Hit 29 ~Glances

6.6K 72 8
                                    

"Nino, alam mo ba kung nasaan ang ate mo? Gabi na wala pa siya..." tanong ng kanyang ina.

Umiling si Nino. "Hahanapin ko na lang po siya."

Nasa may gate nan g bahay nila si Nino nang matanaw niya ang isang kotse. Sigurado siyang kotse iyon ni Yano. Bumaba si Mia mula roon.

Pagkababang-pagkababa, tumakbo na agad ito papasok sa bahay. Ni hindi man lang siya pinansin.

Bumaba rin si Yano mula sa sasakyan.

"Magkasama kayo?" tanong ni Nino. "Sinusundo mo na ba si ate? Ibabalik mo na ba siya sa Village I?"

"Gagawin ko iyon, pero hindi ngayon," sagot ni Yano. Bumalik na agad ito sa kotse.

"T-Teka boss!" habol ni Nino bago pa ito tuluyang makasakay.

"Noon ko pa ito gustong itanong. Gusto kong malaman kung ano ang balak mong gawin ngayong wala na ang baby."

Walang naging sagot si Yano.

***

Nagdiretso si Mia sa kanyang kuwarto. Napaupo siya sa may sulok at napahawak sa kanyang dibdib.

Totoo bang nangyari iyon?

Talaga bang naglapat ang kanilang mga labi ni Yano?

Pero bakit? Bakit niya hinayaang halikan siya nito?

At bakit niya sinuklian iyon?

Oo, hindi iyon ang unang beses na nag-kiss sila pero kumpara sa mga nakaraang halik, ibang-iba ang pakiramdam niya ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Nagkakapuwang na ata si Yano sa puso niya.

Pumasok na uli si Mia sa school.

Naisip niya na mas makatutulong ito para gumaan ang kanyang loob. Kailangan niya rin ng kausap. Kailangang may mapagsabihan siya nararamdaman.

Sa Green house, nakausap niya si Cashmere tungkol sa nangyari sa kanila ni Yano.

Nagulat na lang si Mia nang biglang magpakita sina Monique at Rina.

Narinig ng mga ito ang usapan nila ni Cashmere.

"Kinikilig ako. Nag-improve na pala kayo ni Yano," nakangiting sabi ni Monique.

"Mukhang na-develop kana sa kanya Mia. Siguro si Yano rin inlove na sayo," dagdag naman ni Rina.

Umiling si Mia. "Imposible 'yon! Si Erika lang ang mahal ni Yano. Hindi niya ko mamahalin."

"Matagal nang wala si Erika. Isa pa matagal na naming napapansin ang chemistry n'yo ni Yano, bagay talaga kayo!" sabi pa ni Rina.

Tumingin siya kay Cashmere. Opinyon naman nito ang gusto niyang marinig.

"Wala talaga akong pakialam sa sitwasyon n'yo, pero kung mahal mo na siya susuportahan naman kita," sagot ni Cashmere.

Napangiti si Mia—pero agad niya iyong inalis. Ayaw niyang isipin nila na totoong gusto na nga niya si Yano.

"Ganito na lang. Since half Japanese si Yano, sa valentine's day gawan mo siya ng chocolate," suhesyon ni Monique.

Napaisip si Mia. "Chocolate? Sa Valentines Day?"

"Hindi magandang ideya 'yon!" biglang singit ni Cashmere.

"Bakit naman?" tanong ni Monique.

"Para sa akin, corny kung bibigyan mo pa ng chocolate ang asawa mo!"

"Corny ka riyan! Hindi corny 'yon!" depensa ni Monique.

Napangiti naman si Rina habang pinanonood ang pagtatalo ng dalawa. Ilang saglit pa, dumating sina Ivan, Yamapi, Jin, Nino at Yano.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon