Yours Always (HBM 3)

11.3K 217 59




ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

This is a story of fiction. Names, characters, places and events are either product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual event, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


Simula


"Ayoko na. Pagod na ko." I lean on the table after saying that. Naubos ko na ang kapeng ibinigay ng isa naming katrabaho pero inaantok paren ako.

Agad naman akong nakarinig ng paghalakhak.

"Hugot na naman ba yan girl?" Aniya. Iniangat ko ang paningin ko at agad kong nakita ang mga ngiti sa labi nila.

"Tss. Totoong pagod na ko Claire." Sagot ko pero nakita kong umiling sya at may ibinulong kay Rena. Tumawa ulit sila kaya naman mas lalo lang akong naasar at nawala sa mood.

Gusto ko ng matulog. Period.

"Uuwe na ko." Sabi ko sabay tayo. Agad naman nila akong hinarangan. Muntik na akong matawa sa ginawa nilang pagtayo at pagpunta sa harapan ko para lang mapigilan ang pag-alis ko.

"Diba nag-file ka ng OT ngayon? Bakit uuwe ka na?" panimula ni Rena. Tumingin sya kay Claire na agad namang tumango.

Mukhang OT sila at gusto nilang sabay-sabay ulit kameng umuwe.

"Hindi na ko pinayagan. Hindi ko din naman matatapos ngayon so why bother daw." Agad silang natawa sa sinabi ko.

"Woah. Ibang klase talaga si Sir Edgar." Nag-high five pa ang dalawa. Si Sir Edgar ang immediate head ko. He's already a partner in this auditing firm of ours. Kinakatakutan sya ng lahat dahil sa pagka-straight forward nya at pagkaseryoso sa trabaho. May mga panahong sumisigaw sya sa office dahil lang sa simpleng pagkakamali. May pagkastrikto din sya, katulad kanina, papayagan nya lang daw akong mag-OT kapag sigurado akong matatapos ang reports ko.

"Gwapo si Sir pero hindi ko sya gustong maging Head." Dagdag nya na nakapagpa-iling saken. Naisip ko, may choice ba ko?

"Same here." Ani Rena.

"Hala girl, why so serious? PMS?" pang-aasar ni Claire pero hindi ko na lang pinatulan. "Hay naku girl. Napagalitan ka na naman ba ni Sir Edgar?" may pag-akbay pa ito saken.

"May bago ba dun? Wag mong sabihing hindi ka pa din sanay girl?" Rena said, shaking her head. She's right, hindi pa ba ko sanay? Tss.

"May narinig ba kayong pag-sigaw kanina?" tanong ko na agad nakapagpa-isip sa dalawa.

"Parang wala naman." Rena answered

"Then that means good mood si Sir Ed. Pinauwe nya nga ako ng maaga diba?" Ngumisi ako sa kanila.

"Lucky you." Claire pouted.

"Jan na nga kayo. Gulo nyo." I said walking away from them. Pero bago pa ko makalabas ng pantry, may pahabol pa ang dalawa.

Hindi pa sila pagod, HALATA.

"May sundo ka today girl?" tanong ni Claire. Gusto kong magtanong kung bakit nya tinatanong pero tinatamad ako.

"Wala." Magtataxi na lang ako.

"Mahirap mag-taxi kapag mag-isa girl. Alam mo yan." Nababakas ang pag-aalala sa tono ni Rena.

Yours, Always [HBM3]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!