Chapter 63 (October 25, 2011)

872K 9.6K 1.2K
                                    

DATE POSTED: October 25, 2011


Chapter 63

"KENT naman eehhh!!"

"Miss na kita eh! *tsup* Hindi mo ba ako namimiss *tsup* 2 weeks Phoebe... 2 weeks na---"

"2 weeks na puro si Elisa lang ang kasama mo diba??" putol ni Phoebe kay Kent

"Phoebe naman!!" Niyakap ni Kent si Phoebe ng mahigpit. "Oo nga two weeks ko siyang kasama! Pero... 2 weeks din akong sad... 2 weeks akong... abstinence..."

"Tumigil ka nga! Abstinence pala ah! Sige magabstinence ka talaga ngayon! 9 months kang absitinence!!! Lumayo ka... Ang... init ng balat mo! Mag-isa ka!! Ehhhhhk!!!"

Tumayo si Phoebe at umupo sa upuan sa tabi ng kama.

"Kanina ambaho ng damit... ngayon ang init ng balat? Anong gusto mo malamig balat ko?"

"Ehh. Magbihis ka nga dun... Medyo lasing ka pa nuh? Mamaya pumasok si manang dito makita ka pang ganyan... Naku!!!"

"Sige na baby ko... Halika na dito!!! Miss mo ako diba?? Miss na miss na kita... TToTT Ipapakita ko sayo kung gano kita ka-miss!!" inextend pa ni Kent ang dalawang braso habang tinatawag si Phoebe na awkward na nakaupo sa upuan.

Binato ni Phoebe si Kent ng kumot.

"Lasing ka pa!!"

"Hindi na ako lasing! Lika na dito... hug mo na ako..."

"Hug ka diyan!!! Hug lang daw pero mamaya... iba na ginagawa mo... -_____-"

"Ganun talaga Phoebe... Miss na kita eh... Sige na... Ansarap dito sa kama oh! Yeeeee Lalapit na yan. Bilis na nilalamig na yung mainit kong balat oh... Pag niyakap mo ako iinit na *grin* Nakapangako ka ng honeymoon sa akin diba pagbalik ko? Eto na mahal ko! Nandito na ako!"

"Magkumot ka para di ka lamigin! Kent di na pwede... Ano ka ba..." awkward na talaga si Phoebe. Kahit naman mag-asawa na sila, di naman nila gaanong napapagusapan ng madalas ang ganoong bagay.

"Pwede pa... Alam ko nabasa ko na yun eh! Tska napanuod somewhere... Healthy nga daw yun eh! Tska habang maliit pa yan... Samantalahin na natin!!!"

"EH! HINDI NA PWEDE! UMALIS KA NA DIYAN LUMABAS KA NA NGA SA KWARTO KO! PERVERT!! HORNY! AMBAHO PA! AMOY BABAE!"

Sumeryoso ang mukha ni Kent. Di ito sumagot.

"Uy Kent... Magbihis ka na...  Aba! Dapat nga nagtatampo pa ako sayo dahil sa ugali mo ha... Wag ka ngang sumimangot diyan!"

Tumayo na nga si Kent. Pinulot ang damit nito sa sahig at lumabas ng kwarto.

Ehh?? Magbibihis na siguro siya, para sasabayan niya ako kumain.

Sumunod si Phoebe. Sinundan niya si Kent na papunta na sa kwarto nito. Napigilan niya ang pinto bago ito sumara at pumasok na din siya sa loob.

Hala... nagtampo??

"Magbibihis ka na ba? Bilisan mo ah!!!"

Kumuha nga si Kent ng damit sa loob ng cabinet. At nagsimulang magbihis. Tumalikod bigla si Phoebe.

Sabi ko nga eh. Magbibihis nga siya diba? Tanong-tanong pa ako eh nuh?

"TAPOS KA NA???" tanong ni Phoebe makalipas ang ilang minutong nakaharap siya sa may pintuan.

"..."

"HOY KEN TOMAS!!! YEEEHEEE! TAPOS KA NA BA MAGBIHIS?"

"Wag mo ako tawaging Ken Tomas pwede?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon