Day 82 : First Heartache

7.8K 319 21

Heartache
-----

Acquaintance party. Ang ganda ko sana sa cocktail dress ko. Silver ang bodice. Sheer white ang skirt. Silver din 'yung high heels ko. Marami nang nag-aya sa 'king sumayaw pero idinadahilan ko 'yung hawak kong video camera.

Pero ang totoo, wala lang talaga akong ganang makipagsayaw kahit na kanino kahit na ang goal ko dapat ay inisin si Ashton Millari.

Salbaheng lalaki. Talagang hindi na tumupad sa 'matinong usapan' daw namin. Isinumpa na nga niya 'ko sa seen zoned, nagre-reply na nga lang siya kapag may quiz o test ako, tapos minsan na lang nangako ng date na matinong usapan daw, hindi naman tinupad. Sabi niya, kapag mataas ang grade ko sa Parasitology kaysa sa naging grade niya dati, escort ko siya ngayong gabi. Tinubuan ako ng pimple dahil sa pagrerebyu para lang do'n. Mas mataas ang naging grade ko. Tapos, no'ng naniningil na 'ko, nag-MIA na siya. Hindi na uli nag-reply kahit anong kulit ko.

Last month pa nangyari 'yun. Kaya mag-iisang buwan na rin akong imbyerna. Nakakainis. Kinakatkat pa ng selos ang dibdib ko. Niyaya niya kasing maging date ang kaklase nilang si Pia.

Bakit hindi na lang ako? Ako ang naunang nagyaya sa kanya a! Nilunok ko na nga ang pride ko. Bakit hindi pa rin ako?

Ang sama ng ugali niya talaga!

Papatirin ko talaga sila pag nakita ko! Ang kaso, pinagtataguan yata ako dahil guilty siya. Kanina pa 'ko paikot-ikot dito sa ballroom ng hotel pero ni anino, 'di ko pa makita. Hindi pa rin sila lumalapit sa table nila Kuya. Siguro dahil naki-table kami ni bestie ro'n.


Umikot ako ng isang beses pa sa ballroom. Nasulyapan ko si bestie at si MM na tahimik at pasulyap-sulyap na lang sa isa't isa ro'n sa table namin. Buti pa silang dalawa, nagsayaw ng bongga.

Lumabas ako ng ballroom hall. Nanggilid sa maliit na garden sa tabi ng hotel habang hawak ang camera. Malayo-layo pa 'ko, nakita ko na sina Ash at Pia na nag-uusap. Nagtago agad ako sa likod ng matataas na halaman malapit sa kanila. Tumalungko ako kahit na masakit sa paa dahil sa heels ko.

Nakasilong sina Ash at Pia sa portion ng mini-garden na may makakapal na baging at dilaw na overhead lanterns. Kainis. Ang ganda ni Pia sa red dress niya. Cleavage kung cleavage ang usapan.

Tapos si Ash...

Hay. Nakakakunsumi. Bagay talaga sana kami ngayong gabi e. Off-white na suit at bowtie ang suot niya. Bagay sa silver dress ko. Naka-brush up pa 'yung buhok niya. Ang tino ng itsura, paasa naman!

Nag-espiya ako sa kanila gamit 'yung camera.

"This girl that you like, Ash, do I know her?" tanong ni Pia.

Mahina akong napapalatak.

"Sino'ng gusto ni Ash? Wala namang sinasabi ang mga trolls a. Ako kaya 'yun?"

Nakatitig ako sa monitor ng videocam. Lumilinga si Ash sa daan pabalik sa ballroom na inupahan ng school para sa Acquiantance.

Tss. Magchi-change topic 'to si Millari. O 'di kaya, hindi sasagot.

"Hey. We should go back," sabi ni Ash.

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon