[21] The Last Stand (END)

381 5 0
                                          

∞∞Hazel∞∞

Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin yung iba kong kaklase.Baka nga nakalabas na sila ehh.

Habang naglalakad ako sa hallway lahat ng mga kwarto na dinadaanan ko ay nasusunog.Kaya plinano ko nalang na lumabas na ng mansyon kasi no choice ehh.Wala rin akong magagawa at tsaka maari rin akong mamatay dahil nasa loob pa sila Mell at Serdon.

Naglalakad ako sa hallway ng bigla kong nakasalubong si Zander.Agad siyang pumunta sa direksiyon ko.Naalala ko na kasabwat pala siya ni Mell sa mga nangyayaring ito pero imposible naman na ngayon lang silang pumatay ng tao kasi dati hindi naman at ang supspect ay sila Mell,Serdon at Czarina.Pero ilang saglit lang ay namatay rin si Czarina.

"Wag kang lalapit sa akin!!!"Sabi ko habang nakatutok ang aking kutsilyo kay Zander.Napatigil naman siya sa kanyang pagtakbo at halata sa kanyang mga mata na naguguluhan siya.

"Hazel!Ok na kami!Nawala na yung epekto ng syringe na itinurok sa amin.Hindi na ako masama at gutso kong iligtas ang buhay mo."Sabi niya habang unti-unting lumalapit sa direksiyon ko.Nanginginig ang aking buong katawan dahil baka mapatay niya ako.

"Sino ang pumatay kay Veronica at Franz?At tsaka kala Andrei at KenKen?!"Tanong ko sa kanya.Hindi ko namalayang may pumapatak na palang mga luha sa aking mg mata.

"Pero hindi naman---"Hindi na natapos ni Zander ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita si Hazel.

"Alam ko na pinatay niyo sila Andrei at KenKen!"Nagagalit na sabi ni Hazel.

"Oo pero kapag hindi---"Hindi nanaman natapos ni Zander ang kanyang sasabihin ng biglang gumuho ang kisame sa bandang dulo ng hallway.

"Hazel tara na!!!"Sigaw ni Zander kay Hazel ngunit tuluyan nang gumuho ang kisame sa ibabaw ni Hazel kaya nadaganan na siya ng mga kahoy at mga debris habang si Zander ay tumakbo na papaalis.

Sa labas naman ay nadoon pa rin ang lahat.Si Robb ay nakaupo lang dahil nanghihina.Si Elisha at Chesca ay naghihintay kay Zander habang si Alberth at Jason ay nakaupo lang.

"Makakaalis nantayo dito ng buhay!"Palihim na sabi ni Jason kay Alberth.

"Kaya nga ehh."Sabi ni Alberth.

Maya-maya ay lumabas ng mansyon si Zander na hingal na hingal.

"Ohh nasaan na si Hazel?"Tanong ni Chesca.

"W-wala na siya."Malungkot na sabi ni Zander habang nakatungo.Ikinagulat naman ng lahat ang kanilang narinig.

"Kailangan na nating umalis dito!"Sabi ni Elisha at tumango naman sila.

"Ehh,anong sasakyan natin?"Tanong ni Alberth.

"Kunin nalang natin yung sasakyan nila Hazel."Sabi ni Zander.

Class 150 (Part 2) | C O M P L E T E D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon