"Sky, let's take a selfie together dali! Hihi." sabi ko kay Sky na busy rin sa cellphone niya.

"Alright." sagot niya sabay lumapit sa akin at ngumiti din sa camera. Ni-click ko yung capture button then agad ko na itong ni-post. With the capture, 'On the way to Eastwell!'. Agad namang may nagfavorite nun. Within a few seconds ay 50 to 60 na agad ang favs.

Nang mag-angat ako ng tingin kay Dad ay pasulyap-sulyap siya ng tingin sa amin ni Sky habang nakangiti. Natutuwa kasi siya sa turingan naming magkapatid. Bukod kasi sa magkapatid, bestfriends din ang turingan namin. Kahit na marami kaming pagkakaiba. Sky is 16 years old. She's a Grade 10 student.

Nang makarating kaming Eastwell ay nag-goodbye kiss na kami kay Dad at sabay pumasok ng building.

"So, see you around na lang sis." pagpapaalam ko kay Sky.

"Yep. See you around." sabay naglakad na siya pakaliwa papunta sa room niya. At ako naman ay umakyat pa sa next floor kung nasaan ang room namin.

Habang naglalakad ako sa hallway ay tumingin ako sa relo ko. Well, 7:18 am pa lang naman. At 7:30 ang ring ng bell. Kaya hindi pa ako late.

Nang makarating ako sa tapat ng room ay agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakita ko si Aleyna, Storm at...Tss. Si Gab na nagkukumpulan. As always. They're my bestfriends. But si Aleyna ang pinakaclose ko. You know? Girls.

Aleyna is the first daughter of Tita Maddie & Tito Eirol. Si Storm ay ang first son ni Tita Andy & Tito Drex. At si Gab naman ang only child ni Tita Leen & Tito Gian. Anak sila ng mga bestfriends ni Mom at Dad. Kaya dahil sa madalas na gathering ng mga parents namin ay naging close kami sa isa't-isa.

Lumapit ako sa kanila. At umupo muna ako sa tabi ni Aleyna.

"Goodmorning guys." nakangiti kong bati sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin kwera lang kay Gab. Tss. Kanina nakikipagtawanan pa siya kila Aleyna at Storm. Ngayong dumating ako akala mo biyernes santo ang mukha niya. Well, like I care?

"Goodmorning, Cha." bati ni Aleyna.

"Goodmorning." bati ni Storm. Pero si Gab deadma lang sa akin. Tss. Ewan ko sa kanya. We're friends...Hmm. Friends nga ba kami? I dunno. Basta ang alam ko we hate each other. Lagi niya kasi akong sinasabihan na maarte. Ni wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Mabait siya kila Aleyna at Storm saka sa iba. Sa akin lang hindi. Well, magpinsan naman kasi sila ni Aleyna. Si Tito Gian kasi at Tita Maddie mag-half siblings. Kaya cousins sila. Wait? May word bang half-cousins? Hahaha!

"Tss. Anong good sa morning?" bulong ni Gab na inirapan ko lang.

"So, what's your topic guys?" pag-iiba ko ng usapan. Ayoko ng patulan itong si Gab at baka dumanak ng dugo dito. Hahaha! Chos. Asa namang patayin ko ito. I'm not a murderer. Pero nung makilala ko si Gab? I think I'm gonna be one.

"Well, wala naman. Nakikinig lang kami sa kinukwento nitong si Gab. Nakakatawa nga eh." sabi ni Aleyna sabay natawa.

"Really? Ano yun? Looks interesting." nakangiti kong sabi.

"Ito tanungin mo si Gab nang makwento niya sayo." tumatawa ding sagot ni Storm.

"Ano yung kinuwento mo? Parinig naman." nakangiti kong sabi. Pero nakadirekta lang ang atensyon niya sa libro. Tumingin lang siya sa akin ng isang beses tapos binalik ulit ang atensyon sa libro niya.

"Uyy, Gab. Ikwento mo kay Cha bilis!" sabi ni Aleyna sa kanya sabay siko sa tagiliran niya.

"Ayoko wala na ako sa mood." sagot niya. Napairap naman ako at padabog na tumayo.

"Edi wag! Tse!" sabi ko sabay martsa papunta sa pwesto ko. Tss. Nakakasira talaga ng araw ang Gabriel Ashter na yan. Kung ayaw niyang iparinig sa akin ang kwento niya, edi huwag! Wala naman akong pake! Alam ko namang walang kwentang bagay lang yun.

Nang dumating ang teacher namin ay nagsimula agad itong maglecture. At dahil nababagot ako, pasikreto kong nilabas ang cellphone ko at nag-facebook. Hihi.

Maya-maya pa biglang nagring ang cellphone ko. Displaying Gab's name. Huh? Nagtext siya? Why the hell would he text me? Well. Nagtataka kayo kung bakit ang OA ko kung makareact no? Eh kasi ngayon lang yan nagtext sa akin. Kahit kailan hindi yan nagtetext sa akin. As in ngayon lang talaga. Kahit na we have each other's number. Tss. At bakit ko naman siya i-tetext kung sakali? Para magsayang ng load? Heck. No!

Kaya nga dahil sa curiousity ay ni-open ko ang message.

_

From: Gab the Lucifer

  You're busted, Cha. ;)

_

What? Busted? I'm busted? And what's with that wink emoticon?

Taas kilay naman akong tumingin kay Gab. At mukha talaga siyang si Lucifer sa evil smirk niya ngayon. Kulang nalang talaga sungay at buntot.

"Miss Montereal. Give me your phone." napatingin naman ako sa teacher namin na nasa harapan ko na pala. Nakalahad na ang kamay niya.

Oh. Now, I know what he means by that! At alam ko na rin kung bakit niya ako tinext. Ugh! He texted me on purpose! Para makumpis ang cellphone ko.

Inabot ko naman sa teacher namin yung cellphone ko.

"Now, get out of my class." labag sa loob naman akong tumayo at nagmartsa palabas. Pero bago ako lumabas tumingin ako ng masama sa demonyong Gab na yun. At ngayon ay tumatawa na siya ng pasikreto.

Lumabas naman na ako ng room at tumayo sa gilid ng pinto. At doon ako nagmura ng nagmura.

Arghh! Bagay na bagay talaga sa kanya ang pinangalan kong Gab the Lucifer sa contacts ko. That jerk. Ugh! He'll pay for this.

***
(Chandra's photo on the gallery...)

TOD 3: Truth and Dare (New Generation) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon