba talaga dapat? Kailangan kong gawin kahit labag sa loob ko para lang mapasaya ko sya? Hindi ba dapat pareho naming gusto ang isang bagay bago gawin?

Napahilamos ang mga palad ko sa mukha ko dahil heto na naman ako. Nag-iisip kung anong gagawin ko. Tatlong araw na kaming nakakabalik sa Manila ngunit hindi ko pa rin masabi sa kanya ang dapat nyang malaman. Natatakot ako. Pinapangunahan ako ng lintik na takot dahil hindi ko alam ang magiging reaction nya. Surely he will get mad but after his madness, ano na? At yun ang hindi ko alam. Ang layo na ng narating ng isip ko sa kung ano ang magiging sunod nyang reaksyon matapos ang galit nya. Will he forgive me and then forget what I have done? Or will he still insist of the baby thing? Or the worst is, he will pack my clothes and throw me outside of his house?

"Oh my God." mahinang usal ko habang nakatungo at gagap ng dalawang kamay ko ang ulo ko. Sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip kung anong gagawin ko. Madali lang naman sana resolbahin kung magbabago ang kagustuhan ko na magka-anak na kami, pero ayoko talaga. O kung magbabago ng isip si Daryl at tatanggapin ang desisyon ko.

Dati-rati I am person who always know what will do next. Everything is in my control and with just a snap of my finger, everything will be in my favor. What happened now? I feel helpless.

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. I breathe so hard that it almost choked me. D-mn!

I picked up my phone and search Gino and Chanel's name. I need them now. I badly need them.

"Cass?" sabi ni Gino matapos sagutin ang tawag ko.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na kaagad ang pakay ko. "Meet me at Luciana's in an hour."

"Why? Is there any problem?"

"Yes. A big one." hindi na ako sumubok pang magkaila. Mabuti ng alam na din nya kaagad ang pag-uusapan namin para magpursige syang pumunta sa lugar na binanggit ko.

"Sige. I'll be there." I quickly ended the call and dialled Chanel's this time.

"Hello?" mukhang pupungas-pungas pa na sabi ni Chanel ng sagutin ang tawag ko. I took a quick glance in my clock, ten thirty na pero kakagising lang nya?

"Kagigising mo lang?" hindi ko naitago ang naninita kong tono.

"Sis. Ah, yeah." humikab pa ito bago nagpatuloy. "Kazu took me out last night."

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!