Chapter 1 ♥

Magsimula sa umpisa

"And who the hell are you?" Mataray na tanong sakin nung babaeng mukhang maldita na nakaupo sa may first row. Para siyang si ateng guard, wagas kung maka-make-up.

"Student." Sagot ko. Student naman talaga ako. Saka, huwag nya kong ini-english-english ha! Anong akala niya sakin? Bobo? Hello. Matalino kaya ko kahit mahirap lang ako.

She gasp tapos tumayo pa siya na parang di makapaniwala. "Oh, really? I can't believe it! Paano ka naging student dito? You're like a maid." Nagtawanan ang buong klase.

Aba, aba! Namumuro na tong babaeng 'to ah. Wag nyang sabihing mayaman siya eh hindi ko na sya papatulan?

Hindi ko muna pinansin iyon at tuloy tuloy ako pumasok at umupo sa huling row.

Pagkaupo ko, kakaiba na naman ang tingin nila sakin. Masama.

Kinalbit ako nung babaeng nasa unahan ko, "Reserve seats yan." Sabi nya tapos tinuro ung nakasulat sa tatlong bakanteng upuan kasama na ung inuupuan ko ngayon. Nakalagay, reserve seats.

May ganong effect pala dun? Nilibot ko ang tingin. May ilan pang bakante pero ang sasama naman ng tingin nila.

Kinalbit ulit ako nung girl sa unahan ko. "Dito ka nalang sa tabi ko."

Waaa, ang ganda niya. Nakangiti pa siya sakin. Ang swerte ko naman pala at may mabait pang nilalang sa room na ito.

Lumipat na ako ng upuan sa tabi niya. "Uy, salamat ah." Sabi ko.

She smiled again. "It's okay. By the way, I'm Janna."

"Ako naman si Chelsea. Salamat talaga ha?"

"Alam mo, huwag mo nalang pansinin ang sinasabi nila." Tinuturo niya ung nagtaray sakin kanina.

"Wag ka din papayag na inaapi ka. Okay?" Paalala pa niya.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Oo naman! Ako yata si Chelsea Torres!"

Tumawa si Janna. "Nakakatuwa ka naman Chelsea."

"Hehe," gawin ba akong clown?

Natigil ung kwentuhan namin nung dumating na yung prof. "Goodmorning everyone! I know, familiar na ako sa ibang narito since dito din sa SWU nag-highschool ang iba. At ang iba, newbie palang. Kaya mas mabuti if you'll introduce yourself one by one."

Hala? Papakilala pa? Kahiya.

Tumayo na yung maarteng nagtaray sakin kanina. "Hello, I know you know me guys, one of the most popular student here in school, I'm Angel Sabina, who owns the beauty of a real angel."

Aba't, ang kapal din ng mukha ng bruha. Wew! Natapos na ang first row ng biglang nagsigawan ang buong klase except yata samin ni Janna at ng mga boys.

May tatlong lalaki palang papasok sa classroom namin at nang makita ko sila, it's WOW! Ulam!

Saang planeta nanggaling ang nag-gagwapuhang mga lalaking ito? Oh my dyi talaga!

"I love you Kyle!"

"I love you Lance!"

"I love you Adrian!"

Yan ang sigaw ng mahaharot kong classmate. Sabagay, diko naman sila masisisi. Habang nakatingin ako sa kanila papasok sa room, parang slow motion effect tapos kumikinang. Parang si edward cullen lang. Hakhak.

Ang iingay pa rin ng girls dito hanggang makaupo sila sa hulihan. So kanila pala yung reserved seats sa likod ko.

Teka? Sa likod ko? Kyaaaaa! Nahiya ako bigla. Aysss! Never pa'ko na-inlove pero ngayon palang ako namangha ng bongga sa beauty ng isang lalaki.

Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang sabihin sa isip ko na, Hmmm, yummy!

Haha. Nescafe lang?

"Now, continue class. Tama na ang hiyawan." Sabi nung prof.

Ako naman hawak hawak ko pisngi ko para mapigilang tumingin sa likod. My golly! Dalaga na talaga ako, nakerengkeng na ako.

Hindi ko namalayan si Janna na pala nagsasaita.

"Hi guys. I'm Janna Ruiz. Hope we'll all be friends. I hate maarte, so bitches, back off."

Natawa naman ako sa mataray niyang pakilala. Hehe. Palaban rin 'tong si Janna. Ako na pala.

Hindi pa ako nagsasalita, nakikisabat na sila.

"Boo!"

"No need to introduce yourself bitch!"

"She's like a maid, god!"

"Is she really a student here?"

"Paano yan nakapasok dito?"

"Ang dungis dungis niya."

Wow ha! Sabihan nakong mahirap pero yung madungis, hindi ko mapapalampas. "Excuse me lang ha. Ako si Chelsea Torres.  Para sabihin ko sa inyong lahat, scholar po ako kaya nakapasok ako sa school na ito. Isa pa, oo mahirap lang ako, hindi kasingganda ng suot niyo ang suot ko, pero hindi ako madungis."

Tahimik silang lahat.

Tumingin ako sa mataray na si Angel na pasimuno sa lahat. "At ikaw, sa ugali mong iyan, mas madungis ka pang tingnan sakin. Tingnan mo nga yang mukha mo, ilang kilong harina ba nilagay mo diyan? Sobrang puti pero yung braso mo hindi naman ganon kaputi, pantay-pantay din pag may time."

Nagtawanan ang buong klase lalo na ang mga lalaki. Si Angel naman parang umuusok na ang ilong sa galit.

Ngumiti ako. "Kaya kahiya-hiya man sa inyo, hayaan niyo kong mag-aral dito dahil nagsisikap ako para sa sarili ko. Kaya kung ako sa inyo, sa halip na kalandian at pagpapaganda ang inaatupag niyo, mag-aral na lang kayo."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa prof. "Sorry po Ma'am kung masyadong mahaba ang speech ko. Thank you po."

Umupo na ako at nagulat ako ng nagpalakpakan ang iba kong classmate kasama na si Janna na ngiting-ngiti sakin.

"I like your power girl! Ang bongga mo." Niyakap pa niya ko.

"Nakakainis kasi sila."

"Hayaan mo na sila okay? From now on, we're friends na kaya lagi na tayong magkasama."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Janna. Nakakahiya.

"Hindi ba nakakahiya."

"Ano ka ba? Wala pa din naman akong friend dito, hindi din naman ako dito nag-highschool. Pero dito ako nag-elementary. Isa pa, hindi ko feel ang maaarte nating classmate kaya every breaktime, sakin ka sasama. Okay?"

"E, sige."

Nakakatuwa naman si Janna, ang swerte ko talaga! Bukod sa nakapasok ako sa isang sikat na school, nagkaroon pa ako ng kaibigan na maganda at mabait. Hindi siya mapagmataas kahit mayaman siya. Nagdaldalan na lang kami.

Nagtataka nga ako bakit hindi nagpakilala yung tatlong guwapong lalaki sa huli. Ay ewan!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!