Caela / Avrice Jazze.

Thirty more minutes to go, and the El Mystique world will finally know me. Makikilala na nila ako! I just hope that they will accept the truth that I'm their Mystique Princess.

"You really look like a goddess. Oh my! I'm so great." Nagniningning ang mga matang  ani Freya, a cute little fairy. She's my make-up artist, and I must say that this is really her forte. She did a great job.

Halos hindi ko rin makilala ang sarili ko ngayon. Simple braid lang ang ayos ng buhok ko, pero nagustuhan ko pa rin iyon. And she just made a light make-up on my face. Ayaw ko rin naman ng masyadong bonggang ayos. Hindi ko yata matatagalan, baka mangati lang ang mukha ko. At kung pwede nga lang 'wag na magmake-up, e. I'm not really into make-ups, kaso talagang kailangan ngayon.

"Thanks to you." Nakangiting saad ko sa kaniya.

"I'm pleased to serve you, Your Highness." Bahagya itong yumukod sa akin. Halos hindi naman ako magkaintindihan sa pagsaway sa kaniya. I don't think I'm gonna get used to it.

Tumayo na ako para magbihis. At haggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang susuotin ko. Mama said it should be a surprise. She really do loves making surprises.

I saw a big box on my bed. Sigurado akong ito na iyon. Nananatili namang nakasunod lamang si Freya sa akin.

I sighed when I saw the gown. Sabi ko kay Mama, huwag masyadong magarbo pero wala yata sa bokabularyo ng aking ina iyon. Seeing this gown right now? Mapapanganga ka na lang sa sobrang garbo, sa sobrang ganda. Madala ko kaya 'to mamaya?

"WOW! Gorgeous! Perfect!" Napapalakpak pa si Freya nang maisuot ko na 'yung gown. Saktong sakto lang sa hubog ng katawan ko. Namumula ang pisnging nagpasalamat ako sa kaniya.

"Mukha ka talagang diyosa, mahal na prinsesa." namamanghang dagdag pa niya. 

"Maraming salamat, Freya. I look great because of you. You're such an amazing fairy godmother." nangingiting sagot ko sa kaniya. Namumula naman siyang napailing dahil sa sinabi ko.

Nakarinig kami ng mahihinang katok sa pinto kaya naman naputol sandali ang pag-uusap namin.

"Sweetie?" Tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto.

"Come in, Ma." my beautiful mother entered the room, I saw Freya bowed her head before leaving.

"Happy birthday, my baby. Oh my! You're so pretty." She said while kissing my forehead.

"Thank you, Mama. You look great too." I smiled and kissed her cheeks. She slays on that white long-sleeved ball gown. Parang magkapatid lang kami.

Narinig kong muli ang pagbubukas ng pinto kaya nakuha nito ang atensiyon ko.

And right there, I saw my father, looking so handsome with his three-piece suit. Bakit ang babata ng mukha ng magulang ko? Feeling ko magkakapatid lang kaming tatlo. 

"Happy birthday, honey. You are now a full grown lady, but you will be my forever baby." Maluha-luhang sabi ni papa, pagkaraan ay hinalikan din ako sa noo.

"Thank you, Papa." I smiled sweetly and hugged him tightly. "I love you both so much."

"Are you ready?" Tanong ni Mama sa akin.

"Hmm." Marahang tumango naman ako. "Kinakabahan lang po ako para mamaya." Pag-amin ko. Hindi naman kasi maiiwasan iyon, dahil iba-iba naman ang magiging pagtanggap sa'yo ng kapwa mo.

"Be confident, honey." Sabi ni Papa at bahagyang tinap ang balikat ko.

"We have to go, sweetie. Magready ka na rin dahil maya-maya'y mag-uumpisa na 'yung event. See you later." Humalik silang muli sa noo ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!