Chapter Three

5.3K 109 213
                                    




Nag- flashback bigla lahat kay MJ ang mga pangyayari. Umaga noong araw na iyon ay dinala ng kanilang mga kapitbahay ang mama Lily niya sa ospital dahil hinimatay ito.

(FLASH BACK)
Nasa school sina MJ at William noon. Ring! Ring! sabay vibrate ng cellphone ni MJ. Unknown number ang tumatawag. Kinabahan siya at dali daling lumabas ng klase para sagutin ang tawag. "Hello?", pagka sagot nya sa tawag. "Si MJ ba ito? Si Aling Maria ito. Wag ka sanang mabibigla MJ", sabi ng babae sa kabilang linya. "Ha? Bakit po Aling Maria? Ano pong nangyari?!", kabadong tanong ng dalaga. "Andito kami ngayon sa hospital. Ang mama Lily mo, hinimatay at tsini check pa ng mga doktor iha", sagot ni Aling Maria. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni MJ. Hindi niya alam kung anong gagawin o maramdaman. "Pupunta po ako ngayon diyan. Paki text or tawag po kung may update. Pero paalis na po ako Aling Maria.", tugon ni MJ. Pumasok ulit si MJ sa klase, "Ser, excuse lang po but I have to go. Family Emergency po", paalam niya sa kanyang professor sabay kuha ng gamit nya at madaliang umalis. Habang naglalakad pababa ng school building, tinatawagan niya ang nobyong si William sa cellphone. Naka ilang ring na siya pero hindi pa din sumasagot si William. Palabas na siya ng Campus gate ng biglang may tumawag sa kanya. "MJ!" wika nito. Lumingon si MJ sa likuran nya. Wala namang taong tumatawag sa kanya.

"Mwah!" Halik sa pisngi sabay yakap kay MJ nang humarap na ulit ito. "William! Ano kaba?!", pagalit na tugon ni MJ sa nobyo. Nagulat si William sa reaksyon ng nobya dahil hindi naman ito usually ganoon at ngumingiti nga ito tuwing sinu-sorpresa niya ang nobya. "Is something wrong mahal?", tanong ni William. "Si mama, nasa hospital ngayon, emergency.", naluluhang sagot ng dalaga. Patuloy na naglakad ang dalaga hanggang makalabas ng gate at dali daling pumara ng taxi. Sumunod na lang si William at sabay sakay sa taxi. "Anong nangyari kay mama mo mahal?", worried na tanong niya sa nobya. "Hindi ko pa din alam mahal. Dinala siya ng mga kapitbahay namin. Tinawagan ako ni Aling Maria at sabi hinimatay ito at tsini tsek pa ng mga doktor. Kinakabahan ako mahal ko.", wika ng dalaga habang patuloy ang pagtulo ng mga luha. Niyakap na lang ni William ang nobya. Hinalikan niya ito sa noo sabay sabi, "Andito lang ako mahal. Hindi kita iiwan. Hopefully okay lang si mama mo at di naman ganoon ka seryoso ang nangyari sa kanya". Niyakap na lang ni William ang umiiyak na si MJ hanggang dumating sila ng ospital.

Sa Emergency Room.

"Mama!", malakas na sigaw ni MJ. Nakita ni MJ na akma ng tatakpan ng kumot ang katawan ng mama Lily niya. Sigaw pa din ng sigaw si MJ habang patakbong umiiyak papunta sa kama ng ina. "Mama! Mama! Gumising ka mama!", nagmamakaawang iyak ng dalaga. Andun nakapalibot sa kanya si Aling Maria, si Kloyd na binatang anak ni Aling Maria at ang mga doktor at narses. Nasa likuran lang din ni MJ si William. Hawak hawak ang balikat ng nobya at awang awa sa dalaga dahil sa masakit na pangyayari. Biglaan ang pagpanaw ng mama Lily niya. Hindi ito matanggap ni MJ. Ang mama Lily niya ay walang karamdaman at wala itong kino complain na ano mang sakit or problema sa kanya. "Ano po ang nangyari dok?!", sigaw ng dalaga sa doktor. "Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya. Pero hindi na siya responsive pagka dating dito. Binigay namin lahat ng mga kailangang gamot at emergency procedures pero wala pa rin talaga. Pasensya kana, pero we have to declare her as Dead on Arrival.", sagot ng emergency doktor. Humagulgol sa pag iyak si MJ. Tumingin ang dalaga  kay Aling Maria, "Bakit hindi nyo po ako tinawagan na kritikal pala si mama Aling Maria?! Nagmadali po sana kami". "Hindi namin alam na wala na palang buhay si mare MJ. Ang buong akala lang namin ay hinimatay lang siya kaya dali dali lang din namin siyang dinala dito sa ospital. Patawad MJ.", sambit ni Aling Maria. Patuloy sa pag iyak ang dalaga. Sumabat si William, "excuse po sa inyo. Baka naman po pwede natin bigyan kahit saglit na mapag isa si MJ kasama mama niya". Naintidihan naman ito ng mga taong andoon at lumabas na din sila sa cubicle para bigyan ng oras at privacy si MJ. Akmang aalis din sana si William pero pinigilan siya ng kanyang nobya. "Mahal, dito ka lang. Samahan moko", request ng dalaga ky William. Tumango si William at niyakap niya na lang ang kanyang girlfriend. Andun lang sila sa tabi ng katawan ng mama Lily niya. Si MJ kinakausap ang wala ng buhay na mama niya. Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang nurse, "Pasensya na po. Andito na po yung mga staff ng morgi. Ililipat na po nila ang katawan ng nanay niyo po", sabi ng nurse. "Sige", sagot ng nanghihinang si MJ. Naka observe lamang sina MJ at William habang nililipat ang katawan ni manang Lily sa stretcher papuntang morgi. "Mam, may funeral arrangements po ba kayo na naka ready?", tanong ng nurse sa dalaga. Hindi agad naka sagot ang dalaga. Wala naman silang Funeral Insurance or Plan kasi hindi naman nila ito napapag uusapan ng mama niya. "Wala pa nurse. Pero babalik ako para ayusin ang labi ng mama ko", sagot ni MJ. "Mahal, samahan mo naman ako sa simbahan", sabi ng dalaga sa nobyo. "Siyempre mahal", sagot ni William sabay hawak sa kamay ng girlfriend palabas ng ER.

Pumunta ng simbahan sina MJ at William. Pinagdasal ni MJ na sana nasa masayang lugar na ang mama niya. Kwinesyon din niya ang Diyos bakit nangyari ito sa kanila. Patuloy ang pag iyak ni MJ habang nasa loob sila ng simbahan. Noong medyo kumalma na ng konti si MJ, nag desisyon silang lumabas na at kontakin ang funeral home.

Ring! Ring! Huminto sila sa paglalakad sa daan. Tsinek ni MJ ang cellphone niya at nakitang si Aling Maria ang tumatawag. "Hello, ano po iyon Aling Maria?", pagka sagot sa tawag. "Iha, alam kong mahirap itong pinagdadaanan mo ngayon pero gusto ko lang din makwento sayo kung paano namin nakita ang mama mo bago siya nadala ng ospital", wika ni Aling Maria. Nagpatuloy ang ali, "Ang anak kong si Kloyd ang naka rinig at nakakita kay mama mo. Ang sabi ni Kloyd, narinig niya daw na nagsisisigaw si mare". Nagtaka ang dalaga sabay tanong,"Ano po daw ang sinisigaw ni mama?". "Ang sabi ng anak ko, parang may kaaway daw ang mama mo sabay nagsisisigaw ng 'Nestor! Bakit Nestor?!", sagot naman ni Aling Maria. Nanlaki ang mga mata ni MJ sa narinig. "Po? Nestor po?!" Sigurado po ba si Kloyd sa narinig niya?", balik tanong ng dalaga. "Oo MJ. At nung pinuntahan ni Kloyd ang mama mo para tingnan, nakita na niya itong walang malay sa sahig at kaya dali dali niya kaming tinawag at yun nga dinala na namin siya sa ospital", sambit ni Aling Maria. Natahimik saglit si MJ sa narinig. Maya maya ay nagpasalamat na ito kay Aling Maria at binaba na ang telepono.

Nanginginig si MJ sa narinig na balita. Napansin ito ni William kaya tinanong niya ang nobya kung ano ang sinabi ni Aling Maria. Tiningnan ni MJ si William sabay sabi, "Si mama daw bago hinimatay, nagsisisigaw ng Nestor! Nestor!". Gulat na gulat din si William sa narinig. "Nestor? Imposible mahal", sagot ng binata. "Totoo mahal ko", sambit ni MJ. "Sa tingin mo ba mahal ang Nestor na tinutukoy ng mama mo ay si....", sagot ng binata na di natapos dahil sa narinig na mga sigaw ng mga tao sa palibot ng daan.

"Tabi! Tabi kayo riyan!", sigaw ng isang mama. Beep! Beep! Malakas na busina ng isang trak na papalapit kina MJ at William. Beep! Beep! Klash! Boom! Nagsigawan ang mga tao sa labas ng simbahan. Nakabulagta sa daan ang magkasintahan matapos silang mabangga ng trak.

I  Love You, Now Rest In PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon