Day 08 : Seen

11.2K 383 54

Napahikab ako habang nagle-lecture si Prof. Herman. Inorganic Chemistry ang subject. Buena manong lecture tuwing Lunes at 7:30 in the morning. Dusa ang umupo sa desk. Ang bagal kasi niyang magsalita. Nakakaantok.

Siniko ako ni Jenessy at sinenyasan na makinig. Nag-pout lang ako. In fairness kay bestie, kahit jurassic ang professor na nagtuturo, willing na willing makinig. 'Yung mata talaga niya sa likod ng salamin, buhay na buhay kahit Monday. Amazing e, no? Sa kanya ko napatunayan na talagang totoong may mga taong kumakain ng libro sa bawat araw ng buhay nila at may wagas na curiosity sa bagay-bagay. Akala ko noon, alamat lang. Kasi, hello, who in her young age of sixteen going seventeen, would want to hear hours and hours of lectures about elements? Nang hindi nabo-bore?

Ang curiosity ko, limited. Limitado kung gwapo ang professor, magaling magturo, maganda ang boses at kung botany ang subject. So far, 'di ako in love sa reactions at synthesis ng compounds ng mga elements. But I still listen, though. Ipapa-report kasi sa 'kin ni Daddy kung ano ang ni-lecture ngayong araw sa Inorganic Chem and I have to deliver a similar (if not accurate) lecture or else, tatanggalan ako ng clothing allowance.

Yes. May halimaw akong parents. They're adorable, pero sobrang strict. My Dad, Dr. Patrick Lastimosa is a neuro-surgeon at a well-known hospital. My Mom, Dr. Ludy Lastimosa is a cardiologist at the same hospital. ang Ninong Franco ko at kaibigang matalik ni Dad, ang may-ari ng ospital. Lahat na ng iba pang Ninong at Ninang ko, doctors.

It's easy to surmise that I will be a doctor someday. Hindi ko pa nasasabi kina Dad at Mom na ayoko. Mahirap kasing sabihin. Everyday, they lecture me about becoming a doctor. Hindi naman ako si Kuya Harry. Si Kuya, malaki ang pagmamahal sa mga internal organs. Baliw. He really wants to cure the sick. But me? I wanted to study plants.

Most times, may pangalan din ang curiosity ko - si Ashton Millari. Fourth year BS Bio student. Soccer player. Kaibigan ni Kuya. Everything about him, interests me. Kahit seen niya.

Akalain mo, one week na kong naghi-hello at good morning sa facebook messenger pero puro seen? Suplado. Ni hindi man lang mag-reply kahit isa. Por que gwapo siya. Tsk.

Hindi ko naman magawang ma-offend. Seen pa lang kasi niya, natutuwa na 'ko. Ibig sabihin kasi, nababasa niya mga messages ko, right? If he could read my messages, that means I'm getting his attention. That also means that I will cross his mind every now and then.

Thinking about those possibilities makes me happy. And kilig. Yiii...

"Ang weird ng ngiti mo, bestie," untag sa 'kin ni Jenessy.

Umirap ako nang kaunti. Tumitig sa white board at kay Prof. Naririnig ko pa si Prof. for the most part pero no'ng sumagi sa isip ko si Ash... nawala. Ano na bang nili-lecture nito?

"Si Ash, sini-seen pa rin ako," bulong ko pabalik kay bestie.

"Hindi pa nagre-reply?"

Nag-pout lang uli ako. Ano kayang gagawin ko 'pag nag-reply si Ash, 'no? Pa'no kaya ako tatalon sa tuwa?

"Suplado si Ash," sabi ni bestie at nag-giggle. Ang cute niya, kahit hindi siya naniniwala. Ang sarap i-bully.

"Suplado nga. Gwapo kasi," sabi ko lang at napangiti. "Ire-reply din ako no'n. Kala niya ba, titigilan ko siya? Tsk. Mali siya ng akala."

"Ire-reply ka no'n. 'Pag nando'n ako sa inyo, nahuhuli ko siyang sumusulyap sayo e."

Napalaki yata 'yung ngiti ko. Pusher din ng kilig 'to si bestie e. Wala na 'kong pakialam kung totoo 'yung sinasabi niya (na malamang totoo), basta masaya.

"C.R. tayo! Lecture class din nila e. Daan tayo sa room nila. Nasa lower floor," aya ko. Susulyapan ko man lang si Ash my labs. Baka magising ako.

"Hala... E nagle-lecture pa e."

"Nag-advance reading ka na, 'di ba? Sandali lang tayo. Inaantok na 'ko e," pilit ko.

Mukhang nag-iisip pa si bestie. Kailangan ko pa ng mas bonggang convincing power.

"Sulyapan mo na rin si Marcus. Magkakatabi 'yung apat na trolls panigurado," dagdag ko. Tinutukoy sina Kuya Harry, Kuya Jeric at Marcus na mga kaibigan ni Ash. Mas kilala sila sa BS Bio as Team Trolls.

Inayos ni bestie 'yung salamin niya at kinagat 'yung lower lip. Super crush niya si Marcus kaya siguradong hindi siya tatanggi.

"Sige."

Napasutsot ako. Kapag talaga kay Marcus, ang bilis nito yayain! Kahit Chem iiwan! Haha!

Tumayo kami at nag-excuse. Dahil topnotcher sa Chem si Jenessy, ang bait ng ngiti ni Prof.

Tapos, lumabas na kami ng room. May C.R. sa third floor kung nasa'n kami pero bumaba kami sa hagdan papuntang second floor. Nando'n ang room ng first class nina Kuya pag Monday.

Palapit pa lang kami sa classroom nila, ang lakas na ng kaba ng dibdib ko. Parang nakailang shot na 'ko ng kape.

Huminga ako nang malalim at napahawak sa laylayan ng blouse ko. Kahit isang sulyap lang galing kay Ash, makokontento na 'ko buong araw.

Kinabit ako ni bestie sa braso. Bumagal na rin ang hakbang namin.

"Sulyapan mo agad kung nasa'n sila a," sabi ni bestie.

"Oo," sagot ko lang.

Ilang hakbang bago ang bintana ng classroom nila, parehas na 'ata kami ni bestie na higit ang hininga. Nakita ko agad sila Kuya sa kinauupuan nila. Magkatabi si Marcus at si Kuya. Nakikinig sa lectures. Si Kuya Jeric, may sinusulat sa binder. At si Ash, nakatungo sa backpack niya. Parang may kinakalkal.

Gosh, bakit siya nakatungo sa critical moment na ganito? Pa'no ko masusulyapan man lang 'yung buong mukha niya? Pa'no ang sulyapan moment?

Si bestie, nakalingon na kay Marcus habang naglalakad kami. Samantalang ako, mawawalan na ng pag-asa na masusulyapan man lang ni Ash. Malapit na kami sa pinto e.

'Look at me, please, Ashton!'

Ilang hakbang na lang, mawawalan na 'ko ng visual. Wala na ngang sulyap, hindi ko pa nakita 'yung buong mukha niya. Malas na Lunes! Nagsimba naman ako kahapon!

Nakasimangot na yata ako no'ng nagtaas ng mukha si Ash at saktong napasulyap sa pinto.

Nagtagpo 'yung mata namin. Nabingi ako sa heartbeat ko. At muntik akong hindi makahakbang sa titig niya.

Hinihila ni bestie 'yung braso ko pero parang lalong bumigat ang paa ko.

Nakatingin siya sa 'kin! Walang kurap. Nakakapaso. Na nararamdaman kong may mainit na dugong naiipon sa mukha ko. Lalo na sa bandang pisngi.

Nag-pout ako kay Ash nang hindi sinasadya. Umirap na rin nang wala sa plano.

'Kung makatitig ka, parang wala kang kasalanan sa pangsi-seen a,' gusto kong sabihin sa kanya.

Sa pangalawang irap ko na wala sa plano, umangat 'yung sulok ng labi ni Ash. Parang may sinasabi. Parang may hinuhuli. Parang may kahulugan.

O assuming na naman ako?

Takteng ngiti kasi 'yan. Ang bilis magpa-assume. Napatungo ako at hinila si bestie papunta sa restroom sa second floor.

Totoo nang naiihi ako. #

Goodbye Girl : Days To Forget (Day Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon