Chapter 6 ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh?"

"Wala akong pambayad d'yan. Ang dami-dami masyado niyan."

Mangiyak-ngiyak na'ko dito. Tumawa si Janna.

Nagawa pang tumawa ng bruha.

"Who told you na kailangan mong bayaran ang mga ito?" sabi ni Janna

"Ah eh, ibig sabihin ikaw ang magbabayad? Hanla, 'wag na kakahiya."

Kakahiya naman kung siya ang magbabayad. Baka masabihan pa'ko nito ng gold digger.

"At sino din nagsabi sa'yo na ako ang magbabayad?"

Nge?

"Eh sino?"

“Pag-aari namin ang mall na'to. At itong boutique na'to, sa'kin 'to."

Ano daw? Sa kaniya? Ganoon ba siya kayaman? My gulay!

"Kaya 'wag kang mag-worry. Ipapalagay lang natin sa paperbags 'to sa counter. No need to pay."

Sinenyasan ni Janna 'yong sales lady.

"Pakibalot na ang lahat ng 'to." Inutusan ni Janna 'yong clerk.

"Yes Ma'am." Sagot nung Sales lady.

Napaupo ako sa upuan dito.

"Problem?" tanong ni Janna

"Nakakahiya sa'yo."

"Ano ka ba? That's my treat. Basta promise me na isusuot mo na 'yang mga new dress mo tomorrow ha?"

Aissshh Ang bait talaga nitong si Janna. Lumapit na sa'min 'yong clerk tapos inabot sa'min 'yong sampung paperbag na malalaki. Grabe talaga 'tong si Janna. Pagkasakay namin sa kotse niya, napahinga ako ng malalim.

"Janna."

"Yep?"

"Thank you sa mga 'to."

"Wala 'yon. I considered you as my bestfriend kaya ‘wag kang mahihiya sa’kin."

"Bestfriend?"

"Yeah."

Ang bait nya talaga. Ang ganda pa. "Salamat talaga."

Hindi pa din ako makapaniwala na ipinamili nya ko ng ganito kadami. Bigla tuloy akong na-excite na tingnan lahat 'to. Kanina 'di ko naman tinitingnan kasi si Janna na ang namimili.

"Saan address mo. Hahatid na kita. Masyadong madami ang mga 'yan."

Tatanggi sana ako. Kaso tama, madami masyado.

"Sa bla bla bla…”

Ayun hinatid nga nya ko. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Isa-isa kong tiningnan yung mga binili sa mall.

Waaaa! Ang gaganda. Yung tela, pangmayaman.

Cotton!

Hehe.

First time ko 'to.

Napatingin ako sa price tag nung isang damit.

3,999.75 ?

Wagas naman. Yung mga damit ko 35 pesos lang. Grabe.

Pinagtatanggal ko na yung mga price tag. Hindi ko na nga tinitingnan kasi nahihilo lang ako sa mahal. Yung mga doll shoes, ang gaganda. Maganda suot ko bukas.  E'di mapapabilang na'ko sa mga taga SWU?  Hindi na ako magmumukhang maid. Ang laki ng utang na loob ko kay Janna.

Pero teka hindi pala dapat makita lahat 'to ni Charisse. Siguradong maiinggit 'yon. Baka kung ano pang isipin nila kung saan galing ang mga 'to. Inihanger ko na 'yong mga bago kong damit. Yung mga luma tinupi ko nalang at nilagay sa ilalim na drawer. Pambahay ko nalang yun.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon