To a Jerk Like You, Saranghae!

21.9K 280 8

A/N: Syempre dedicated sa aking girlalush StrawberrySundaeeeee! Mahal na mahal ko yang babaeng yan. Naks! Haha! Ito na ang prologue ng iyong love story kasama si Papa Luis. Wahahaha! XD Prologue lang muna ang ipopost ko kasi tatapusin ko muna yung isa kong ongoing, pero hindi pa ako sure kung makakapag-update ako kaagad dito. Wehehe.

***

PROLOGUE:

Masyado ng cliché kung sasabihin kong nagmamahal ako sa lalakeng hindi naman ako kayang mahalin. Anong magagawa ko? Nagsimula lang naman ‘yun sa paghanga hanggang sa lumalim na. Hindi ko siya gusto dahil gwapo siya, hindi naman physical features niya ang nagustuhan ko eh, kung ano siya ngayon, ‘yun na ‘yung nagustuhan ko sa kanya...

Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod na umasa sa katiting na bagay na balang araw magugustuhan niya din ako. Dahil ayaw mang sumuko ng katawan ko, puso ko na ang sumusuko...

Nagising na lang ako isang araw na nasabi ko sarili ko na... “Mahirap palang mag-isa kang umiiyak sa gabi at palagi na lang nasasaktan”

“Hoy Kung Fu Panda! Ibili mo nga ako ng kape sa Starbucks!” like a boss na sabi niya sakin. Sabagay, boss ko naman talaga siya eh. -___-

“Hindi ako nagKuKung Fu! Taekwondo!” reklamo ko. Palagi na lang niya akong tinatawag na Kung Fu Panda! Kainis! Chubby nga ako, kailangang ipamukha?! “May klase pa ako mamaya eh! Pwede ka namang magpabili sa mga empleyado mo!”

“Heh! Gusto ko ikaw ang bumili! If I know, magpapakamasokista ka na naman! Hindi ka nga gusto nung tao, lapit ka pa ng lapit!”

Pinigilan ko ang sarili kong batuhin siya ng silya. Pinaalala pa! Ampupu! “Hindi ‘yun no! Madami akong mamimiss na lessons!”

“Excuses. Basta bumuli ka na!”

“Ngayon na ba?!”

“Ay shunga! Try mong bumili next year!” sarkastikong sabi niya...

“Koreanong hilaw! Alam mo bang ang layo-layo ng Starbucks dito?!”

“Alam ko! Kaya nga inimbento ang jeep, tricycle at taxi di ba?!”

Aish! Wala na akong nagawa kundi sundin ang inuutos niya. 24 years old na, napakairesponsable pa! College student ako kaya dapat hapit na hapit ako sa pag-aaral pero mukhang makakasira siya sa future ko! Nakakapang-init ng dugo! Pero kalma lang Athena, kaya mo ‘to! Bakit kasi kailangan pang umalis nila Mama at ipaubaya ako sa lalakeng ‘yun! Tama! Magkaibigan kasi ang mga magulang namin at dahil daw ‘mature’ ang Koreanong hilaw na ‘yun, kailangan niyang tumayong Kuya para sakin! As if namang hindi ko kaya ang sarili ko! Kaya ito ang kinalabasan! Tagapagsilbi ng damuhong ‘yun!

At isa pa...

Kaya ako nagsisilbi sa kanya dahil isa siyang blackmailer! Kapag daw hindi ko sinunod ang gusto niya, sasabihin niya sa taong gusto ko ang tunay na nararamdaman ko at ‘yun ang pinakaayaw kong mangyari, dahil kapag nangyari ‘yun, baka hindi na bumalik sa dati ang lahat...

Ayokong mawala ang kung anong meron sa aming dalawa ni 'crush' ng dahil sa isang KOREANONG HILAW na tulad niya. -__-

***

Lei/shinkumi’s Note: Pasensya na sa prologue. Pagtiyagaan niyo na. Haha! Storya naman ito ni John Luis Young na isang member ng 12 Demons. Ang timeline dito ay may asawa na ang ibang member ng 12 Demons pero para hindi kayo malito, ang anak nila Gio at Lian na sina Drei at Lizbelle ay mga bata pa dito. Pati na din sina Zen at Zoe ay mga bata pa lang. Kapag sinunod ko ang timeline sa The Heartbreaker Meets the Brokenhearted dito ay magiging tanders na ang bida kaya wag na lang. XD Dapat Saranghae, Oppa! ang title nito kaso nag-try muna akong i-search kung may kaparehong title at nanlumo ako ng napakaraming kaparehong title kung sakaling ‘yun ang gagamitin ko kaya iniba ko na lang. Haha! Pinag-isipan ko talaga ang story na ‘to kahit hindi halata. Regalo ko na ‘to sa ever supportive bestfriend girlalush ko dito sa watty. Haha! 

Okay lang naman siguro sayo StrawberrySundaeeeee kung pinataas ko ang age mo dito? Haha! XD

To a Jerk Like You, Saranghae! (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!