Chapter 6 ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung mga doll shoes, may 6 pairs 'to eh. Ilalagay ko sa ilalim ng kama ko. May mga box naman eh. Nakakatuwa talaga.

Krrrrinnngggggg!

Wag ka, ringtone ng iphone ko yan. Haha. Bigla ko namang sinagot. Kasi nalimutan ko may phone na pala ako.

"Hello?"

[Pumunta ka dito sa bahay.]

Si Kyle 'to. Nag-uutos eh.

Pero ba't ako pupunta sa bahay nila?

"Pero.."

[Walang pero-pero basta pumunta ka ngayon din.]

"Kyle naman.."

[Itetext ko sa'yo address. Bilisan mo! Mag-taxi ka na.]

*toot toot*

Binabaan nya 'ko. Bastos talaga 'yon. Hanla naman. Tutulong pa'ko sa karenderya. Anong sasabihin ko? Aishhh. Bawal tumanggi kasi.

At mag-taxi daw ako? Wala nga akong pera. Teka..

May 5k nga pala ako.

Ahehehehe.

Tiningnan ko 'yong wallet ko na hello kitty.

Napa-smile ako kasi may laman na siya. Iipunin ko 'to. For future matters.

Naks! English 'yon.

Tenenenenen!

Wag ka, message tone ko 'yan.

Tiningnan ko text ni Kyle. Adress ng bahay nila. Naman. Binilisan ko na. Paglabas ko, nagdouble lock ako ng kwarto ko. Mahirap na. Pakialamera pa naman si Charisse.

“Tita, punta lang po akong sideline."

“Sige mag-ingat ka.”

Mabait tlaga 'tong si Tita.

Tumakbo ako palabas.

Ayun, taxi.

"Taxi!!"

Ahehe, F na F ko.

First time.

Kyle POV

Ang tagal naman ng babaeng 'yon. Aish. Sabi ko magtaxi. Ang tagal pa din.

"Young master eto na po 'yong pinakuha niyo."

Si butler 'yon.

"Lagay mo lang d'yan."

Pinakuha ko kasi ng walis at basahan. Paglilinisin ko ng kwarto ko si nobody. Para naman worth it yung 5k. Nakakaswerte siya ha. Tumunog 'yung intercom ko.

"Young master, andito na 'po siya." Guard yun sa main gate. Sinabihan ko na naman sila na 'pag may dumating, sabihan ako.

"Papasukin niyo dito sa kwarto ko."

Maya-maya may kumakatok na. Binuksan ko.

"Ano bang kailangan mo?"

Nakasimangot pa 'to.

"Pasok."

Nauna na'ko pumasok. Napalingon ako sa kaniya.

Niyayakap nya ang sarili niya.

"Kyle 'wag.."

Ano daw? Baliw talaga 'tong babae na'to!

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Madami pa'kong pangarap. Bata pa'ko."

Nilapitan ko siya. Palapit ng palapit.

"Kyle.."

Baliw talaga 'to. Sarap nito kutusan.

"Aray naman!"

Binatukan ko nga. Adik ba naman. Kung anu-ano sinasabi. Baliw!

"Kapal ng mukha mo. Di kita type."

Sumimangot pa 'to. "Di din kita type! Hmmp! Ano bang problema kamahalan?"

"Linisin mo kwarto ko."

"Hanla."

"Aangal? 5k"

Tinawanan ko sya.

"Hanla nga, lilinisin ko na."

Lalo akong natawa. Baliw talaga 'to. Ayun nagsimula na syang maglinis. Makapag-youtube nga muna. Suot headset.

Maximum volume.

 〰

Chelsea POV

Grabe talaga 'tong si Kyle. Di lang talaga ako makatanggi eh. Aish. Kanina para akong malulula sa laki ng bahay nina Kyle. Mansyon pala.

Superb!

Akala ko sa TV lang yung mga mansiyon na bahay.  Meron pala sa real life. At itong kwarto ni Kyle, ang laki. Black and white 'yong theme color. Ang ganda ganda. Malaki pa 'to sa bahay ni Tita. Imagine, kwarto lang 'to. Astig!

"Hoy nobody, anong tinutunganga mo dyan? Bilisan mo nga!"

Sinimangutan ko siya. Sama talaga nito. Tinuloy ko paglilinis. Hindi naman ganon kadami kalat. Magulo lang. For example, 'yong bola ng pambasketball nasa kama. Yung damit niya nasa sahig.

Burara.

Nagsimula na akong maglinis.

Hingal
Punas pawis.

"Tapos na!" Sigaw ko. Ay salamat natapos din. Kapagod din ah.

"Good." Sabi ni Kyle

"Pwede na'ko umalis?"

"Ipaggawa mo muna ako ng assignment."

Aish! Asa na lang sa'kin? Kainis! Kinuha ko na 'yong filler niya at sinagutan assignment. Buti isa lang, trigo. Mahina 'to malamang sa math.

Habang ginagawa ko assignment niya. Diko maiwasang tumingin kay Kyle na nasa harap ng desktop nya.

Gwapo talaga sya.

Maputi
Mukhang korean.
May lahi siguro 'to
Yung buhok niya mejo mahaba konti, bagsak!
Daig pa ni-rebond.
May highlights yun na blonde.
Bagay sa kaniya.

Unlike yung mga trying hard jejemons na kung makakulay ng buhok, wagas. Haha yung tipong ang itim itim ng balat nila tapos kukulayan ng blonde ang buhok.

Ang dungis kaya. Sorry pero real talk! Ahehe. Peace jejemons!

Ang tangos pa ng ilong nitong si Kyle
Ang kinis ng mukha.
Ano kayang sabon gamit nito?
Gumagamit kaya 'to ng glutathione?
Puti talaga eh.

Yung katawan nya tama lang.

Matangkad siya.

Aish, Kyle... Gwapo ka talaga. Kaso ugali mo, hindi gwapo.

Pero kung tutuusin

PERFECT na si Kyle.

Mayaman
Gwapo
Sikat

Siya na talaga!

"Hoy tapos ka na ba?"

Sinigawan pa'ko ng kumag.

"Oo! Makakaalis naba ako kamahalan?"

May kinuha siyang something.

$__$

Pera?

"Ayan, talent fee mo ngayon. Dahil sinabi ko kanina na free ka na tapos inutusan pa kita."

Aba, mabait pala 'to.

"10k yan."

Ano? 10k? Kyaaaaa! Instant yaman ako nito 'pag nagkataon.

"Thank you."

Ngiting aso na'ko. Haha kapag ba ganitong laging may bayad, aba! Sisipagin ako. Arg, pasalamat ka Kyle mahirap ako. Hmp!

"Alis na!"

Walang modo talaga 'tong lalaking 'to. Makaalis na nga. Paglabas ko ng kwarto. Hanla? Saan ang daan pababa? Kyaaaa! Naliligaw ako. Ang laki kasi ng mansyon na'to.

Aish.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon