"SANDRAAAAAAAAA!!!"
Ay lintek. Ayun na eh. Pahimbing na yung tulog ko tas ininvade nanaman ni ate yung kwarto ko at sinigaw nanaman pangalan ko.
"Oh ano? Madaling araw na sigaw ka pa ng sigaw! Ano ba meron ha? Alam mo ba yung katok? Uso yon. At ano ba kailangan mo? Walang yelo dito sa kwarto ko." inis lang na sabi ko at sabay ngumiti si ate ng nakakainis. Say what?
"Wala lang." pucha. "Nandito lang ako para gisingin ka. Hello di ba obvious. Pero ginising kita kasi wala pa si ate. Wala akong kasama sa room manood ng movie kasi sabi nya sasamahan nya daw ako eh. Nood muna tayo movies. Ano bang gusto mo?" sabi pa nya habang naka tayo sa may pintuan ng kwarto ko. Ay ganon? Ah sige.
"Ate para sabihin ko sayo wala akong pake kung wala pa si Ate Cheska para samahan ka. Manood ka mag isa dahil wala akong balak manood kasi kanina pa ko antok na antok tas bubulabugin mo lang ako. Makakaalis ka na." tumayo pa ako at tinataboy sya ng parang aso palabas ng kwarto ko. Okay lang yan muka namang aso yan. Joke. Yan pinaka kamuka ko eh ayoko magmukang aso. Aba nakakainis kaya. Puyat ako kaka nood ng mga movies noong 90's eh tas bubulabugin nanaman ako. Wala akong magawa ngayong summer kaya nanonood nalang ako ng 90's na movies. Hehe.
"Cassandra Isabelle para sabihin ko sayo wala kang karapatan na ipagtabuyan ako sa kwarto mo dahil una, ate mo ako. Pangalawa, wala kang magagawa kasi hangga't di ka pumapayag di kita papatulugin at pangatlo, di mo ko mapipigilan kasi maganda ako." gusto ko sanang masuka sa huling sinabi nya. Duh. Mas maganda kaya ako. Kapal talaga ng muka neto.
"Ate para sabihin ko rin sayo may karapatan ako na paalisin ka dahil una, kwarto ko to. Pangalawa, ayokong manood dahil kanina ko pa gustong matulog at pangatlo, mas maganda ako sayo kaya makakaalis ka na." panggagaya ko pa dun sa mga dahilan nya.
"Sandra sira ata tong aircon mo." lumapit pa sya dun sa kinalalagyan ng aircon at kunwari'y chinecheck kung may sira ba. Huh? Kahit kelan talaga maluwag yung turnilyo sa ulo nitong ate ko eh.
"Ate akala ko Chemical Engineering course mo. Bat naging Technician ka na?" tanong ko pa sa kanya.
"Ah. Kasi biglang humangin nang malakas nung binanggit mo yung pangatlo mong dahilan eh." Umarte pa syang parang nilalamig talaga. Ah ang bait.
"Aba manood ka mag isa kung manood ka. Wala kong pake. Matutulog na ko. Bahala ka sa buhay mo." inis na sabi ko nalang tsaka bumalik sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Narinig kong sumarado na yung pinto kaya natuwa naman ako dahil yes! napaalis ko ate ko it means makakatulog na ak—
"Sandra tumayo ka na dyan kasi. Alam mo ba prepared ako kasi look. Dala ko na yung movie na papanoorin natin. Nakita ko kaya sa listahan mo ng mga papanoorin mo ngayong summer, itong '10 things I hate about you' kaya dali na tumayo ka na dyan. Sige ka pag di mo ko sinamahan manood iiispoil kita pag napanood ko na to." sinasabi nya yon habang tumatalon sa bed ko. Argh! Kahit kelan napaka clingy neto ni ate. Huhu. Kala ko pa naman makakatulog na ko. :(
Inis akong napabangon at tinignan sya ng masama. "Ate pwede ba! Sabi ko ayoko manood kasi puyat ako. Bat ba sakin ka pa nagpapasama eh huli ka na sa balita kakapanood ko lang nyan kanina. So kung gusto mong panoorin yan manood ka mag isa or kung gusto mo magpasama ka sa bestfriend mo! Kay ate Faye!" pagsusungit ko pa sabay talukbong ng kumot.
"Grabe ka sakin ha. Pero in fairness maganda suggestion mo. Papasama nalang ako kay Faye. Sama mo sakin kahit kelan. Heychu na." kunwaring nagtatampo pa yung boses nya. Hmp bahala ka dyan. Inaantok na talaga ko hehe.
YOU ARE READING
Raison d'etre
Teen Fiction"Tinaas mo ako ng pagkataas taas pero wala ka naman palang balak na saluhin ako. Para akong saranggola na pinaglalaruan mo habang malakas ang hangin at tuwang tuwa maglaro pero nung nakita mo na yung pinapangarap mong saranggola, hinayaan mo akong s...
