Kapuna-puna ang pagiging good mood ni Caleb sa City Hall. Tila nakapagkit sa labi mga labi nito ang ngiti. Pasipol-sipol pa ito habang pumipirma ng mga papeles.
"Ma'am ano pong nakain ni mayor?" pabulong na tanong ng isang empleyado ng ihatid nito ang mga papales na kailangan nitong pirmahan. "Mukhang maganda ang umaga niya ngayon."
"Ne, lips ko ba naman ang almusalin niya sino ang hindi magiging maganda ang umaga? Hihi "
Sinupil ni Jenna ang ngiting nais sumilay sa kanyang mga labi dahil sa kapilyahan. Pilit niyang pinakaswal ang boses "Baka nakakain ng masarap."
"Sana pala ma'am, lagi siyang nakakain ng matamis." Impit itong napatili, "Mas pumupogi si mayor kapag ganyan, nakaka-good vibes."
"Luhhh sabunot ne, bet mo?" Gustong sabihin ni Jenna dito pero natawa nalang siya. Lalo na ng halos mangisay pa ito sa kilig habang nagpapa-alam. Hindi naman niya masisi ang mga kaibabaihan, sa yummy ba naman ng view.
Sino ba naman ang hindi mago-good vibes sa mga ngiting yan? Sadyang pinagpala lamang siya sa lahat dahil nabubusog ang mata niya sa magandang tanawin
Napahawak si Jenna sa dibdib ng kapusin siya ng hininga ng magtama ang paningin nil ani Caleb at kindatan siya nito. "O my gaas, sintas, singkamas." Hihimatayin ata siya.
Napa inhale-exhale si Jenna, "what was that?" Ngayon lang niya nalaman na delikado pala ang kindat nito. Buti nalang wala siyang sakit sa puso kundi kanina pa siya bumulagta sa kintatayuan.
Itinulos si Jenna sa kinauupuan ng sumeryoso ang mukha ni Caleb at nagsimulang maglakad patungo sa kanya. "Jusmiyo, marimar, kamukha ni Pulgoso ang tsismosang kapitbahay niyo."
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Caleb dahil hindi siya gumagalaw. Ng wala itong mahintay na sagot niya ay hinawakan ni Caleb ang kanyang baba at pinagpantay ang kanilang mukha.
O my gulay naman, nakakawala ng sarili ang inaasta ni yorme. "O—" napatigil si Jenna sa pagsagot dahil tila may bumara sa lalamunan niya, kaya ipinasiya niyang tumango nalang.
"Then why are you holding your chest? Nahihirapan ka bang huminga?"
Wait lang, tila kailangan na naman ni Jenna ang mag-inhale at exhale ng malanghap ang mabangong hininga ni Caleb.
Sasagot na sana siya ng hawakan nito ang kanyang magkabilang braso. "D*mn it, Jenna, answer me!" Niyugyog pa siya ni Caleb.
Doon na hindi napigilan ni Jenna ang sariling humalakhak. "Okay lang ako mayor, nalaglag kasi yung puso ko, nung ngumiti ka." Jenna grinned and bit her lower lip. "Aww, paksyeeeet, ang korni!"
Awang ang labing hindi nakagalaw ng ilang segundo si Caleb, mukhang inuulit nito sa isip ang sinabi niya.
Ng makabawi si Caleb ay humalakhak ito. "Really, Jenna?" Yumuko si Caleb parang may kinukuhang kung ano sa sahig.
Kumunoot naman ang noo ni Jenna, "what are you doing?" Nagtatakang tanong niya sa mayor.
Ngumisi ito si Caleb ng nakakaloko, " pinulot ko lang yung puso mo, baka may makakita pang iba mahirap na."
Muntik ng malaglag si Jenna sa kanyang kinauupuan. Hindi niya inaasahan ang pagpatol nito sa kakornihan niya.
Hinaplos ni Caleb ang kanyang pisngi. " Finder's keepers' baby, wala ng bawian." Caleb winked again at kinantalan siya nito ng isang mabilis na halik sa kanyang nakaawang na labi.
Ng mahamig ni Jenna ang sarili at bumalik sa katinuan ay npahagikgik siya. "Wala naman akong balak bawiin, mayor."
"Aray, ang daming langgam!" May tapik at kamot sa braso pang nalalaman si manong Randy ng maabutan sila nito sa ganoong eksena.
BINABASA MO ANG
The Hottie Mayor
RomanceJenna Storm Sarmiento thought her mission will be boring. Bantayan ang isang super hot na mayor Ng hindi nito nalalaman. With his looks and power, madaming nagtatangkang pumikot sa alkalde ng Sta. Monica. Kaya nagdesisyon ang ina nitong lumapit sa...