Chapter 1

5.5K 71 3
                                    

Chapter 1

"See you next week?" tanong ko kay Neal matapos humalik sa pisngi nito. Isinabit ko na sa balikat ko ang shoulder bag na dala at hinawakan na ang knob ng pintuan ng sasakyan ng binata.

"Yeah, sure. My place or yours?" nakangiti ng pilyong tanong ni Neal.

Tipid naman akong napangiti. "I'll just text you then. Bye!" bumaba na ako ng tuluyan sa sasakyan ni Neal at binuksan ang gate ng bahay ko. Bago tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko pa ang sasakyan ng binata na nanatiling nakatigil, hinihintay na tuluyan akong makapasok sa loob bago nito paandarin muli ang kotse.

Pahinamad akong naupo sa sofa nang makapasok sa bahay. Mabilis na napasulyap sa relo na nakasabit sa pader sa may hagdan patungong silid ko sa taas. It's already 2:00 A.M., may pasok pa ako mamayang last shift sa trabaho kaya kailangan ko na ring magpahinga. Mabuti pa si Neal na restdays ang weekends, samantalang ako may trabaho pa.

Nagpalit na lamang ako ng pangtulog at nahiga na rin sa kama. Hindi na kailangan mag-shower pa ako dahil nagawa ko na 'yon kanina sa pinanggalingan namin ni Neal.

Wala pang limang minuto akong nakahiga at naghahanap ng antok nang tumunog ang cellphone na inilapag ko kanina sa bedside table. Hindi ko pa man nakikita ang text message, alam ko ng galing ito kay Neal.

"Nasa bahay na ako. Mag pahinga ka na. Good night, Ariya."

"Ikaw rin. Good night. "

Walang kasiyahan ang ngiting bumakas sa aking mga labi habang tinitingnan ang paraan ng palitan namin ng mensahe. Kung susuriing mabuti, walang mababakas ni katiting na emosyong katulad ng pinagsaluhan namin kanina. Kung ibang tao ang makakabasa nitong palitan namin ng text messages, sasabihin ay simpleng pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa aming dalawa ni Neal. Oo nga, pagkakaibigan nga at higit pa. Isang bagay na higit pa ngunit walang ibang nakaka-alam maliban sa aming dalawa. Isang sikreto na walang ibang nakakapansin sa mga taong nakapaligid sa aming dalawa.

NASA loob na ako ng aking opisina. At dahil wala naman gaanong gagawin ngayon dahil lunes na naman kung saan karaniwan kapag ganitong araw ay chill lang kami, naisipan kong magbukas ng Facebook. Hindi naman siguro masama na silipin ko man lang kung ano na ba ang nangyayari sa account ko. Isa pa, ilang araw rin naman akong naging abala dahil sa isang malaking event na ginanap nitong nakaraang weekend na personal kong hinawakan upang masiguro na magiging maayos ito. Isang kasalan ng dalawang sikat sa kani-kanilang larangan ang ikinasal dito sa hotel na pinagta-trabahuan ko.

Good morning, Ariya! :)
Mabilis na nag pop-out sa window screen ko ang private message ni Neal. Napangiti na napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, parang hindi nasa trabaho at palaging online sa Facebook.

Good morning yourself, Neal. Sayang na naman ang sahod mo nyan. Ang aga mong tambay sa FB.
Dinampot ko ang kapeng dala ko nang pumasok dito sa opisina, mabagal na sinimsim ito habang nanatiling nakatingin sa monitor ng computer.

Neal dela Merced is typing...
Parang alam ko na rin ang isasagot ng binata. Sa halos araw-araw naman walang palya ang binata na batiin ako sa umaga thru chat. Hindi man kami madalas magkita nang personal, walang palya naman kung mag chat or text kami sa isa't-isa. Pwede na nga yata naming tagurian ang isa't-isa bilang bestfriends ngunit alam ko naman na meron nang umookupa sa pwestong iyon sa buhay ni Neal. Walang iba kundi ang kaibigan ni Neal since high school, si Kristine.

"May mga bago kaming trainees dito, ako ang mago-orient sa kanila mamaya kaya hindi pa ako busy ngayon." reply ni Neal.

"Wow, next level na si Mr. Dela Merced. Taga orient na sya ngayon!" pang aasar ko naman.

The ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon