Chapter 28 - Pahiya Mode

86.8K 1.7K 25
                                    

Humahangos na bumungad si Manong Randy kasama nito ang limang Pulis at tatlong guwardiya. Jenna texted manong Randy na tumawag ito ng pulis.

"Ano pong nangyari mayor?" tanong ng isang pulis.

Nagtatanong na tumingin ang mga ito kay Caleb at Jenna ng makita ang dalawang lalakeng nakabulagta sa sahig.

"Itong mga taga planet Namek na to kuya pinagtangkaan si Mayor pero ng makita nila ang kagandahan ko nangisay sila sa sahig." papilosopong sagot ni Jenna.

Napakamot sa ulo ang pulis at bumaling kay Caleb.

Si Caleb na ang nagpaliwanag sa mga pulis habang prenteng nakahalukipkip lamang si Jenna sa gilid.

Ng magising ang dalawang suspects ay humingi ito ng tawad sa Caleb. Tinanggal daw umano ang mga ito sa trabaho ng Municipal Engineer sa ginagawang project sa bayan.

Dahil sa hirap ng buhay ay naging desperado kaya naisipan ng mga itong takutin si mayor para ibalik sila sa trabaho. Kaya panay ang hingi ng mga ito ng tawad kay Caleb.

Hindi na siya nagsampa ng kaso si Caleb. Pinangako nitong aayusin ang problema at bibigyan ang mga ito ng trabaho.

"Maraming salamat ho, mayor." Halos maiyak ang mga ito.

"Wala hong anuman, sa susunod ay huwag kayong mahihiyang lumapit sa akin." Puno ng pang-unawang saad ni Caleb. Hindi tuloy maiwasan ni Jenna na mapahanga sa alkalde.

"Mayaman, check, guwapo, check, mabango, check, mabait, check, masarap? Isang malaking check. Suwerte ng magihing jowa ni mayor."

Namutla pa ang mga lalake ng makita siya, nginitian naman ni Jenna ang mga ito.

"Wow, ang bangis mo ma'am Jenna, nagawa mo talaga yun?" amazement was written all over Manong Randy's face. Lulan na sila ng sasakyan ni Caleb pauwi, nakatingin ang matanda sa kanya sa rearview mirror.

Jenna pursed her lips "Hindi, manong, exaggerated lang magkuwento si mayor."

Caleb glared at her, sinuklian naman ito ni Jenna ng isang matamis na ngiti. Hindi pa siya nakontento natatawang nag-peace sign pa siya sa binata.

"Why don't you hire bodyguards?" Suggest ni Jenna ng makaalis na ang mga pulis. Nag-aalala siya sa kaligtasan nito. Hindi naman lahat ng oras ay kasama niya ang binata.

Oras na malaman ni Tito Zion at ng kuya niya na tapos na ang misyon niya sa Sta. Monica, sa ayaw at sa gusto niya kailangan na niyang bumalik.

Kaya sasamantalahin muna niya ang pagkakataon para makasama ang binata.

"Oo nga naman mayor, matanda na ako wala na akong silbi kapag may nagtangka pa sa buhay mo." Segunda naman ni manong Randy.

"Ngayon lang naman nangyari ito, kuya, hindi naman na siguro mauulit."

"Siguro? Mas maigi na yung sigurado, mayor." Giit ni Jenna.

Caleb frowned, "no need, kaya ko ang sarili ko."

Itinirik ni Jenna ang mga mata. "Ang tigas ng ulo." Napaigtad si Jenna ng mag-vibrate ang kanyang cellphone.

Napakagat siya sa labi ng makita kung sino ang tumatawag. Lumukob ang lungkot sa puso niya, sa oras na sinagot niya ang tawag na ina ng mayor ay goodbye Caleb na ang beauty niya.

"Bakit hindi mo sagutin?" Untag ni Caleb sa kanya ng mapansin nitong nakatulala siya sa cellphone niyang umiilaw.

"It's your mom."

"Sagutin mo, sabihin mo alam ko na. Hindi na ninyo ako mapapaikot." Nang-uuyam na ngumisi pa ang binata.

Tang nestea oh, parang hiniwa tuloy ang puso niya. "Is that what you want?"

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon