Chapter One - Part One

9.1K 61 0
                                    

"ANO KA ba, Sabrina Ramirez? Tama na nga 'yang pagmumukmok mo dyan. Kapag hindi ako nakapagpigil, susugurin ko ang lalaking 'yon!" naiinis na sabi ng kaibigan ni Sabrina na si Kurt.

"Hindi mo naman ako masisisi, Kurt. Mahal ko 'yong tao at naghiwalay lang kami dahil sa napakaliit na dahilan, kaya kung pwede lang, intindihin mo na lang ako," anniya.

Lalo itong nainis habang pinagmamasdan siyang nagmumukmok sa sofa ng boutique niya. Childhood best friend niya si Kurt Harris Buenaflor. Bata pa lang sila ay lagi na silang magkasama kaya madalas silang napagkakamalang magkasintahan. Magkapitbahay sila sa Meadows Ridge Subdivissionsa Makati. Isa siyang fashion designer na nakapagpatayo na ng sariling boutique na pinangalanan niyang "Simply Me" samantalang si Kurt naman ay isang sikat na photographer sa pinakasikat na magazine sa bansa. Magkaugnay ang nature ng propesyon nila. Magkasundong-magkasundo sila sa tawanan, asaran, at kalokohan. Nakakatuwang isipin na isa sila sa mga mag-best friend na hindi nagkaroon ng romantic feelings para sa isa't isa dahil magkapatid lang ang turingan nila.

  "Ewan ko ba sayo. Ano ba kasi'ng nagustuhan mo sa uggoy na yon? Eh, wa ngang panama sa kagwapuhan ko ang lalaking yon," anito. "Oo na, ikaw nang guwapo. Pero guwapo rin naman si Reggie, ah. At mahal ko yon," pagtatanggol niya sa kanyang ex-boyfriend.

 "O, siya sige na. Mahal mo na siya. Umayos ka na dyan dahil baka dumating na costumers at mapaurong pa kapag nakita 'yang hitsura mo." Inismiran ni Sabrina ito, pero kumilos na rin siya para ayusin ang sarili. Pinahid niya ang kanyang mga luha at nag-retouch nang kaunti. Maraming nagsasabing maganda siya. Simple lang naman ang hitsura niya pero malakas daw ang dating. Mabilog ang mga mata, may matangos at maliit na ilong, at may manipis at mapupulang labi. May malalim na din siyang biloy sa magkabilang pisngi na kitang-kita kapag ngumingiti siya.

Lumapit siya sa kanyang mesa at inayos ang mga brochure na nagkalat doon.

  "Nag-busy-busy-han ka na naman. Ang babaeng 'to talaga, 'sarap kutusan paminsan-minsan," nakatawang sabi ni Kurt. "Sige na nga, aalis na ako. Aasikasuhin ko muna ang trabaho ko at sana tapusin mo na din 'yang kadramahan mo, ha." Akmang aalis na ito nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang lalaking dahilan ng pagmumukmok niya---Si Reggie, ang ex-boyfriend niya. Natulala siya. Hindi Nniya naiwasang magbaliktanaw sa nangyari sa kanila...

When Two Hearts Feel The Same WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon