Day 88 : Ranunculus

6.6K 350 36

Ranunculus
-----

Panay ang hinga ko nang malalim habang naglalakad papunta sa likod ng laboratory building. I was nervous and apprehensive. Bakit makikipagkita si Ash dito? Matataas ang puno. Bihira ang tao. It's like a place for secret meetings.

Sasabihin niya ba nang harapan 'yung sinabi niya sa phone kagabi? Hala! Pa'no 'ko sasagot no'n? I might faint! Nakakahiya!

Wala pa naman akong kasama. Hindi ko mayaya si bestie kahit na gusto ko kasi sekreto nga 'tong mga ginagawa namin.

Tumigil ako sa paghakbang. Nasa tagiliran na 'ko ng building. Kung liliko ako o lalabas sa pinaka-wall, parking space na.

Nandiyan na kaya si Ash? He warned me not to make him wait. Kaso...

Naiihi yata ako. Gosh.

Huminga ako nang malalim.

"You're here, Helga."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. His voice came from behind me. Madayang lalaki! Dapat sa parking space siya naghihintay a! Bakit siya manggagaling sa likod ko?

"Turn around, Helga."

Umiling ako. Hindi ako makagalaw.

Narinig kong humakbang siya. Mahinang tumatawa. Umiiling pa rin ako. Nakapikit ako nang mariin.

"Kapag nabibigla ka, ubos talaga ang kulit mo, no?" he asked.

Naramdaman kong lumagpas siya sa tagiliran ko. Naamoy ko ang pabango niya at automatic na nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ko. Ramdam ko nang huminto siya sa harapan ko.

Umiiling pa rin yata ako.

"Open your eyes, Miss."

Umiiling pa rin talaga ako. Na parang tanga. Gosh, nakakahiya. Bakit ganito ako mag-react sa kanya?

"Hm. Okay. I'll wait."

Huminga ako nang malalim.

"You have to open your eyes, Helga. If you keep on closing them, baka makaisip ako nang hindi ko dapat gawin," sabi niya sa mababang tono.

Hala! Ano'ng tinutukoy niya? Lalo kong hindi maibukas ang mata ko!

Huhu! Gusto kong lumubog sa semento!

Pumalatak siya. Pagkatapos, naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at...

I opened my left eye first para silipin ang ipinahawak niyang supot sa 'kin. I opened both then blinked.

Flowers. A bunch of ranunculus blooms. Ang gaganda!

Napatingala ako sa kanya.

He was staring at me. Nakapamulsa siya. The sun was behind him, casting some shadow on his face. Pero 'yung gentleness sa mata niya, kitang-kita ko.

He was looking at me the way he did when we danced without music.

"Gusto kong ibigay ng personal yung bulaklak para siguradong makukuha mo."

Naumid ang dila ko. "T-thank you."

"There's a note, too."

Tumango ako. Marami.

"And I want to tell you face to face -"

Oh no! Nanlaki ang mata ko sa intro niya. Sasabihin niya ba nang harapan 'yung sa phone? Tapos, tatanungin niya ako ng feelings ko?

No!

"Thank you!" sabi ko, pumihit, at pulang-pula ang mukha na tumakbo palayo.

Hinihingal ako kahit na nakakailang hakbang pa lang ako.

"Hey!" sigaw niya. "I like you, Miss!"

Ayun. Muntik akong mapatid sa sarili kong paa.

Salbaheng lalaki talaga. # 1015g / 05062016

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon