Chapter 66 (November 02, 2011)

920K 11.3K 1.7K
                                    

DATE POSTED: November 02, 2011


Chapter 66

Itinapon ni Elisa ang hawak na bouquet sa basurahan ng waiting room niya.

"OH? Why??" nagaalalang tanong ni Ann, manager niya. "Sayang ang ganda pa naman." Nanghihinayang ito sa mga bulaklak na ibinigay kay Elisa kanina.

Humarap si Elisa sa malaking salamin at nagretouch. Doon siya tumingin sa repleksyon ng manager niya at nagsalita habang inaayos ang kolerete.

"Ano ba yang flower na yan kasi, poon ba ako? Altar? Hindi man lang pumili ng classy?! Sometimes ang cheap din nitong mga talkshow eh."

"Ni-rush mo naman kasi Elisa... This morning mo lang pina-arrange ang debut special mo at movie promotion. Buti nga pumayag sila dahil big celebrity ka naman. Kaya siguro hindi masyado napaghandaan ang flowers." Paliwanag ng manager.

Ang totoo kasi ay hindi naman talaga nakaschedule sa afternoon show ang early birthday celebration ni Elisa. Siya lang talaga ang nagpumilit magschedule nito sa mga producers.

"Kahit na nuh!"

Sa sandaling iyon biglang bumukas ang pintuan ng waiting room.

"A-ah.. Kent... Maiwan ko muna kayo.." Sali-daling lumabas ang manager ni Elisa.

Si Kent ay naiwang nakatayo at nakatingin sa direksyon ni Elisa na kasalukuyang nagaayos pa rin sa harap ng salamin.

"Missed me?"

Kumunot ang noo ni Kent.

"What do you think you're doing? Kelan pa ako naging escort ng debut mo?"

"Simple... Publicity stunt for the movie." Nakangiting sagot ni Elisa. "And... bakit hindi ka umangal kanina? Habang sinasabi ko?"

"Elisa, you've said that live in national television. How can I argue?!" nanggigigil na tanong ni Kent.

"Just think of this as a favor from me. Maraming nago-offer sa akin na maging escort sila." Tapos na si Elisa magayos sa harap ng salamin. Umupo na ito sa isang stool at humarap kay Kent. Crosslegs.

"Eh bakit hindi sila ang yayain mo?" tanong ulit ni Kent

"Escort lang eh, What is so wrong with that?"

"THIS IS POINTLESS!!"

Lalabas na sana si Kent ng waiting room ni Elisa dahil sa tingin niya ay useless naman ang makipagtalo dito. Pero bago niya pa magawa iyon ay biglang bumukas ang pintuan at nagpasukan ang isang host ng magazine show, kasama ang isang cameraman.

"Wow! Look who's here?" sabi ng host at tuluyan na itong pumasok sa kwarto.

"HI TINA!!" maluwang ang ngiting ibinigay ni Elisa sa host habang si Kent naman ay hindi maipinta ang itsura. Tuluyan na siyang naipit sa sitwasyon.

"We are about to conduct aan ambush interview sana dahil sa naalapit na debut mo... to you only." Turo nito kay Elisa "Pero good thing nandito naman ang escort."

Goddamnit... Really Naisip na lang ni Kent nang magsimula na ang interview.

**

"Anak... Abangan mo na lang ang paguwi niya..." sabi ni manang habang nakatayo sa likod ni Phoebe na tumatawag ngayon sa telepono

"Sagutin mo sagutin mo!!! Kanina pa tapos ang show hindi mo pa rin sinasagot???!! Grabe ka naman!!!" pero hindi nakikinig si Phoebe kay manang Lourdes, patuloy lang ito sa pagredial ng number ni Kent.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon