Prologue

747 16 6
                                    

  
Nayayamot na tiningnan ko ang lalaking kaharap ko ngayon. Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nginisihan niya lang ako na para bang tuwang-tuwa siya sa lahat ng nangyayari.

"Hija, I know its so sudden but we are telling you the truth. You are part of our family." Sabi noong may edad na lalaki na katabi nong kinaiinisan ko ngayon.

Napahinga ulit ako ng malalim. Kagigising ko lang kanina ng mabulabog ang buong barangay namin ng dumating ang mga dayong to'. At heto pa, literal na buong barangay talaga namin.

Konti lang naman kasi kaming mga nakatira sa islang ito kaya alam agad ng lahat kung anong nangyayari. Ang kinaiinis ko lang, basta-basta nalang sila pumasok sa bahay namin at sinabing ako daw ang nawawala nilang anak.

Na may bonus pa galing doon sa payatot na lalaki na parang hindi pa nga ata natutuli na, "Ikaw ang may kasalanan kung bakit virgin pa rin ako hanggang ngayon Layza!"

Eh di nagising ang buong diwa ko. Kaya heto kami ngayon at naghaharapan lahat sa maliit naming sala. Katabi ko sa kaliwa ang Nanay habang sa kabila naman si Tatay.

Sa harap namin iyong payatot na katabi iyong may edad na lalaki na nakahawak naman sa isang magandang babae na panay lang ang tingin sa akin at luluha ulit. Ang weird nilang lahat promise.

"And I know, you were just adopted. Nakita ka lang nila sa may dalampasigan. They rescued you, but you can't remember anything kaya hindi ka nila agad naisuli sa amin." Sabi ulit noong may edad na lalaki.

"Nai-report po namin sa kina-uukulan na may nasagip po kaming dalagita noon. Pero ni isang anino noon ng kanyang kapamilya wala kaming nakita. Tapos ngayon na tatlong na ang lumipas, tsaka kayo susulpot. Aba! Hindi naman ata tama yan." Sabi ni Tatay.

"At tsaka isa pa, malay ba namin kung nagsasabi kayo ng totoo." Dagdag ni Nanay.

"She's our daughter! You cannot do this to us. We've been deprived for 3 years without her." Umiiyak na naman yong babaeng maganda. Naawa naman ako ng konti. Pero kahit may hinala na ako na siya yong totoo kong ina, ayaw kung tanggapin sa sarili ko.

Ayokong sumama sa kanila, period. Dito na ang buhay ko. Sila Tatay at Nanay na ang tinuri kong mga magulang. Nagdamdam din ako sa kanila dati. Bakit hindi nila ako hinanap. Bakit wala akong narinig mula sa kanila. Tapos ngayong tanggap ko nang hindi ko na talaga sila makikita ulit, heto sila at guguluhin na naman ang pinaghirapan kung pag-aayos sa buhay ko.

Hindi madali ang magkaroon ng amnesia at ni hindi mo pa kapamilya yong kasama mo. Wala akong mapagtanungan man lang, ni pangalan ko sila pa ang nagbigay sa akin.

"Dala namin lahat ng mga katibayan na kami nga ang mga magulang niya." Sabi noong sa hinala ko ay yong totoo kong ama.

"And we looked for you Layza, we really did. Talagang hindi lang ganoon ka kadali ang hanapin ka. We searched all over the country to find you, believe me."

Layza pala pangalan ko ha? Kung dati, maubos-ubos yong oras ko kakapiga sa utak ko kung anong pangalan ko, tapos heto at walang kahirap-hirap ko lang nalaman.

"But now that we finally found you, we want you back." Prangka sabi noong magandang babae. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko sila kilala tapos, isasama nila ako? Ayoko!

"Kara?" Tumingin si Nanay sa akin. Agad akong umiling. Hindi ako sasama sa kanila.

"Nakita niyo naman po, ayaw po ni Kara na sumama sa inyo." Sabat ni Tatay.

Lalong napaiyak naman yong magandang babae. Tumayo ito at lumapit sa akin. Wala akong magawa nang ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya.

"Honey, I missed you so so much. Mommy was happy enough when I heard the news that you are still alive even if the investigators are not yet sure where to find you. I never lose hope to see you again, to touch you like this and to kiss you like this."

Hinalikan niya ako sa noo. Naramdaman ko ang pangungulila niya para sa anak nitong nawalay. Pero ako naman yong mangungulila kapag sumama ako sa kanila at iwanan sina Nanay at Tatay.

"Pasensya na po. Ayoko po talagang sumama sa inyo." Napabitaw naman agad yong magandang babae sa mukha ko noong marinig niya ang naging sagot ko.

Napahagulgol itong yumakap sa asawa nito. Nakagat ko ang aking labi. "Pero pwede naman po siguro kayong bumisita-sita dito." Pampalubag loob ko sana kaso mas lalo lang itong sumiksik sa asawa nito. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin.

"Layza, you're still heartless as ever. Di na ata nawala sa sistema mo kahit nagka-amnesia ka pa. Di ka ba naaawa, gusto mo pa ata lumuhod Mommy mo sa harapan mo sumama ka lang sa kanila."

Sumabat na yong payatot na kanina lang pinagmamalaki yong pagiging virgin niya. Tinaasan ko ito ng kilay. May pakiramdam akong hindi ko ito kapatid kasi hindi naman niya kamukha yong mga kasama niya.

So sino to sa buhay ko dati?

"Na-basted ba kita dati?" Makapagsabing heartless naman kasi, parang may pinaghuhugutan lang.

"Oo, you witch! And you're so damn proud of it." Galit na ito. Hindi na ata naisip yong mga kasama namin.

"Pasensya na. Baka hindi lang kita type dati." Pero kahit naman ngayon, di ko pa din siya type. Sobra niyang payatot na baka malipad nalang siya sa hangin bigla.

Umingos lang ito at matalim akong tiningnan. "Wala akong pakialam. Basta virginity ko, kunin mo!" Ayan na naman siya. Tiningnan lang siya ng isang beses noong matandang lalaki at nanahimik na ulit ito sa tabi niya.

Gusto ko tuloy asarin, makabawi man lang sa sinabi nitong heartless sa akin. "Tuli ka man lang ba?"

At doon na siya tuluyang sumabog. Tumayo at itinuro ako. "Wala ka pa ding puso. Sana kinain ka nalang ng pating noong lumubog ang barko." Umalis ito ng walang lingon-lingon.  Natameme ako sa narinig. Ang walang hiya, makikita niya.

Past WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon