Chapter 7

10 0 0
                                        

Lumipas ang dalawang araw ay hindi na ako pumasok sa school at nagaalala na si james.nakatangggap ako ng text galing sakanya.

From:James
Anikka? Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko at text?.ano ba nangyayari sayo?

To:James
Ayos lang ako nasa bahay lang.nagpapahinga.

From:James
Bakit? May sakit ka ba? Punta ako sainyo mamaya after class.

Hindi na ako nakasagot sa pagkakataon na ito kailangan ko na sabihin kay james ang tungkol sa sakit ko.

Nang hapon na iyon ay nagtext na sakin si james at nasa harap na daw siya ng bahay bumaba ako at nagpahanda ng meryenda kay manang.

pinagbuksan ko siya at dumiretso kami sa may garden para magusap habang naguusap kami ay nararamdaman ko na tumitibok ng malakas ang puso ko.at kung ano ano ang pumapasok sa isip ko kung tatanggapin niya ba ako o iiwan niya na ako kapag nalaman niya na limitado lang ang buhay ko.

"James may gusto sana ako sabihin sayo."

Tumingin siya sakin. At nagsimula na ako magsalita.

"Naaalala mo ba yung araw na binato mo ako ng bola sa ulo?"

"Oo, bakit? "

"Nagtaka ka kung bakit hinimatay kaagad ako,at namutla kasi james may sakit ako."

"Ano Sakit mo?magaling ka na ba?"

"Kung nagagamot nga lang yung sakit ko at naaagapan pero hindi bumabalik siya
kaya ko sinasabi sayo to kasi ayoko na masaktan ka. Pagdating ng panahon."

"Ano ba yang mga pinagsasasabi mo? ang makakasakit lang sakin ay yung iiwan mo ako ng hindi ka man nagpapaalam katulad nalang ng mga nakalipas na araw"

Sa mga segundong iyon ay naluluha na ako at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"James may sakit ako sa puso.
May butas puso ko."

Sa mga sandaling iyon ay napabitaw sa mga kamay ko si james at napayuko ang ulo niya.

hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya ng mga sandaling iyon.

~

Rabbit The Writer 

~

Vote & Comment

Fragile HeartWhere stories live. Discover now