~1.Labidabs

38 5 0
                                                  

Joy's POV

Pasukan na.Nandito ako sa room namin sa pinakalikod ako umupo.Malabo ang mata ko hahaha at ang baliw ko dahil dito pa talaga ako sa dulo umupo.Trip ko eh.

Ako nga pala si Joy Clintz Buenavista.Isang mataba(di naman masyado),Maputi at medyo matangkad na babae.Hindi ako gaanong matalino pero may alam naman ako kahit papaano noh.Grade 9 na nga pala ako..

Hayyyyy...Nakakaboring naman..Napadako ang tingin ko sa lalaking nasa dulo ng upuan sa harapan...Ang gwapo nya talaga...Lalo na kapag seryoso....

Sya si Blake Anthon Castro.Gwapo at habulin ng mga babae pati bakla.Mukha syang seryoso pero loko loko sya.Mukha syang snober pero snober talaga hahahaha!Crush ko sya..CRUSH NA CRUSH!Simula pa nung isang araw nung una ko syang makita...Napukaw na nya ang aking damdamin!Ay naging makata tuloy ako -_-

*Break Time*
Kasama ko ang mga kaibigan ko na pumunta ng canteen which is sina Jade Ann,Dalyn,Wendie,Cathie,Nathalie,Ella,Faye

"Hay nako.Ang boring ng klase noh.Muntik na nga akong antukin eh." Panimula ni Wendie

  Wendie Shane Aquino.Pinakababy namin.Maliit lang sya pero matalino.

"Ako nga rin eh kaya nga kinakalabit kita kanina." Dalyn

   Dalyn Gallardo.Pinakakenkoy at makulit at Maingay sa amin.Matalino din sya.

Ako lang ata di matalino sa amin eh.

"Si Jade lang naman di inantok eh palibhasa sobrang matalino hahahaha!" Cathie

"Oo nga!" Pagsangayon namin.

"Ehem....Andyan na si Mr.Right mo Joy!" Sabi ni Nathalie

  Nathalie Fajardo like me Chubby din sya pero kikay sya unlike me simple lang

Tinuro nya si Anthon na naglalakad sa Canteen.Hay...Ang gwapo gwapo talaga nya!!!

"Alam nyo balita ko..May nililigawan daw yang si Anthon taga ibang section." Sabi ni Ella

Ella Dela Paz.Katulad ko ulit.Mataba din sya sya pinakamataba sa amin.Pero wag ka matalino sya with matching nerdy glasses pa!

"Sino?!" React ni Wendie

Kahit kailan talaga tong babaeng toh!Nauuna pang magreak kaysa sa akin -_- Kaibigan nga talaga sya

"Si Lorna.Si Lorna Bernardo.Yung maganda na mapayat tas matalino.." sabi pa ulit ni Ella

Aray.Ang sakit seet.Crush na nga lang meron ako may kaagaw pa ako :'(

"Ano ka ba naman Ella.Dahan dahan ka nga sa bunganga mo!" Nathalie

"Ay sorry..Joy..Di ko sinasadya." pag despensa ni Ella

"Ayos ka lang Joy?" Jade

Jade Vernales.Pinakamatalino sa amin.At pinakamasipag.

"Ako?Hindi okay?Kailan pa?Hahaha.Okay lang ako guys." ako

Okay lang ako kahit hindi....Ayoko lang magalala ang mga kaibigan ko..Hayst!

Pagkatapos namin magrecess umakyat na agad kami sa room at as usual.Inaantok na naman ako haysstt. Iniisip ko pa rin yung si Lorna..Di sya pamilyar sa akin kaya magiistalk ako sa FB nya...Lorna Bernardo..Hmmm

*Fast forward*

Uwian na namin.At eto nagkanya kanya na kami ng uwi..

Bumaba na ako ng hagdan ng may nabunggo ako...

"Ouch.'' sabi nung nabangga ko

''Hala ate.Sorry.Di ko sinasadya.'' sabi ko dun sa ateng nabangga ko.

Hala?Ang ganda nya <3_<3

"No.It's okay haha.Sige ha una na ako." Sabi nya

At bigla nang tumakbo

Ang ganda na ang bait pa infairness!

Umuwi na ako....

*Bahay*
"Ma,Pa.Andito na ho ako!" sigaw ko ng pumasok ako sa bahay

''Oh Joy Andyan ka na pala.Hala sige magbihis ka na at handa na ang pagkain natin'' Mama

Nagmano lang ako sakanya at saka umakyat sa taas

Hoooh!Ang init ha.Nagpalit na ako ng damit at tumingin sa salamin.Bigla kong naalala si Lorna.....Im sure she's pretty.Smart.Unlike me coo coo brain.I know she's sexy unlike me siksik.Mataba hayt!Wala na ba talagang pagasa?

Binatukan ko ang sarili ko!Hoy Joy!Ang tanga mo naman!Crush mo palang naman si Anthon diba?!Hayst!Bumaba na ako at kumain na kami....

A/n:
  New story again inspired hahaha!Nagawa ko tong storya na toh unlike other typical teen fiction stories na nerd kuno na nainlove sa gwapong mayaman.Iba to.Ang pangit na din kasi ng yung plot ng story mo is cliche or pareho lang ng sa iba...Oh well.Yung iba makakarelate dito dahil ito talaga ang totoong nangyayari sa mga kabataan ngayon.Nafafall pero di sinasalo at Napapaasa lang. ^_^
Hope you like my UD guys!Read vote and comment!Spread the love guysss :*

~MissPuffPuffCute
(Detective Killer)

2 Words 6 lettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon