It was like crawling in a mud pit, pero imbes na putik, mga bangkay at dugo nila ang ginagapangan ko. Nakakadiri pero sa bawat segundong tumatagal na hindi ko nakikita ang iisa man sa mga kaibigan ko, parang sasabog na ang puso ko sa kaba... And Churchill, he shouldn't be alone specially with his leg dislocated.


Gumapang ako ng gumapang hanggang sa isang iglap ay maagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na mukha.


"W-wena?" Nanikip lalo ang dibdib ko nang makita ang bangkay niyang palatandaan ng labis niyang paghihirap. Hindi ko maiwasang mapaisip habang pinagmamasdan ang bangkay niya, parang nakikita ko mismo sa isipan ko ang mga ginawa sa kanya ng mga dentista at wala akong ibang magawa kundi maiyak nang maiyak.


Magpapatuloy na sana ako sa paggapang pero biglang naagaw ng atensyon ko ang kamay ni Wena... May nakahawak sa mismong kamay niya.


Gusto kong makita kung sino ang nasa tabi niya pero may parte sa isipan kong natatakot itong gawin, natatakot na baka mas lalo lang akong masaktan sa makikita. Pero sa huli, nanaig ang kuryosidad ko. Labis mang kinakabahan, dahan-dahan akong napatingin sa direksyon ng katabi ng bangkay ni Wena.


Gusto kong sumigaw, gusto kong idaan na lamang sa napakalakas na tili ang sobrang sakit na nararamdaman ko pero parang hangin na lamang ang lumalabas mula sa lalamunan ko. Napahagulgol na lamang ako ng napahagulgol nang makita ang bangkay ni Axel, may mga kutsilyo pang nakatusok sa katawan niya, gaya ng iba wakwak narin ang puso niya pero sa kabila nito ay nagawa parin niyang humawak sa kamay ni Wena hanggang sa huli niyang hininga.


Pumasok sa isipan ko si Cielo, anong mararamdaman ng kaibigan ko oras na malaman niya ang nangyari sa taong minahal niya sa napakahabang panahon? It will destroy her even more...


Sa sobrang sama ng loob ko ay nagawa kong makatayo habang isinasandal ang palad ko sa mga bangkay. Hindi ko na kaya pang manatili rito kaya nilunok ko na lamang ang lahat ng moralidad na meron ako at binalewala ang mga bangkay na naapakan ko hanggang sa tuluyan akong makarating sa dulo ng kalsada kung saan wala nang mga bangkay.


Sa huling pagkakataon napalingon ako sa direksyon ng bangkay nina Axel at Wena...


Maliban kay Cielo, nakakapanlumo ang maaring reaksyon ng mga magulang nila. Sa isang iglap dalawa sa mga anak nila ang nawala sa napakasakit na paraan. Dalawang mga anak na pinalaki ng buong pagmamahal at pag-aaruga, na pinrotektahan sa lahat ng mga bagay na makakasakit sa kanila.


Hindi ko mapigilang mapaisip sa mga magulang ko. Noong bata pa ako, takot na takot akong masugatan kasi pagagalitan ako ng mga magulang ko pero habang tumatagal naintindihan ko kung bakit sila ganun, kasi ayaw nila akong masaktan, kasi gusto nila akong magtanda. Nang magka-dengue ako ilang taon na ang nakakaraan, nakita ko sina Mommy at Daddy na umiiyak habang nasa ospital ako, they cried more than I did when blood started flowing out of my nose and tubes. At nung mga oras na kinailangan akong 'wag pakainin at painumin ng tubig ng mga doktror, I could tell my parents were in much pain instead of me. I don't want them to get hurt again, I don't want them to get hurt because of me but what can I do? I want to go home, I want all of us to get home and hug our own parents again but none of us even know how.


"Get your shit together, you can do it Dana. For Mommy and Daddy... For all our parents." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko. I can't give up now, Churchill's still there, Shem could be anywhere, Raze and Cielo are here somewhere.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now