Kabanata 41

151K 3.8K 170
                                    

Hate me more

Nagising ako dahil sa tuloy-tuloy na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako sa digital clock sa gilid ko and it's already pass midnight.

Napalingon ako sa bintana at rinig na rinig ang lakas ng ulan mula sa labas.

May bagyo ba?

Tinungo ko ang pintuan at binuksan ito. Tumambad sa akin si Tulip. Ngumiti ako sakanya pero nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin.

"It's late.. why are you still up?" Tanong ko sakanya at pinagbuksan siya ng pinto pero hindi siya pumasok.

"May kasalanan ako sa'yo.." mahina niyang bulong pero sapat na para marinig ko.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?"

"Evander went here..begging our cousins. Gusto ka niyang makausap pero ayaw nila Adrian. Muntik na siyang bugbugin nila Dos pero pinigilan namin sila. Buti nalang nagpapigil. He was sick.."

Bawat katagang sinasabi niya ay tumatatak sa akin. Kahit wala ako doon ay parang nakikita ko sa utak ko kung anong nangyari and just thinking about it makes my heart go through the same pain again.

"Sinasabi ko sa'yo 'to kasi.. naaawa na ako sainyong dalawa and you know you're my best cousin, right?" Tumango ako ng wala sa sarili sa sinabi niya.

"Okay.. thank you, Tul." Mahina kong bulong at tatalikod na sana nang pigilan niya ako ulit.

Liningon ko siya. "Ano?" May hindi pa ba ako alam? Kinakabahan ako sa tingin na binibigay niya sa akin.

"May isa pang problema."

Hinarap ko siya. Ramdam ko ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako na baka may nangyari sakanya.

"What? Go straight to the point." Saad ko.

Napakagat siya sa labi niya. "Evader is still outside our house. Alice and I tried convincing him to go home pero ayaw niyang makinig. Alice contacted Sky and he went here already para sunduin si Evander pero ayaw pa rin niya, instead siya ang nag pauwi kay Sky. Agatha scared him that he'll shoot him pero wala pa rin. He only wants you. Alam mo naman 'yon. Matigas ang ulo. Basang basa na siya.."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at nag madali akong tumakbo pababa ng hagdan. I didn't even bother to get an umbrella or a jacket. He's sick!

May sakit din ata siya sa utak!

He's crazy!

Mababaliw din ako kung hindi siya titigil sa mga ginagawa niya.

Binuksan ko ang pintuan ng mansyon at natigil ako nang makita siyang nakaupo sa gilid ng sasakyan niya. Nakasandal siya sa gulong habang tuloy tuloy ang bagsak ng ulan. He was wearing a white shirt and a pajamas and he's already soaking.

He look so tired and sick.

Kinurot ang puso ko dahil doon. Naninikip ito unti-unti habang pinagmamasdan siyang ganito. This is so unfair! Dapat mas nasasaktan ako. Dapat ako yung nagdurusa pero bakit ganito? Bakit ganito siya?

I should be the one who's in pain.

"Bilisan mo nalang.. baka magising sila Kuya. Dadami ang pipigilan natin kung nagkataon." Ani Tulip at iniwan na ako doon.

Humakbang ako palabas at naramdaman ko na din ang ulan sa sariling katawan. Unti-unti ay nabasa na rin ako ng ulan. Kanina pa ba siya nandito? How long? Hindi tumigil ang ulan simula nang pag-uwi ko and it's already pass midnight!

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon