A Night before the Wedding (Creepy Part )

1.1K 9 3
                                    

Dahil sa request ng kaibigan kong si YEN na ipagpatuloy itong kwentong to ay minabuti kung pagbigyan ang kanyang kahilingan.

Sana maliwanag na dito kung bakit takot ako sa mismong bahay namin na mag-isa sa baba at kung bakit kelangan lagi akong may kasama habang naghahanda ng pagkain namin noon. At salamat sa dyos dahil hindi talaga ako gifted sa mga ganitong bagay at ngaun nga ay nasanay na ako.

AND I WOULD LIKE TO DEDICATE THIS ALSO TO MICAREVELATION the first person who add my first story to her library.. Thank you so much..

ENWEIZZZ.. Here's the continuation..

=================================================================

Dahil sa isiping iyon ay hindi na nakatulog ang tatlo, mag-aalas tres na ng umaga. Kaya naman minabuti na lamang nilang magkwentohan hanggang sa sila ay antokin ngunit biglang naramdaman ni Hugo na nagsisimula ng mangulit ang isa sa kanilang kasama. (Black Lady)

Sa kabila ng pananahimik ni Ramz ay may nagbabadyang umatake sa kanya habang ang dalawa naman ay nag-uusap kung paanu makakahigi ng tawad si Ramz upang hindi na siya muling gambalain ng bantay ni Ensh.

Napansin ng dalawa ang katahimikan ni Ramz at ang pagkabalisa nito. Mukhang basang sisiw ito na nakakumot samantalang mainit naman.

" Oh  Ramz, bat tahimik ka na diyan? Gusto mo bang malaman kung nasaan ang dalawa nating kasama?" tanong ni Hugo.

"Ang isa ay nasa tabi ko at mukhang hanggang ngayon ay galit pa din. Iyong isa naman ay nasa pinto at nakatayo", patuloy na paliwanag ni Hugo.

" Hugo, panu mo nga ba nakita iyong matanda na kasama natin?", tanong naman ni Ensh sa kaibigan nito.

" Kanina pag dating natin galing kina Unknown (the writer) habang naglalaro ka, nasa harap siya ng computer mo at nakatitig lang sayo. sagot ni Hugo.

Dahil hindi naman bago ang ganoon kay Ensh ay hindi na ito nagtaka pa.

" Kaya naman pala naramdaman kong mainit sa parteng harapan ko kanina." sagot ni Ensh.

" Pero mukhang hindi naman ikaw ang sadya eh. Sa tingin ko iyong isa. Malakas ang hatak sa mga ganoon." pagpapaliwanag parin ni Hugo na nakanguso kay Ramz.

" Kahit na, panung nakapasok yan dito? Madaming bantay dito sa bahay ah." asar pa ding sabi ni Ensh.

" Hindi ko nga din alam eh, cguro napagtripan lang sumama dahil trip si Ramz. Kaya nga iyon pa din ang dahilan kong bakit lalong galit ang bantay mo eh. ( referring to the Black Lady) sagot ni Hugo habang tinitingnan si Ramz na noon ay mukhang estatuwa.

Makikita ngang pawang estatuwa si Ramz dahil hindi na makaimik at kahit mukhang giniginaw ay pinagpapawisan ng malamig.

Habang nakahiga si Ramz  ay bigla na lamang niyang naramdaman na may parang mainit na bahagi sa may kaliwang paa nito. Ramdam niya ang tila ba'y nakakapit sa kanyang paa. Nasa isip nito na galawin ang mga paa subalit hindi niya magawa. At dahil sa takot ay napasigaw ito bigla.

Wala namang magawa ang mga kaibigan nito dahil napagtitripan nga ng matandang babae si Ramz. Pinaliwanag na lamang ni Hugo ang kanyang nakita sa dalawang kaibigan. Na umano'y nakaupo ang matandang babae sa may parteng baba ni Ramz . At hawak nga daw nito ang isang paa ni Ramz dahilan kung bakit naninigas ang mga paa nito.

Hindi na nga nag-alangan si Ensh na sabihan si Hugo na kausapin ang matanda para lumayas sa kanilang bahay.

" Hugo, pwede bang kausapin mo iyong matanda na lumayas na dito sa bahay dahil hindi na maganda ang kanyang ginagawa. Pati yung bantay kong babae pwedeng kausapin mo na din kung bakit nga ba siya laging nakadikit sakin at kung paano siya naging taga-bantay ko." pakiusap ni Ensh kay Hugo.

Ginawa at sinubokan nga ni Hugo na kausapin ang mga ito kaya nagsimula na ito sa pagdarasal ng kung anu mang paraan nya para makipag komunikasyon sa mga ito. Ngunit bago ito nagsimula ay muli niyang pinaalalahanan si Ramz na huwag na huwag didikit kahit anu mang parte ng katawan niya sa katawan nito.

Ni daliri ay iwasang idikit dahil tiyak na makikita niya ang mga kinakausap nito o kung anu pa mang elementong nandun. At maaring ito ay ikasawi ng kanyang buhay.

Patuloy sa pagdarasal si Hugo at maayos namang napaalis yung isang matanda. Kaya apat na lamang silang nasa kuwarto, si Ensh, Hugo, Ramz at ang bantay ni Ensh.Nang matapos ito sa pakikipag-usap dun naman sa isa ay unti-unting pinaliwanag ni Hugo ang mga tanong ni Ensh tungkol sa Black Lady.

Sinabi nitong hindi pa man siya ipinapanganak o niluluwal ay nakadikit o nakatadhana na ito sa kanya at sa bahay na nila nakatira ito. At sabi pa ay ang first born son ang didikitan niya. Dahil nga sa bunsong anak si Ensh at nag-iisang lalaki ay sa kanya ito nakabantay.

Nakapasok na din daw ito sa panaginip ni Hugo minsan. Iyong tipong kinukuha siya ng babae sa kanyang panaginip mabuti na lamang daw ay nakasama si Ensh sa kanayang panaginip at ito naman daw ang naging daan upang magising si Hugo sa kanyang bangungot.

Minsan na din itong pumasok sa panaginip ni Ensh.. (Ooopss! hindi ko muna isasalaysay kung anu iyong napanaginipan niya dahil medyo mahaba pa at malalaman niyo kung anu talagang klaseng elemento ito.) At ayun nga, malakas daw ito sa ibang elemento at pwedeng magpakita sa mga taong gusto niya otrip niya pakitaan.

Hindi daw ito masama subalit pag ginawan mo ng kalokohan ay tiyak hindi ka titigilan kaya ganun na lamang ang galit nito sa ginawa ni Ramz ng duraan ang bodega kung saan nakatira ang mga bantay ng bahay.

May mga tanong namang hindi lahat ay nabigyang linaw ngunit sinabi na lamang kay Hugo na dapat noong nabubuhay pa ang kanyang nanay ay itinanong na nito sa kanya dahil tiyak na lahat ay masasagot nito ang mga tanong ni Ensh.

Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan na sina Hugo at Ensh ay natigilan ang mga ito sapagkat bigla nilang naramdamang muli ang yabag na tila naglalakad..

P A U S E . . .

Mabitin ko muna po kayo ulit mga mambabasa. Dahil madami pa akong pasabog at ginagawa upang mapaganda lalo ang kwentong ito. Marami pa kayong dapat abangan sa pagpapatuloy nito. Malalaman niyo kung panu nakahingi ng tawad si Ramz sa Black Lady.

Abangan niyo din po kung panu pinaglaruan si Ramz ng black lady at anung meron sa elementong ito. Anu nga ba siya? At higit sa lahat anung nangyari sakin habang ginagawa ko itong istorya. Malalaman nyo lahat ng ito sa susunod kong isusulat..

T H A N K  Y O U  S O  M U C H  R E A D E R S ! ! !  ^_^

A Night before the Wedding (cOmPlEtE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon