[10] Clarissa

360 6 0
                                                  

Kumatok si Elisha sa clinic para bisitahin sila Zander at ang mga kaklase nilang kasama sa nangyari kanina sa PREX.

*KNOCK...KNOCK...KNOCK...*

Agad binuksan ni Nr.Abby ang pinto ng clinic at nakita ang apat na magkakaklase.

"Nurse Abby pwede po ba naming bisitahin yung mga kaklase namin?"Tanong ni Robb at tumango naman ang nurse at pinapasok sila ng clinic.

Nakita nila ang kanilang walong kaklase na nakahiga sa kama.Medyo may pagkalaki kasi ang kanilang clinic laya maraming kama para sa mga estudyanteng naaksidente o kung ano pa.

Lumapit naman sila kay Zander at Alberth na sugatan ang mga katawan.

"Uy Zander ok ka lang?"Tanong nila at tumango naman si Zander.

"Alberth ok ka lang ba?"Tanong naman ni Jason kay Alberth at tumango rin ito.

"Ano ba talaga ang nangyari doon sa prex?"Tanong ni Chesca.

"Ayoko nang maalala."Sabi ni Zander na parang wala sa sarili.

"Mamaya nalang namin ik-kwento sa inyo."Sabi niya ulit.

{Fast Forward}

Nakarating na sila ng bahay at nandoon sila sa living room.

"So anong nangyari?"Tanong ni Elisha.

"Basta,nagme-meeting kami nun.May naamoy na parang amoy gas.Oo nga,gas yung naamoy namin.Tapos bigla nalang nagliyab yung gas.Nagtakbuhan kami papunta ng exit ng prex.Tapos biglang may sumabog.Pagmulat ko nalang ng mata ay nakita kong patay na sila Shawn,Carley at Mike, mga ka-partylist ko sila.Tapos ayon,nagsimulang gumuho yung kisame.Yung kisame kasi ay bato at ang nasa taas nun ay classroom kaya yung ibang estudyante ay nahulog sa prex pero yung iba ay nahulog sa apoy.Mga 20 minutes ang lumipas ay hindi pa rin kami nakakalabas ng prex.Marami nang patay na estudyante non dahil sa mga bato nagbabagsakan.Yung paa naman ni Alberth ay naipit sa bato kaya tinulungan namin siya.At si Ms.Reyes ay bigla nalang nawala at nakita ko na nadaganan na siya ng mga bato.At nagsimula na talagang mawala ang kisame at ayun.Wala na akong nakita."Kwento ni Zander.

Class 150 (Part 2) | C O M P L E T E D |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon