24th Chapter

380K 6.2K 954

24th Chapter

"Hey, don't push yourself too hard, DK. Magkakasakit ka niyan." Kim told me. Since Andy walked totally out of my life, I've been doing many things. M-A-N-Y.

"Shut up. I know what I'm doing." 

"Yeah. Three weeks pa lang since nagsimula ang sem pero lahat ng projects sinisimulan mo na." Yeah. Ginagawa ko na lahat ng projects, kahit group projects ako lang ang gumagawa mag isa. I need to keep myself busy. It's been two weeks since Andy decided to forget me. 

"Dean's lister, remember?" 

"Yeah. Makaalis na nga. Walang matinong makausap dito. Ikaw parang robot kung makapagtrabaho, si Nof missing in action. Just pure crap. Buti na lang wala akong lovelife." Then she left.

Ano kaya ang nangyari kay Nof?

--------------------------

Nof's Point of View

"Got it, dad. 7 p.m. H20 Hotel. I'll be there." Ano na naman kaya ang plano ni dad? Ilang beses na niya akong minatch make sa kung kani-kaninong anak ng business partners niya. Frustrated match-maker yata ang dad ko. *sighs*

Nung makarating na ako sa meeting place namin, nakita ko sa dad dun sa entrance. "Dad, bakit ganyan ang suot mo? Sabi mo semi-formal?"

"Ayoko namang sumabit sa date ng princess ko." Ayan na naman siya. Kung kani-kanino ako sine set-up.

"Date na naman? Dad naman! Ang kulit-kulit niyo talaga."

"Last na 'to, princess. For sure naman matutuwa ka."

"Better be sure na matutuwa ako. Lagi na lang fail ang lalaking pinapakilala niyo sa'kin." The last time, isang manyak yung naka date ko. Dang. Inaya ba naman akong mag check in sa hotel after ng first meeting namin. How gross was that?!

"Remember Dave Cruz? Siya ang ka-date mo ngayon."

"What?! Dad naman!!" Then he started to laugh. "I thought you're over him? It's been a year or two, princess. Kalimutan mo na 'yun. Start anew."

"I already moved on, dad. Besides, may girlfriend si Dave ngayon." Sara Gomez. She's pretty and kind.

"Then good for him." Then he sighed, "Nof, kaya ko 'to ginagawa ay para maka move on ka na. Let go of the things that's hurting you or haunting you. Start being friends again with him. Best friends kayo bago naging kayo, sayang naman ang pinagsamahan niyo kung masisira lang dahil hindi kayo nag work bilang romantic partners."

"Okay, okay. Papasok na ako." Sana nga magwork 'tong pinlano ni Dad. "Good luck, princess."

Breath in

Breath out

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!