"Pagkatapos mong mag-almusal pumunta ka sa studio ni Mang Ben at paki kuha 'yong solo picture ko noong mag-bridesmaid ako sa kasal ni ate Ludy."

" Hayun ,yan pala ang dahilan kung bakit ka nagmamadali." napangiting tugon ni Becky.

"No problem ate,basta ikaw ang maghuhugas ng plato buong araw,"

" Deal," natatawang tango ni Lani.Alam naman niyang hindi ito tatanggi ngunit mayroon itong kondisyon.

Nang nakakain na sila ng almusal umalis na si Becky kaya sinimulan na ni Lani ang paglilinis ng kanilang silid.

Ilang sandali lang ay narinig niya ang malalakas na yabag,patungo sa kanilang silid.Sigurado niyang nakabalik na si Becky pagkat kadalasan ay pasayaw-sayaw pa ito kapag pumapasok sa bahay nila.

" Ate, heto na ang pinakahihintay mo," sabi nito pagpasok sabay abot sa isang brown envelope.

" Ikaw talaga,sana nga maganda ang kuha ko dito,salamat" aniya.

Waiting Hearts (Filipino)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!