Caela / Avrice Jazze' POV

It's been three days since the day I was introduced to the El Mystique world. Tatlong araw na din simula ng magpakita si Sophia saamin, pagkatapos noon ay hindi na ito muli pang naulit. At sa mga araw din na lumipas wala kahit sinuman sa barkada ang nagbanggit ng pangalan niya.

"Ang ganda talaga ni Princess Jazze noh? Bagay na bagay sila ni Prince Dashiell."

"Sana kasing ganda din niya ako."

"Ang sweet nila. Hihihi."

Ilan lang yan sa mga komento na naririnig ko mula sa mga kapwa ko estudyante. Simula kasi ng ipakilala ako sa lahat, naging iba na din ang trato nila saakin. Masaya ako dahil halos lahat sila tinanggap ako bilang prinsesa nila. Pero siyempre hindi din naman maiiwasan ang mga negatibong komento mula sa iba.

Nagpapasalamat din ako dahil sinusuportahan nila yung relasyon namin ni Dashiell. Lalo na sina Mama at Papa, sobrang masaya sila para saakin. And I feel contented with that.

"Narinig mo yun? Bagay daw tayo. At ang ganda mo daw, baby ko." Bulong ni Dash saakin. At oo! Magkasabay kami ngayon, actually last three days ago pa, na lagi kaming magkasama. And I must say 'my Dashiell' is so clingy, ngayon nga nakakapit na naman yung mga braso niya sa bewang ko. At ako bilang mabilis kiligin, gustong-gusto ko ang pagiging ganito niya. Basta siguraduhin lang niyang saakin lang siya clingy, kundi puputulin ko talaga yung dalawang braso niya. Tapos gaganutin ko lahat ng buhok niya sa ulo. Maisip ko lang na may iba siyang babaeng pinapakitaan din ng kasweetan, umiinit yung ulo ko. I love him so much, that I don't want him out of my life.

"Nanlalaki na naman 'yang butas ng ilong mo, baby." Natatawang bulong niya pa saakin.

"So pangit na ako niyan ngayon sa paningin mo?" Kunwari ay nagtatampong tanong ko sa kanya, habang patuloy pa rin kaming naglalakad papunta sa classroom.

He, then suddenly stopped and look at my eyes.

"Siyempre hindi. Dahil kahit kailan hindi ka naman naging pangit sa paningin ko. You are the most beautiful, pretty, gorgeous, attractive lady I've ever seen. Pero hindi kita minahal dahil maganda ka. Mahal kita dahil mahal kita. Period." Seryosong sabi niya saakin. Ramdam kong namumula yung buong mukha ko. Nagbibiro lang naman kase ako pero sineseryoso niya. Kinikilig tuloy ako!!! Aish.

"I love seeing you blushed baby and I love you more and more each day." Nakangising sabi niya saakin bago kinintalan ng mabilis na halik ang labi ko. Natampal ko tuloy yung labi niya, nakakagulat kasi! Nginisian lang naman ako ng napakagwapong boyfriend ko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!