*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 34: Missing Piece

Third Person’s POV

Nanggagalaiti sa galit si Ivan Crone ng malamang malamig na bangkay na lamang ang kanyang ama. Ang nag-iisang pamilya na natira sa kanya. Nakakulong lamang siya sa kanyang kwarto at nakatingin sa kawalan. Hindi siya sumama sa libing ng kanyang ama dahil hindi niya pa rin matanggap na patay na ito. Ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal, ang nagturo sa kanya ng lahat ng bagay ay pinatay ng kinamumuhian niyang nilalang sa buong mundo at ang dahilan kung bakit mag-isa na lamang siya ngayon...

Malakas ang hampas ng ulan sa bintana ng kanyang kwarto at patay sindi din ang ilaw dahil sa masamang panahon. Malakas din ang kulog at pabadya-badyang pagliwanag galing sa labas dahil sa kidlat…

Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok. Wala na siyang pakealam sa mga oras na ito. Parang tinangay ang kanyang kaluluwa at wala na siyang maramdaman pa…

“Hindi ka man lang ba magbibigay galang, Ivan Crone?” napatunghay siya at agad na napatayo ng malamang ang Supreme Commander pala ang pumasok sa loob ng kwarto niya. Nag-bow siya at iniwasan ang mga titig nito sa kanya. Sa pustura pa lang ng Supreme Commander ay talagang makikita mo na siya ay makapangyarihan....

“Ipagpaumanhin niyo po Supreme Commander” at muling nag-bow si Ivan...

“Alam kong nagdadalamhati ka sa pagkamatay ng iyong ama pero hahayaan mo na lang ba na mamatay siya ng ganun ganun na lang?” Syempre ay hindi. Hindi makakapayag si Ivan na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. Naiyukom niya ang kanyang palad at binigyan ng determinadong tingin ang Supreme Commander...

“Ipaghihiganti ko si Dad. Siguradong may kinalaman ang Van Walker na ‘yun sa pagkamatay ni Dad” at si Cross. Malamang ay may kinalaman si Cross. Ang sabi niya sa kanyang isip. Ni hindi man lang sumagi sa isip niya si Israel Walker na siya naman talagang pumatay sa kanyang ama...

“Tama. At simulan mo na ang paghihiganti mo sa pamamagitan ng pagbawi sa apo ko” napatingin naman si Ivan sa Supreme Commander. Hindi na siya nito inintay na magtanong at tuloy lamang sa pagsasalita... “Bawiin mo ang apo ko kay Van Rei Isaac Fenier Walker, ito na ang panahon para malaman niya kung saan talaga siya nabibilang”

“Hindi po ba kay Cross ang misyong iyon?”

Biglang sumama ang aura ng Supreme Commander at walang nagawa si Ivan para itikom  ang kanyang bibig. Nasa harapan niya ang pinakamataas sa kabuuan ng Vampire Hunter Clan at nararapat lamang na mag-isip muna siya bago magbitiw ng mga salita dahil masamang magalit ang isang Nicolas Raven...

“Napakatagal na misyon na iyon ni Cross pero hangang ngayon ay hindi pa rin niya nagagawa. Nauubusan na ako ng pasensya, kailangan ko na ang apo ko. Masyado na siyang napapalapit sa bampirang ‘yun”

Tumango naman si Ivan bilang sagot. Isang mabigat na misyon ito pero malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili na kaya niya itong gawin...

“Mauuna na ako sayo Ivan Crone, sisiguraduhin mong maibabalik mo sakin ang apo ko ng buong-buo” 

Muling nag-bow si Ivan at tiningnan lamang na umalis ang Supreme Commander bago siya sumalampak sa pagkakaupo sa kanyang higaan...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!