Napahawak si sir Darenn sa buhok niya at na isip, kung may habang buhok lang siya pwede niya rin 'yun gamitin pababa. Pero hindi na isip ni sir Darenn na hindi pupwede 'yun dahil una sa lahat maikli ang buhok niya, pangalawa paano siya bababa kung buhok niya ang gamit niya? Kaya na paluha ang cute nating bida.

"Lalaki ato hindi mahaba ang buhok to!" sinabunutan niya ang buhok niya at gumulong gulong na naman. Na gulo ang higaan niya at nakita niya ang kumot at kobre kama nito.

Nakaisip siya ng magandang idea, pinulupot niya ito at tinali sa kama niya. Nagmistulang mahabang buhok ang tela na bumibitin sa bintana ng kwarto niya.

"Nyehehe daling to no," sabi niya sa sarili at humanda ng bumaba gamit ang tela.

Nanginginig ang katawan niya habang bumababa pero pinilit niyang maging matapang alang-alang sa paglalaro niya sa dalampasigan.

At sa wakas! Nakababa rin siya at nagtatalon sa damuhan. Kumaripas siya ng takbo papuntang dagat at nagtatalon dito.

Tuwang tuwa siya sa malamig na simoy ng hangin at paghampas ng maliliit na alon sa katawan niya.

"Wah! hahaha," naglaro siya ng naglaro doon na hindi iniisip ang mga nagbabantay sa kaniya sa mansyon.

Sa wakas na pagod din siya at umupo sa buhangin habang basang basa ang damit niya, gumawa siya ng sand castle katulad ng itinuro sa kaniya ng ate Kaelynn niya at dinekorasyonan ito ng mga shell na napulot niya.

"Darenn," napalingon siya at hinanap ang tinig ng tumatawag sa kaniya.

"Tino 'yan?" Sabi niya at bumangon mula sa buhanginan saka pinagpag ang maliit niyang pwetan.

Hinanap niya ang boses at inisip kung guniguni niya lang ba 'yun at muling bumalik sa paglalaro ng buhangin.

Mga ilang minuto pa at narinig niya na naman ang tinig na tinatawag ang pangalan niya.

"Darenn," sabi nito at mabilis siyang lumingon sa kakahuyan na baka sakaling mahuli niya ang tumatawag sa kaniya.

Kaso wala siyang na kita kundi ang matatarik na kulay berdeng puno at mga lilang bulaklak.

"Tabi tino yan eh. hmp," nainis ito dahil hindi niya makita kung sino ang tumatawag sa kaniya, medyo hindi niya rin marinig ang boses nang maayos dahil sa ugog ng hangin sa dalampasigan at muli lumingon siya sa kakahuyan saka muling narinig ang tinig. "Darenn," sabi nito at na patayo siya sa tuwa.

Alam niya ang boses na 'to at hindi siya nagkakamali, kumaripas siya ng takbo kahit pa na ilang ulit siyang sumubsob sa buhanginan at pagpunta niya sa malaking puno.

Sinilip niya ang butas na meron ang matandang puno.

Nagtaka siya at na bigla siya nang makita ang isang kahon na kulay asul, na pangiti siya ng sobrang lapad nang makita kung ano ang laman nito.

"Wah, ehehe totolate!" Kinuha niya ang kahon at dinala 'to sa dalampasigan.

Binuksan niya ito at kinain ang laman saka tinago ang balat ulit sa kahon, sarap na sarap siya dahil ngayon lang ulit siya nakakain ng chocolate.

Mahigpit kasi sa kaniyang pinagbabawal na kumain nito dahil na bubulok ang ngipin niya, kaya naman nung makita niya 'to ay hindi n'ya na pinalagpas pa at kinain na mismo sa dalampasigan para walang makakita.

"Talap hehe" sabi nito habang hinahampas ang tiyan.

Unti-unti siyang inantok at gumapang sa lilim ng puno, humilata siya sa damuhan at tinignan ang mga dahon ng puno. May kakaunting sinag ng araw ang kumakawala sa mga dahon nito na tumatama naman sa mata niya kaya napapapikit siya.

"Tilaw ato tilaw," at tumagilid siya ng higa, hindi na mamalayan na nakatulog na pala siya at inabot na siya ng dilim doon.

❦❦❦

"Ilang beses ko ba sa inyo sasabihin na bantayan niyo maigi si Darenn?" Naririnig niyang sermon ng kuya Daryl niya sa mga bagong katulong nila, iyan ang dahilan bakit walang na kakatagal sa kaniyang yaya noon. Dahil sa makulit daw siya at takas nang takas.

"Sorry po sir hindi na po mauulit," sabi ni ate Sol, ang tiga bantay niya. Minulat niya nang ayos ang mata niya at nakitang malinis na siya at nakaupo sa hapag kainan.

"Sir Darenn kakain na ng umagahan." minulat niya ng unti ang mata niya at nakita niya si ate Kaelynn niya, umiling siya. Inaantok pa kasi talaga ito.

"Ayaw mo? Rice ball 'to may corn beep sa loob," rinig niyang sabi ng ate Kaelynn niya. Sinilip niya 'yung nilapag na pagkain ng ate niya sa tabi niya, at kahit inaantok siya pinilit niyang abutin 'to at kainin.

"Hahaha. inaantok pa talaga siya," sabi ng kuya Daniel niya at matapos niyang kainin 'yung rice ball ay bumaba siya sa upuan niya at pagewang-gewang na lumipat sa upuan ng ate Kaelynn niya saka kumandong dito.

"Aaah~" pagbukas ng bibig niya kaya na patawa ang ate Kaelynn niya at sinubuan siya saka pinisil ang pisngi niya.

Masaya siya pag nasa tabi siya ng ate Kaelynn niya, feeling niya kasama niya ang mama niya at tuwang tuwa siya pag pinaggigilan siya nito.

Pagpinipisil ang pisngi niya, pagginugulo ang buhok niya at pagniyayakap siya nito nang sobrang higpit.

Mahal na mahal niya ang ate Kaelynn niya, higit sa kanino man.

Kaya ayaw niyang nakikitang umiiyak ang ate niya dahil sa kambal at ayaw niya rin naman kinikilig ang ate niya sa kuya Daryl niya. Gusto niya siya lang ang pinapansin nito, yumupyop siya sa dibdib ng ate Kaelynn niya at pumikit, amoy na amoy niya ang mabangong amoy na nakadikit sa damit nito.

"Aw, daya," sabi ng kambal dahil yakap-yakap na maman siya ng ate niya.

At doon na naman na tapos ang kwento ng isang araw na adventure ni sir Darenn. 

CHAPTER 31

Vampire's PetWhere stories live. Discover now