[17] Bloody Vacation (1)

335 5 0
                                                  

Nagising ng maaga ang magkakaibigan dahil ngayong araw na ito ang kanilang bakasyon.Excited rin sila at hindi mapakali.

"Bilisan niyong maligo!"Sabi ni Elisha at agad na pumasok ng CR si Alberth para maligo.

{Fast Forward}

Bihis na silang lahat at ready nang umalis.Hinihintay nila sila Hazel dahil sabi niya ay susunduin daw sila ni Hazel.Maya-maya ay may kumatok sa pinto,si Hazel kasama ang mga kaklase nila.Agad namang pinagbuksan ni Robb si Hazel para pumasok at yung iba naman ay nandoon sa labas.

"Ohh,ok na ba kayo?Kumpleto na ba mga gamit niyo?Baka may maiwan kayong importante ha."Bilin ni Hazel.Agad namang kumilos si Alberth para kunin ang kanyang cellphone na naiwan sa kanyang kwarto.

Maya-maya pa't hindi na sila nagaksaya pa ng oras kaya sumakay na ang lahat sa kulay gold na van nila Hazel.Si Hazel ang kilala na mayaman sa kanilang seksiyon.At ang kanilang pupuntahan na mansyon ay pagmamay-ari nila.Ang mga kaibigan niya lang sa seksiyon nila ay sina Czarina,Mell,Serdon, at Joella.Ngunit nung nalaman na nga ng lahat na ang killer ay sila Czarina,Mell at Serdon ay hindi na siya nakipagbarkada sa kanila at lumayo na at hindi na rin siya nakipagusap sa kanila.Nung nalaman naman niya kahapon na naaksidente sa isang car crash sila Mell at si Serdon ay medyo nalungkot at sumaya siya.Lumungkot siya dahil namatay ang kanyang mga kaibigab at sumaya siya dahil wala nang patayan na magaganap sa loob ng kanilang seksiyon.

Medyo matagal ang biyahe nila kaya naman ang iba sa kanila ay nakatulog sa biyahe.Sa bandang gitna ng van ay nakaupo ang magkakaibigan na sila Elisha.Si Franz ay mahimbing n nakatulog at pati na rin si Alberth.Si Jason naman ay nakikinig ng music.Nagk-kwentuhan naman sila Robb at Zander habang si Chesca ay tinitignan ang magandang mga tanawin at si Veronica naman ay panay kuha ng kuha ng mga magagandang tanawin lalong lalo na ang "Taal Volcano".Nandito na kasi sila sa Tagaytay at ilang minuto nalang ay mararating na nila ang kanilang pupuntahan.

"Ang ganda ng view!!"Sabi ni Veronica habang panay kuha ng litrato.Meron kasi siya nung camera na "Instax" na kapag kumuha ka ng litrato ay parang magp-print na ito.

"Oo nga ehh."Sabi naman ni Elisha na nakatingin rin sa magagandang tanawin.

"Guys 13 minutes nalang nandiyan na tayo!Gisingin niyo na yung mga natutulog diyan."Sabi ni Hazel.Agad namang ginising ng iba yung mga natutulog na mga kaklase.

Agad namang nagsitinginan ang lahar sa magandang view ng taal volcano at taal lake.Masaya ang lahat dahil malapit-lapit na kasi sila sa kanilang destinasyon

Matapos ang ilang minuto ay tumigil ang van sa tapat ng isang malaking mansyon.Nagsibabaan ang lahat at bumulaga sa kanila ang napakalaking gate.Sa gilid naman ng gate ay may mailbox nakalagay dito ay "Deramayo",ang apilyedo ni Hazel.

"Naks!Ang yaman ha!"Sabi ni Eyra.

"Tara!Pasok na tayo!"Sabi ni Hazel at inutusan niya ang kanyang driver na buksan ang gate.

Excited namang pumasok ang lahat sa mansyon.Halos mawawala ka sa loob nito dahil sa laki at dami ng mga kwartong iyong dadaanan sa hallway.Marami ring kwarto rito.

"Ohh maraming kwarto dito ha.Sige na at pumunta na kayo sa inyong mga kwarto.Papasamahan ko na kayo sa mga katulong dito.Mga 14 ang katulong ko dito ha.Ohh siya sige,ihatid niyo na sila sa kani-kanilang mga kwarto."Utos ni Hazel sa kanyang mga katulong.

Class 150 (Part 2) | C O M P L E T E D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon