Kabanata 45

63.9K 1.4K 45

Molested

Napaawang ang labi ko.

"Grace.." Halos pabulong kong wika.

Hindi ko alam gagawin ko o ang magiging reaksyon ko. May kasama siyang dalawang lalaki. Matangkad at malaki ang mga katawan ng mga 'yon.

Abo't langit na ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung para saan 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Ngumisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Akala mo ba tapos na ako?" Tanong niya sa isang sarkastikong boses.

"Ano pa bang gusto mo?" Mahinahon kong tanong kahit sobra na ang kaba sa puso ko.

"Isa lang naman ang gusto ko. Si Caden lang." Aniya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Siya ang kausapin mo tungkol diyan. Wag ako."

Sibukan ko silang lagpasan para makaalis na pero marahas niya akong hinablot at tinulak paharap muli sakanya. Nabalibag ang dala dala kong baked cupcakes ni Alice.
Naiyukom ko ang mga palad ko. Masamang tingin ang binigay ko sakanya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Evander pero hinablot niya 'yon at binato.

"Grace!" Sigaw ko at sinubukan kong kunin ang cellphone pero hinawakan niya ako sa kamay ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang kuko niyang bumabaon sa balat ko.

"Balak mo pa siyang tawagan? Ang lakas ng loob mo! Sisiguraduhin kong pagkatapos nito ay babalik siya sa akin! Pag natapos na ako sa'yo.. sa akin na siya ulit. Sisiguraduhin ko 'yon!" Sigaw niya habang kitang kita ko ang galit sa mata niya.

"Hindi napipilit ang pagmamahal!" Sigaw ko at mabilis na dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

Mabilis ko rin siyang sinampal at nakita kong lalong nagbaga ang galit sa mga mata niya.

Nanginig ako sa tinging ginawad niya sa akin. Napalunok ako at nag balik balik nag tingin ko sa mga kasama niya. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok dito. Pero sana may maghanap na sa akin.

Aaminin ko, natatakot na ako dahil wala siya sa sarili niya..

"Si Evander ang kausapin mo! Wag ako!" Saad ko at sinubukan muli umalis pero tinulak lang niya ako sa dalawang lalaking 'yon.

Namilog ang mata ko ng hawakan ako ng dalawang lalaki. They look like some trained man in rugged clothes. How the heck did they enter the school?

Mariin akong napapikit sandali. Naririnig ko na ang malakas na kalabog ng puso ko.

"Isa lang naman ang gusto niya sa'yo panigurado. Nag iisip ako kagabi at naisip ako na.. ang gusto lang naman niya sayo ay 'yang pagiging malinis mo. Kung malaman niyang may nakauna na sa'yo at isa ka ng maduming babae. Panigurado.. iiwan ka niya at pandidirihan. So.. you should jusy enjoy."

Kita ko ang saya at galit sa mata niya. Masaya siya sa nangyayari at pinaplano niya pero nandoon pa rin ang galit para sa akin. Halos mabuhusan ako ng tubig nang senyasan niya ang dalawa.

Hinawakan nila ako sa damit ko at sinubukan iyon punitin. Nangilid ang luha ko at sinubukan makawala. Tinulak ko ang isa sakanila at tumakbo papuntang pintuan pero may humila sa buhok ko at binalibag ako sa sahig. Humapdi ang braso ko kaya alam kong nasugatan ako doon.

Napalingon ako sakanila at nakita kong palapit ang dalawa sa akin habang nakangising palabas ng pintuan si Grace. Mabilis akong gumapang papunta sa gilid at yinakap ang sarili ko.

Caught (Montgomery Series # 1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!